Chapter 26

1K 26 0
                                    

Nang araw na iyon ay may tatlong bagong bagay na nalaman si Madi.

Una, na ang Land of Oz ay matatagpuan sa Binondo.

When Pol told Madi to "sit back and enjoy the ride," that was what she did. Wala na siyang balak makipagtalo kay Pol na mukhang pinaghandaan ang itinerary ng araw na iyon. Katulad ng ipinangako ni Pol ay hindi magarbo ang itinerary nito. Ipinakita lang ni Pol sa kanya ang ruta na dinadaanan nito araw-araw papunta sa trabaho.

Noon lang nalaman ni Madi na may ice-cream parlor malapit sa GTowers. Fusion iyon ng Italian gelato at Korean ice-cream.

"Low-fat iyan kaya kainin mo na," ani Pol, sabay abot ng pint ng mint chocolate chip. Goodbye sa diet.

Ipinakita din ni Pol sa kanya ang isang linya ng mga flower shops doon sa lugar. Pagkatapos ay isang linya ng mga nagtitinda ng trinkets. Nando'n ang iba't-ibang klaseng charm bracelets. Bibilhin sana ni Madi ang isang charm bracelet para sa luck, pero ibinalik iyon ni Pol sa tindera. Sa halip ay binigyan siya ni Pol ng isang hair clip at ito mismo ang naglagay niyon sa buhok niya.

"That's the only thing you need, Adeng. Now, everything's perfect."

Bilang ganti, ibinili ito ni Madi ng charm na magbibigay sa nagsusuot ng isang milenya ng purong kaligayahan.

"Pag natapos na ang one hundred years mo, balik tayo dito at bibilhan ulit kita ng bago," aniya.

Imbes na sumagot ay hinaklit ni Pol ang likod ng ulo niya at isinubsob sa dibdib nito bago siya niyakap nang mahigpit. Maluha-luhang tumatawa si Madi kasabay nang pagpo-protesta.

Pagkatapos ay dinala siya ni Pol sa isang parte ng Binondo na hindi niya maiisip puntahan kahit kailan. Hindi dahil hindi dapat nagpapagala-gala ang katulad niya sa kalsada sa katirikan ng araw. Sa totoo lang ay mga Intsik ang nasa parte na iyon ng Binondo at gasino na siyang pinapansin. Pero mas lalo dahil ang tinigilan nilang dalawa ni Pol na bahay ay kaduda-duda ang pagkakayari.

"Hindi kaya bumagsak ang bahay na iyan sa ulo natin?"

Natawa si Pol. Mas hinila siya nito papasok. "Deconstructive art, Adeng."

"Deconstructive ka diyan. Nahiya kamo ang architects."

Inside, the place looked even shabbier - except that Pol was right. Iyong amoy na tila ba dinadala siya sa mga nakalipas na panahon ng kabataan, at sa isang iglap ay parang gusto niyang tumawa at umiyak nang sabay dahil gusto niyang balikan ang panahon pero hindi na niya magagawa? Iyong amoy na iyon mismo ang sumalubong kila Madi at Pol. Madi didn't know how it happened, but suddenly, the old tables, rusty cabinets, and the peeled wallpaper made perfect sense.

"Parang Land Of Oz," wala sa loob na sabi ni Madi. A place where nothing was what it seemed.

"'Told you," nakangising sabi ni Pol.

Mas nakakagulat pa nang lumabas mula sa isang kulay beige na kurtina ang isang lalaking maliban sa singkit na mga mata na tila butas ng alkansya ay hindi na makita ang buong mukha dahil nababalutan ng kulay puti na buhok. It wasn't just any white - it was snow white. Isang authentic Chinese monk.

"Magandang hapon po, Apo Dalisay," kaagad na bati ni Pol.

"Antipolo!" ani ng matandang tinawag ni Pol na Apo Dalisay. "Aba, tingnan mo nga naman at naligaw kang peste ka sa lungga ko."

Bumaliktad ang ngiti ni Madi. Hindi ito authentic Chinese monk. Ito'y authentic tambay sa kanto.

"Nabalitaan ko na nandito kayo sa Pilipinas. Syempre, hindi ko na pinalampas na makita ulit ang kagalingan niyo."

Malutong at malakas ang halakhak ni Apo Dalisay. Gumalaw-galaw ang mga vase na nasa lamesa.

"Dulas pa rin ng dila mong loko ka. Ilang taon na nga noong huli kitang nakita? Sa Geneva ba? Gusgusin ka pa no'n."

"Sa Brazil, Apo," natatawang sagot ni Pol. "Gwapo na ho ba ako ngayon?"

"Mas gwapo pa rin ako noong kabataan ko," ani ulit Apo Dalisay na sinabayan na naman ng halakhak.

Madi witnessed the exchange with a slight grin. Halatang magiliw ang dalawa sa isa't-isa.

Pagkatapos ay sa kanya naman bumaling si Apo Dalisay. Ni hindi nito itinago ang pagkindat kay Pol.

"Ganda naman nitong kasama mo, Antipolo. Si Risha na ba 'to?"

Just one name, and whatever magic the place held that moment evaporated into thin, hot air. Bigla ay nagkulang ang hangin sa silid at nahirapan si Madi na huminga.

Iyon ang pangalawang bagay na nalaman ni Madi: na si Risha ay isang kasaysayan na naisulat sa buhay ni Pol dahil sa kanya. At kung ano man ang Antipolo na nakatayo sa tabi niya ay may marka na ng pangalan ni Risha na kailanman ay hindi na mabubura.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon