Chapter 32

1K 26 0
                                    

"Madam, hanggang kailan mo balak mag-tulala diyan?"

Mula sa kinahihigaan niyang sofa ay tiningnan ni Madi si Janice na kasalukuyan namang nasa kusina. May suot itong gloves at naghahalo-halo ng ingredients ng kimchi na ginagaya nito sa mga napapanood nito.

"Huwag mo akong pakialaman dito. Sarapan mo na lang ang kimchi mo," bagot na tugon niya.

Dahil sadyang malakas ang radar ng PA niya pagdating sa kanya ay hindi nito pinansin ang pag-aangil niya.

"Hindi bagay sa'yo ang mag-drama, Madam." Sandali itong sumilip at inginuso ang nakabukas na TV na gasino nang pagtuunan ng pansin ni Madi. "Saka kung hindi ka naman manonood, patayin mo na lang ang telly. Sayang ang kuryente."

Tumaas ang kilay ni Madi sa nagpipilit na British slang. "Telly?"

Ang lakas ng tawa ni Janice. "Nagpa-praktis, Madam. Baka pumunta dito sa Pilipinas si Tom Hiddleston, mabuti na ang ready."

Nalulungkot na ibinalik ni Madi ang atensyon sa TV. There must be really something wrong in the world because even Tom Hiddleston wasn't enough to uplift her spirits.

"Madam, hindi naman sa pinapalayas kita ha, pero curious ako. Bakit ba nagtatago ka dito? 'Di bale sana kung productive ka. Kaya lang, napupuno na ng humidity ang ere natin dahil panay buntong-hininga ang ginagawa mo."

"Wow lang sa humidity."

"Practice nga!"

Mas lalo pang namaluktot si Madi sa sofa. "Huwag kang mag-alala. Babayaran ko ang pag-stay ko dito."

Sumilip ulit si Janice mula sa kusina, nakakunot na ang noo. "Tingnan mo ikaw, Madam. Kapag concerned sa'yo, defensive ka naman."

Napangiwi si Madi doon. Parang pamilyar sa kanya ang sumbat na ito ni Janice. "Do I really sound like that? Hindi ko na napapansin."

"Opo. Nakakainis po minsan."

"Sorry. Ang tagal-tagal na kasi... masyado na ako'ng nasanay na mag-isa. To the point that it scares me to get favors from people for no reason at all."

"Hay naku, Madam. Chill-chill ka lang kasi." Naghalo-halo muna ito ng kimchi, bago, "Pero iyan din ang charm mo, Madam. 'Yun bang ayaw na ayaw mong umaasa sa ibang tao kapag kaya mo naman. Kaya kakaunti ang malalapit na tao sa buhay mo eh. Hindi ka kasi basta-basta nagpapapasok." Sumilip ito ulit, nakangiti na. "Pang-matagalan ka kasi, Madam."

Hindi mapigilan ni Madi na mapangiti doon. The good intention wasn't lost on her. "Magkano nga ulit ang pinapa-sweldo ko sa'yo? Kulang pa ata."

Ang lakas ng tawa ni Janice do'n. "Pero seryoso na, Madam. Nag-away ba kayo ni Papa P? Nung huli ka kasing nagtago dito, na-engage siya."

"It's not that." Nang maalala ni Madi ang naging usapan nila ni Pol limang araw na ang nakalipas ay nanlalatang ibinaon niya ang mukha sa throw pillow. "Ang gulo lang ng bahay ko ngayon kaya ayaw kong umuwi."

"Naku, Madam, sorry! Hindi ako makadaan dahil sa'kin hinabilin ni Tito Do Ha 'yung mga bagong recruit na models."

Hindi mo din naman kayang ayusin ang gulo ng bahay ko ngayon, gustong sabihin ni Madi. Because the mess was more than physical and tangible this time.

Simula noong gabing nag-away sila ni Pol limang araw na ang nakalipas ay hindi pa sila nag-uusap nang masinsinan. The morning after felt weird and abnormal. Nag-uusap pa rin sila ni Pol tungkol sa maliliit na bagay gaya ng kagandahan o kapangitan ng panahon. Pero sa 'di malamang kadahilan, pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay sabay nilang itinitikom ang bibig. Hanggang sa aalis na si Pol mula sa unit, at siya naman ay tatambay sa lounge area para magmatiyag sa mga taong naroroon gaya ng itinuro sa kanya ni Jonson Filemon.

Kapag naman umuuwi si Pol ay tulog na si Madi. O sinisiguro niyang nakatulog na siya. Hatinggabi na kung umuuwi si Pol galing sa trabaho kaya hindi mahirap gawin 'yon. Hanggang dalawang araw na ang nakalipas ay naabutan ni Madi ang sulat ni Pol sa ibabaw ng lamesa.

Adeng,

Dito muna ako magpapalipas ng gabi sa studio dahil may nira-wrap-up kaming project. Nag-grocery na ako bago ako umalis at nag-iwan din ako ng recipe para makapagluto ka. If there's anything you need, you can still call me.

Pol

P.S. You don't have to try too hard to avoid me. Maiintindihan naman kita kapag sinabi mo nang maayos kung ayaw mo akong makausap. Or don't you already know that by now?

"Idiot." Mas lalo pang isinubsob ni Madi ang mukha sa throw pillow. "Akala ko ba, kilala mo ako? Can't you read my heart at all?"

Maybe Pol really couldn't. Kahit siya ay hindi niya alam kung ano'ng nararamdaman niya patungkol kay Pol. O kung bakit apektado siya na nagpipilit bumalik si Risha sa buhay ni Pol. Hindi naman siya 'yung tipong madaling ma-threaten ng kahit na sino. Kahit si Ilea, nang malaman niya na na-engage kay Phil ay tinanggap niya kaagad kahit masakit. Kaya bakit hindi niya matanggap si Risha para kay Pol, gayong kung tutuusin ay mas katanggap-tanggap pa si Risha kaysa kay Ilea?

"You will fall in love with me..."

No. She was sure that it was Phil she loved. Aside from her mother, it was Phil that she cared the most about in this world. It was Phil whom she should care the most about in this world.

But, does she?

"Pero alam mo, Madam," untag ni Janice ulit kay Madi. "Advice lang, ha. Huwag mo nang patagalin 'yang sa inyo ni Papa P. Eh, ano naman kung may fiance na siya? Wala pa namang final. Sa last two minutes nga ng basketball, kahit lamang ang kalaban, basta matiyaga ay nahahabol pa rin eh."

"And why is that necessary now?"

"Para matapos na, Madam. Kung gusto ka ni Papa P, eh 'di okay. Happy ending. Kung ayaw ka talaga ni Papa P kahit katiting lang, pwede kitang samahang tumambay dito at iyakan natin. Pero at least, Madam, magkaka-lovelife ka na ng iba." Tumingala si Janice sa kisame. "Although mukhang mahirap humanap ng kapalit ni Papa P."

Para matapos, huh?

"You know that it's not as simple as that," malungkot niyang sabi.

How can she move on just like that from the person who gave her a second shot at life?

Kung hindi siguro dahil kay Phil, baka hindi na niya nagawang makabangon noong panahong nagkasakit si Nanay Becca. Kapag iniisip niyang maghanap ng iba, bumabalik sa kanya ang pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Phil. She thought that it would be betrayal on her part to even think of looking at someone else besides Phil.

Lalo pa ang tuluyang ma-inlove sa taong iyon.

"You will fall in love with me..."

Mabilis tuloy bumangon mula sa pagkakahiga si Madi. "Get out of my head, Pitoy," maktol niya.

Tumayo si Madi at bahagyang nag-unat. Tama si Janice. Hindi siya productive na nagpapahiga-higa lang doon. Kailangan niyang maggala-gala at humanap ng subject para naman habang naghihintay siya ng trabaho ay hindi siya napupurol sa talent.

Itinali niyang muli ang buhok at ipinaloob sa sumbrero.

"Janice, lalarga na muna ako at lumubog na ang araw."

"Balik ka, Madam, ha."

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon