Napapagod na humiga si Madi sa kama at tumitig lang sa kisame. Tila naging isang reel ng pelikula ang utak niya habang isa-isang ni-ri-replay ang eksena sa bahay ni Phil kani-kanina lang...
"If I could turn back time, I would kiss you then. Do you think it's too late to do that now?" Pahina nang pahina ang boses ni Phil habang nagsasalita.
Samu't-saring emosyon ang nakita ni Madi na nagpapalit-palit sa mukha ni Phil ng mga sandaling iyon bago nito tuluyang ipinikit ang mga mata. A part of Madi wanted to close her eyes and meet Phil's lips halfway.
Hindi ba at ito na ang matagal na niyang hinihintay na mangyari sa kanilang dalawa? Almost two decades to be exact.
Pero may parte din sa kanya ang nagsasabing mali ang nangyayari. It was that same part that kissed Pol several days ago and thought that it was the rightest thing to ever happen in her life after a very long time.
Kaya naman walang nagawa si Madi kundi manatiling nakaupo doon - hindi makahinga at hindi makagalaw - habang pinapanood ang mukha ni Phil na unti-unting lumalapit sa mukha niya.
To Madi's confusion - and utter relief - Phil stopped just a couple of inches away from her face. Nagmulat ito ng mga mata at sinalubong ang mga tingin niya. May ilang sandali lang silang nasa ganoong puwesto nang hindi na napigilan ni Madi ang sarili.
"Ang awkward 'no?"
Reluctantly, Phil nodded his head. "A little."
A sheepish smile appeared on Madi's face. Ngiting nauwi din sa tawa. Hanggang sa nahawa na rin si Phil at nakitawa na rin kagaya niya. Naalala ni Madi ang unang beses na nagkakilala silang dalawa sa loob ng school clinic noong high school. Then and now, Phil had remained a very dear friend to her. Sa mga sandaling iyon, nasiguro ni Madi na hinding hindi niya ipagpapalit sa kahit na ano ang pagkakaibigan na iyon.
Nakangiti pa rin si Phil nang itaas ang isang kamay at may iabot kay Madi. Naguguluhan man ay tinanggap ni Madi ang paper cup holder na iniaabot ni Phil sa kanya.
"But nothing is final yet, right?" ani Phil.
"Nothing is final yet," mahinang sambit ni Madi habang nakatitig sa kisame.
Huminga siya nang malalim at umayos ng upo para sana alisin ang suot na sandals. Pero sa pagtuon niya ng palad sa kama ay may nakapa siyang matigas, kasabay nang tunog ng tila may nadurog na kung ano. Agad-agad na tiningnan ni Madi kung ano iyong nasa paanan ng kama niya. At nang matitigan niya ang supot ng plastic ay agad na nagbara ang lalamunan niya kasabay ng paninikip ng dibdib.
Ang supot ay naglalaman ng mga tila biscuits na naka-korteng puso. Dahil nga siguro sa hindi sinasadyang pagtuon ay nagkadurog-durog na ang ilan sa mga pirasong iyon. Tentatively, she opened the plastic and took one of the broken pieces into her mouth.
Chocolate... Hindi na niya kailangang manghula pa kung kanino galing ang mga iyon.
Habang nginunguya ni Madi ang mga tsokolate ay tila umaandar ulit sa harap niya ang panibagong reel ng pelikula. This time, it was Pol and her sitting side by side almost a hundred seasons ago.
"Sige, 'te ganda. Bibigyan kita ng maraming maraming sokoleyts."
"Chocolates. Bakit naman ako ang bibigyan mo?"
"Syempre. Kasi gusto kita."
Ngayon lang napagtanto ni Madi na lahat ng pangako ni Pol ay tinupad nito. And what a blind fool she was for always denying to Pol and to herself that he was - and always will be - her heaven-sent. That one thing in this world worth waking up to.
At namimiss na niya si Pol. Sa gitna ng dilim at katahimikan ng unit niya ay hinahanap niya ang ingay at ang bango nito. Ngayong nalilito siya sa lahat ng bagay sa mundo ay hinahanap niya ang kasiguraduhan ng presensiya ni Pol sa buhay niya.
Pol the ever and the constant.
Kaya lang ngayon ay nawawala na si Pol dahil paulit-ulit niyang itinataboy.
"But nothing is final yet," ulit ni Madi sa sarili.
Humiga siya sa kama na tila isang bata habang mahigpit na yakap ang plastic ng tsokolate ng bigay ni Pol. And in the silence, she prayed to a God she hadn't talked to in years, although she wasn't sure exactly what to pray for. Nananalig lang siya na sa pagkakataong ito ay mapapakinggan siya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...