"Hoy, Antipolo! I didn't know you had it in you!"
Kasabay nang bulalas na iyon ni Micky ay isang malakas na hampas na nagpauklo pa kay Pol. Sapat na iyon para mawala ang isip ni Pol sa pag-aalala kung saan nagpunta si Madi at Risha. Hindi niya alam kung bakit siya nag-alala nang makitang nag-uusap ang dalawa. Kaya lang, sadya sigurong baliko ang utak ng mga artists na kagaya niya kaya kung saan-saan na lang lumilipad ang isip.
"Baka gusto mo pang lakasan, Micky. Hindi pa masakit," ani Pol sa kaibigan.
Napapangiwi pa siya habang hinihilot ang balikat. Kailangan na ulit niyang pagtuunan ng pansin ang workouts niya. Kapag nakauwi sila ni Madi ay yayayain na talaga niyang mag-exercise ito ulit.
"Kaya pala nawala ka kaagad sa Lodge," akusa pa ni Micky. "May pa-loyal-loyalty ka pang nalalaman kay Adeng. Nandito ka lang pala at nakikipag-date kay Madeline. Too bad, pare. Kung alam ko lang, hindi ko isinama si Risha kahit pa nagpilit siya."
"Na parang mapipigilan mo si Risha," sagot niya.
Sa ibang pagkakataon siguro ay kakagalitan ni Pol ang kaibigan. Hangga't maaari ay hindi na niya gustong i-ugnay ang sarili sa dating kasintahan. Not just for his convenience, but more so for Risha. Ayaw niya na itong bigyan ng kahit kaunting pag-asa na magkakabalikan pa sila. Unfair iyon para kay Risha.
Kaya lang, nang makita niya ang alalang-alalang hitsura ni Risha habang papasok sa presinto ay lumambot ang puso niya. Naalala niya kasi ang nangyari noong mahuli ang mga kabanda niya ng possession of illegal drugs. Hindi naman niya gustong madamay si Risha. But because she was his girlfriend back then, she was obliged to stick with him whether she liked it or not. Ito pa nga ang nagpyansa sa kanya. Iyon din marahil ang simula ng pagkakasira ng relasyon nilang dalawa.
Ngayong nakapag-isip-isip si Pol, baka nga talagang nabigla si Risha sa nangyari sa kanya noon. Katulad ni Pol ay lumaking pampered si Risha. She was brought up in a very secured and sheltered environment. Nakaka-trauma nga siguro na makita ni Risha na ang nobyo nito ay napapasailalim ng hindi magagandang impluwensya. And that no-good boyfriend of hers couldn't even spare her from the shame and humiliation back then. Tingin ni Pol ay kailangan niyang payapain ang loob ni Risha biglang pagbabayad sa utang niya dito. The least he could do was try not to be too harsh with her.
There you go again, Antipolo, thinking that you could save the world, tuya pa niya patungkol sa sarili.
"Pero seryoso, Pol," untag ulit ni Micky. Inakbayan siya nito na halos magpasakal na sa kanya. "How did you hook up with Madeline? Akala ko pa naman, hindi ka interesado sa kanya. Ikaw na ang maraming mga galamay."
"That's Adeng, Micky," matabang na balik ni Pol.
"Adeng? Paano napunta si Adeng sa usapan?"
"Madeline Puerto is Magdalena Purisima."
"Joke?"
"Nope."
Dahil doon ay kumurap-kurap si Micky sa harap niya na nakanganga pa. Gusto na ni Pol na humalakhak nang malakas. Kodak moment ang hitsura ng kaibigan.
"Loading... buffering... Failed," pang-aalaska pa ni Pol.
"Holy shit!" bulalas ni Micky kalaunan. "Hot damn! You serious? Fuck!"
"I envy the extensiveness of your vocabulary."
Itinakip ni Micky ang likurang kamay sa bibig. Namimilog pa rin ang mga mata nito.
"Right. Under. My. Nose. And I didn't even see that coming! Paano nangyari 'yon? Yung Magdalena Purisima na palaging laman ng guidance office dahil palaging napapasabak sa away? Yung sumugod dati sa high school department nang malaman niya na binu-bully ka ni Emil?"
"Yes and yes."
"That messy, uncultured girl grew up to be this super hot— I mean, this beautiful woman?" bawi ni Micky nang pandilatan niya ito.
"Hindi ko alam kung bakit nagugulat ka. Maganda na naman talaga si Adeng kahit noong bata pa tayo, ah."
Micky snorted. "Sa mata mo lang. Ano'ng maganda sa babaeng hindi nagsusuklay at asal lalaking-kanto kung kumilos — Fine! Wala na akong sinabi." Pero bumalik naman kaagad ang huwisyo ni Micky dahil bumalik na ang nakakalokong ngisi nito. "Seriously, though, nakatira ka sa iisang bahay kasama ang isang Madeline Puerto at wala kang ginagawa? Wow. I didn't take you to be a saint."
"Adeng is a very desirable woman. At obviously, nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi pumasok sa isip ko ang sinasabi mo," pag-amin ni Pol.
Sa katunayan, hindi na mabilang ni Pol kung ilang beses niyang naisip gawin ang sinasabi ni Micky patungkol kay Madi. He was a man - with needs and desires a man should have. Not to mention that he lived for a time in a culture where sex was an everyday thing. At si Madi ang pinag-uusapan dito - ang babaeng itinangi niya simula pa noong bata pa siya. Natural lang na higit pa sa halik ang gusto niyang gawin kay Madi.
"But you should also know that with Adeng, sex is nothing compared to just being with her. 'Yung sa wakas ay payagan niya lang akong manatili sa tabi niya na hindi niya itinataboy," dagdag ni Pol. Nang makita niyang nangingilabot na naman si Micky ay hinampas niya ito sa balikat. "Sinasabi ko lang 'to sa'yo dahil may utang ako sa'yo ngayon. Otherwise, I won't even bother explaining myself to an unbeliever such as yourself."
"Tama na. Na-ba-bading ako sa usapan natin." Maya-maya ay kumunot ang noo ni Micky. Nagpalinga-linga ito. "But you're in a deep mess right now, lover boy. Base sa pagkakaintindi ko, gusto ni Risha na makipagbalikan sa'yo. What are you gonna do about that?"
"I don't know." Tiningnan ni Pol ang pintuan ng presinto kung saan naroon marahil si Madi at Risha. Sandaling bumigat ang pakiramdam niya. "I just hope for both of our sakes that we wouldn't hurt each other again."
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...