I have something to tell you. Let's meet later tonight.
Kusang lumabas ang ngiti sa labi ni Madi nang makita ang text message na iyon. Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Rising Stars o RS Talents kung saan ay isa siya sa mga empleyado.
Maliban sa Manager niya na si Tito Do Ha - isang bading na half-Chinese at half-Pinoy na talent agent - ay dalawang tao lang ang may alam ng private number na iyon. Ang isa pa sa dalawang iyon ay hospital.
Ibig sabihin, nanggaling ang text message mula sa taong hinihintay ni Madi na magtext simula pa pagsikat ng araw.
"Nagtext na naman si Papa P?"
Lumingon si Madi sa tinig na nanggaling sa may kanan niya. Agad niyang nginitian ang PA niyang si Janice na dala-dala ang make-up kit niya. Hindi man lang siya nagtangkang i-deny ang tanong nito. Papa P ang tawag nito kay Phil.
"Paano mo naman nalaman?"
Nakangusong itinuro ni Janice ang mukha niya. "Parang hindi ko alam na bukod sa pera ay si Papa P na lang ang nakakapagpa-ngiti sa'yo ngayon."
Natawa naman si Madi doon. Sanay na siya sa mga hirit ni Janice. Kung ibang tao ang nagsabi ay mao-offend siya. Bukod pa sa mangingilag na ngayon ang kahit na sino na sabihin sa kanya ang sinabi ni Janice sa kanya nang harapan.
Pero matagal na silang magkakilala ni Janice. Isa ito sa iilan na lang na itinuturing niyang kaibigan. Noong mga panahon na nag-uumpisa pa lang si Madi sa magulong mundo ng showbiz ay kasa-kasama na niya si Janice. Inaasikaso siya ng PA kahit na wala na siya halos pambayad dito. Kung tutuusin ay pwede namang lumipat si Janice ng ibang agency, pero hindi siya nito iniwan. Kaya ngayon na medyo nakakaraos na siya nang paunti-unti ay palihim niyang inaabutan ng pera ang PA kapag may naiitabi siya mula sa kinukuha sa kanya ni Tito Do Ha at sa kailangan niyang ibayad sa Medical City kung saan naka-confine sa ICU si Becca.
"Nakalimutan mong isama sa mga nakakapagpasaya sa'kin ang pagkaka-aresto kay Lemuel." Gusto pang samahan ni Madi iyon ng malakas na halakhak. "That asshole. Hindi ba niya alam na digital na ang karma ngayon?"
"Talaga?" Namimilog na ang mga mata ni Janice. Mabilis nitong sinilip ang nakabukas na telebisyon sa loob ng opisinang iyon. Kasalukuyang ipinalalabas ang Buzz of the Stars. "Akala ko ba, ikaw ang headline ngayon diyan?"
Napamungot si Madi doon. Siya nga talaga ang headline. Siya ang sexy starlet na naba-blind-item sa isang matanda at mayamang businessman.
"So, kahit ikaw ay alam na rin na ako ang laman ng headline," nakataas ang kilay na ungot ni Madi. Though she wasn't entirely displeased. Tama ang sinabi ng host na si Tita Babes.
Natawa si Janice. Aliw na aliw sa pagbabasa ng byline sa telebisyon. "Sexy starlet na palaging may sex scandal? Ikaw lang naman 'yon. Plus, ikaw lang naman ang starlet na na-link kay Lemuel."
"Na pinagsisisihan ko. Kung hindi lang ako itinulak ni Tito Do Ha doon para sa isang advertisement... Ugh!" Kapag naaalala ni Madi ang bastos na bibig ni Lemuel ay gusto niyang budburan ito ng asin at paminta at ipakain sa buwaya.
Noong mga panahong iyon ay unti-unti nang nawawala ang ingay ng pangalan ni Madi. Kakatapos lang ng two-year contract niya bilang model ng Asia Brewery - isang sikat na alcohol beverage company sa Asya. Tumatanda na rin siya kaya napapalitan na siya ng ilan sa mga mas batang mga modelo para sa magazines at commercials. Si Tito Do Ha ang nakaisip ng paraan para muling umugong ang pangalan niya. Nakasentro ang plano kay Lemuel Ciriaco.
Si Lemuel ang isa sa mga "rising stars" ng ABE network, ang isa sa tatlong pinaka-malalaking television company sa bansa. Kung fans lang ang pag-uusapan ay kasing dami ng fans ni Gabby Concepcion noong araw ang fans ni Lemuel. Ibig sabihin, lahat ng asosasyon kay Lemuel ay maglalagay sa kahit na sino sa mga headlines ng mga tabloid papers. Kaya naman pinlano talaga ni Tito Do Ha ang pagku-kurus nila ng landas ni Lemuel mahigit isang taon na ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...