Chapter 46

1.3K 34 0
                                    

Kakatapos lang ni Pol mag-wrap up ng recording session ng isang up-and-coming solo artist ng umagang iyon nang sumilip sa recording booth si Micky.

"Pol, Risha's here to see you, buddy." At dahil alam na ni Micky kung ano'ng magiging reaksyon niya ay agad nitong idinagdag, "She said it won't take long."

Si Lemuel na kasama niya sa booth ay napailing na lang pero hindi nag-komento. Pol sighed heavily. Ang huling beses na nakita niya si Risha ay noong gabi ng first official date nila ni Madi. Hindi naman sa hindi nito sinubukang bisitahin siya lalo pa noong nag-o-overtime siya at natutulog sa opisina. Pero siniguro niyang hindi siya maaabutan ni Risha na hindi busy at walang ginagawa.

Matapos ang ilang subok ay tumigil nang magpunta si Risha. Until today. At naubusan na siya ng mga excuses kaya hindi na pwedeng hindi niya harapin si Risha.

"Aayusin ko lang 'to, then I'll see her."

Tinanguan niya si Lemuel na agad na lumabas kasama ni Micky. Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay si Risha naman ang sumilip sa recording booth.

"Pol?"

Sinikap ni Pol na ngumiti.

"Come in, Risha."

Hinila niya ang isang silya sa gilid ng silid. Pero nang makapasok si Risha ay hindi naman ito umupo. Ibang-iba ang hitsura nito kaysa sa huling beses na naroon si Risha sa studio. Gone was the confident air that was Risha's signature. Ngayon ay tila ito naligaw na bata sa syudad.

"May kailangan ka sa'kin, Risha?" paghikayat ni Pol, naramdaman ang biglang pagbalot ng lamig at lungkot sa silid.

Huminga nang malalim si Risha. "I'm leaving, Pol."

Nagulat man ay hindi kaagad umimik si Pol. Hindi ito ang inaasahan niya. In a voice that was as tentative as hers, "I'm sorry."

Mas nagulat pa si Pol nang ngumiti si Risha. A genuine, amused smile.

"You really, truly, don't love me anymore, do you?" Nang manatili siyang litong-lito ay idinagdag ni Risha, "Noong sinabi ko sa'yo 'yan maraming taon na ang lumipas, you said you'd die first than see me leave."

Bumalik kay Pol ang gabing iyon. The culmination of his downward spiral. Noong sandaling iyon, pakiramdam niya ay nagsaklob na ang langit at lupa. Kahit siya ay nagtataka na makita ang sarili na nakatuntong sa matibay na lupa sa mga sandaling iyon.

"Back then, I really thought I would," mahinang pagsusog niya.

Umiling si Risha. "But you didn't. You survived. And look where you are now."

Inilibot ni Risha ang paningin sa loob ng recording studio. Dahan-dahang ipinaraan nito ang mga daliri sa music sheets na nakalatag sa lamesa. Ganoon din sa ilang albums at EPs ng mga musicians na siya ang nag-arrange.

"I guess I really was a fool to come back here. But can you blame me for trying to fix the mess I left behind?" Lungkot ang nababatid ni Pol sa mga mata ni Risha. "Kapag tinitingnan ko ito, ikaw... Nakikita ko lahat ng mga pinanghihinayangan ko. Nari-realize ko na hindi ko na pala talaga hawak ang puso mo. Na hindi ko naman talaga naging hawak ang puso mo."

"Risha..."

Mapait ang ngiting lumabas kay Risha. "Don't Pol. Don't make things easier for me by telling me that you loved me. Sawang-sawa na ako na palaging madali ang mga bagay para sa'kin."

"I did love you, Risha," Pol insisted softly. "Despite what you think, I opened up a space for you in my heart."

Mukhang sinusubukan talaga ni Risha na patatagin ang sarili dahil noon lamang ito biglang bumulalas ng iyak. Dahil hindi inaasahan ay hindi malaman ni Pol ang gagawin. Si Risha naman ay agad ding itinaas ang kamay. He figured that she was still trying to be classy and dignified.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon