Chapter 44

1K 27 0
                                    

Nang pindutin ni Madi ang receive call button ay agad na pumainlalang sa tenga niya ang masiglang boses ni Phil.

"I'm about to go inside the hospital, Madi. Nandito na ako sa harap."

Hindi naman iyon bago kay Madi dahil nitong nakaraang araw ay bisita palagi ni Becca si Phil sa kabila ng punong schedule ni Phil. But Madi also knew that this time would be a lot different than the last time.

Tumingin ulit siya kay Ilea. Nakatingin lang ito sa kawalan. Pero kumunot ang noo ni Madi nang makitang may makinang na kumikintab sa pisngi ni Ilea. Mukhang umiiyak ito pero hindi nito napapansin. For someone so prideful like Ilea, it was a disturbing sight to witness. Not to mention, saddening.

"Nasa lounge ka ba ngayon?" dagdag tanong ni Phil.

What Madi said next was a wonder even to herself. Pero alam din niya na iyon ang dapat na matagal na niyang sinabi.

"Phil, naalala mo ba 'yung pinagusapan natin dati? That nothing is final yet?"

Mahaba ang paghugot ni Phil ng hininga. "And?"

"Mahal kita, Phil," Madi said slowly, surely. Walang bahid ng pag-aalinlangan at takot.

Si Phil naman sa kabilang linya ay biglang nanahimik, na para bang kahit paghinga ay nakalimutan nitong gawin. Kaya naman nagpatuloy si Madi sa walang habas na pagsasalita. Kahit ngayon lang, naisip ni Madi na magpakatotoo sa nararamdaman niya patungkol kay Phil. Kagaya nga ng laging sinasabi ni Pol, hindi siya dapat maging makasarili sa nararamdaman niya.

"Sa loob ng mahabang panahon ay minahal kita. Simula pa noong araw na sumulpot ka bigla sa guidance office at binigyan ako ng band-aid na Hello Kitty. Simula pa noon, ikaw ang naging superhero ko. And for years after that, you became my Superman, Batman, Spiderman and Iron Man rolled into one."

"Madi... I—"

Umiling-iling si Madi kahit na alam niya na hindi naman siya nakikita ni Phil. "Let me finish first, please, Phil." Sandali pa ay lumingon siya kay Ilea. "Because time is running short for us. And I believe that you needed to hear this."

Madi took deep, calming breaths. Ngayon niya napagtanto na sa tagal nilang magkaibigan ni Phil, napakarami pala nilang mga bagay na 'di nila nasabi sa isa't isa.

"Mahal kita, Phil. And I know that I will always love you. I will always look up to you. And perhaps, you will always remain a hero to me." God, but this is not easy. "Pero 'yung pag-ibig ko na 'yon para sa'yo, it has evolved through the years. Changed. Converted into something that was both sweet and bitter at the same time. Alam ko na ganoon din iyon para sa'yo, Phil."

Sa kabilang linya ay nanatiling tahimik si Phil. Pero kilala na ni Madi ang katahimikang iyon. She's been looking at Phil for like forever, after all. At sa pagkakataong 'yon, alam na alam na ni Madi kung ano'ng dapat gawin. Naiintindihan na niya ang puso niya at ang puso ni Phil.

"I finally realized that what I really wanted was someone to stand by me. Someone whom I can see eye-to-eye with. 'Yung naiintindihan ang mga moods ko pero itatanong pa rin sa'kin kung ano ba ang nararamdaman ko sa bawat araw dahil natatakot siyang magkamali at hindi ako mapangiti. Someone who is not afraid to challenge my views and my beliefs, but will still give me my daily dose of bad calories at the end of the day." Naglamlam ang mga mata niya. "Iyong taong hindi natatakot na mahalin ako nang buong-buo kahit hindi siya sigurado kung magkakaroon ng kapalit. Iyong hindi mangingiming hawakan ang kamay ko kapag gusto ko nang magtago sa buong mundo. Iyong alam kong hahalughugin ang buong mundo mahanap lang ako."

Kinusot ni Madi ang matang nag-uumpisa nang mamula sanhi ng mga luhang pinipigilang ilabas. She really was missing Pol all over again.

"And you also deserve that kind of love, Phil. Hindi ko iyon kayang ibigay sa'yo. Hindi noon, at lalong-lalo nang hindi ngayon. But to be fair to both of us, alam ko na hindi mo rin iyon kayang ibigay sa'kin." Minsan pa ay sinilip niya si Ilea. "There's happiness waiting for both of us, Phil. Kailangan ko lang... kailangan lang nating dalawa na tumigil kakaisip ng mga 'what-ifs.' Kailangan lang natin tanggapin na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. That we cannot change the past - we can only accept it. Perhaps that's the answer to all our questions."

"Madi..."

Nang maramdaman ni Madi na may dagdag na presensya sa paligid ay agad siyang tumingin sa kabilang pasilyo. Naroon si Phil hawak-hawak sa kamay ang cellphone at nakatingin sa kanya.

Then Madi smiled. Knowing that for the first time, and quite possibly the last time, she was letting go of a love. Sure, it wasn't easy. Pero kaagad na nakaramdam ng kapayaan ang puso niya.

"Hey." Bahagya pang nabasag ang boses niya.

Ngumiti din si Phil mula sa malayo. "Hey."

"Salamat sa pagbibigay ng pangalan sa'kin." She tried to hold back her tears.

Si Phil ay nag-u-umpisa na ring magtubig ang mga mata. "Feeling mo naman, cute ka?"

They both laughed at that: two friends who could have been lovers, only that it wasn't really meant to be.

Si Phil ay dahan-dahang naglakad papunta kay Madi. Nang sa wakas ay nakatayo na ito sa harap niya ay ibinaba nito ang cellphone. He then searched her face as if he was seeing her for the very first time. A wistful smile crossed his lips.

"How you've grown to be so beautiful, Magdalena Purisima," Phil said softly and lightly, calling her by the name she hadn't been able to love when she was but a kid. Hinalikan ni Phil ang noo niya, pagkatapos ay bumulong, "And I've never wanted anything so bad in this world than to see you happy."

Tumango si Madi. "Alam mong gano'n din ako sa'yo."

Bahagya inabot ni Phil ang mukha ni Madi at hinawakan ang pisngi. Ipinatong naman ni Madi ang kamay niya sa kamay ni Phil. Ang kauna-unahang beses na tingin ni Madi ay pwede niyang gawin iyon.

"And this is not goodbye, right?" ani Phil.

"Never. On the contrary..." Ngumiti si Madi at bahagyang gumalaw sa pwesto. When she did so, the view was instantly unblocked. "This is probably just another beginning."

Noong una ay mukhang hindi pa naintindihan ni Phil. Sinilip nito ang likod niya. Nang sa wakas ay makita nito ang gustong tukuyin ni Madi ay nahugot kaagad nito ang paghinga. Nanginig din ang ibabang labi nito.

"Ilea..."

Bago pa siguro mapagtanto ni Phil ay nagsimula na itong naglakad papunta kay Ilea, tila namamaligno at hindi makakurap. Sa lahat ng iyon ay tahimik lang na nanood si Madi. It stung a bit, this "letting go" thing. Lalo pa at buong buhay niya atang itinangi sa puso si Phil. Pero nang makita niya ang kislap sa mga mata ni Phil habang hindi inaalis ang mga mata kay Ilea, alam ni Madi na ginawa niya ang tama. Bakit ba naisip nila ni Phil na posibleng maging sila?

This is great, Madi. You did really great.

Patalikod na si Madi nang may maalala. Kinapkap niya ang bulsa. Yup, it's still there.

"Phil!"

Nang panandaliang tumigil si Phil ay si Madi naman ang naglakad papalapit. Sumenyas siyang ibuka ni Phil ang kamay. Pagkatapos ay may inilagay siya sa bukas na palad nito.

"'Still here waiting for your next move,'" basa ni Phil sa cup holder.

"No regrets," bulong ni Madi.

Madi could swear she heard Phil sniffed. Pero binigyan siya nito ng magandang ngiti. Iyong kaparehong ngiti sa loob ng guidance office noong mga bata pa sila. Ang kanyang lihim na kayamanan na ngayon ay kailangan na niyang pakawalan.

"No regrets, my dearest friend."

Madi watched Phil approach Ilea before she decided to turn her back and walk away.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon