Chapter 21

1K 27 0
                                    

Malakas na nagbuga ng hangin si Madi habang nakahiga sa sofa hawak ang remote control ng TV. Dalawang linggo na siyang unproductive. Nakapag-marathon na siya ng dalawang reality shows at isang cooking contest. Ngayon naman ay nanonood siya sa History channel at memoryado na niya ang talambuhay ni King Tutankhamun.

Sanay siya na laging may nakaambang trabaho. Noon kasing may cable program siya ay sunod-sunod din ang photoshoots para sa mga magazines kaya halos wala siyang pahinga. Wala naman siyang ibang pwedeng puntahan at galaan. Kapag naman tumatawag siya kay Tito Do Ha para itanong kung may naka-linya siyang trabaho ay palaging 'Later' ang sagot nito.

I-te-text niya sana ulit si Tito Do Ha para lang kulitin nang mapindot niya ang 'camera' function ng cellphone. Tumambad sa kanya ang litrato ni Ilea kasama ng lalaki nito. Naiinis na dinutdot ni Madi ng mahabang kuko ang mukha ni Ilea.

"You selfish brat. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?"

Hindi pa niya nako-confront si Ilea at lalong hindi pa si Phil. Gustong-gusto man niya ay hindi niya alam kung paano. Siguro nga ay pacifist siya. Or maybe she was just a useless friend after all - all talk and no action.

Malakas na malakas ang ginawa niyang buntong-hininga.

"Uwi ka na, Pitoy," nanlalata niyang reklamo sa bakante niyang apartment.

Kapag kasi nandoon si Pol ay kung ano-anong sinasabi at ginagawa nito. He was also a genius in inventing games to appease their boredom. Para itong may dalang libro ng 'Games for Bored People.' Not that she would be bored whenever he was around. Mas malikot pa ata si Pol sa apat na taong gulang na bata. At kapag nasa paligid ito ay nahahawa siya.

Magandang distraction din si Pol para hindi niya pakaisipin minu-minuto ang mga nangyayari sa buhay niya. Like the fact that she didn't have anywhere to go to when she wasn't working. Ano ba ang ginawa niya sa buhay niya sa nakalipas na mga taon?

Mas nanlulumo na tuloy na ipinalipat-lipat ni Madi ang channel. Para lang matigilan nang makita ang isang commercial. It was exactly what she needed to send all her senses in full battle mode.

What in the world...?!

Hindi nag-iisip na pinindot kaagad niya ang speed dial 1. Her legs were shaking in a mixture of frustration, annoyance, and crushed pride. Sa unang tawag ay hindi sumasagot si Pol. Pero paulit-ulit siyang nag-redial hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.

"Adeng!" Napalakas at hinihingal pa ang boses ni Pol. "Sorry, nasa studio ako. What is it?"

Halos hindi na marinig ni Madi ang sariling tinig nang magsalita. "They cut me out."

"Ha? Ang ano? Nino?"

Pakiramdam ni Madi ay namumuti na ang kamao niya sa higpit ng pagkakahawak niya arm rest ng sofa. Mga pagod na luha ang nagbabantang bumagsak.

"Yung herbal drink shoot na ginawa ko kay Direk Gwen. Inalis nila ako sa commercial."

She felt hysteria rising up her throat and summoned all self-control not to burst into angry tears. Ano ba talagang tingin sa kanya ng mga taong ito? Dahil ba alam ng mga ito na wala siyang magagawa dahil siya lang si Madeline Puerto kaya pwedeng kahit kailan ay idispatsya siya ng mga ito?

"Adeng, are you all right—"

"Softdrinks. Dalhan mo ako ng softdrinks."

"Adeng, bawal sa'yo ang softdrinks."

"Liar."

"What?"

"'Just hang in there. I got you.'" Naiiritang ulit niya. "I should've known that you are all talk. Hmph."

Hindi na niya hinintay makasagot si Pol at ibinaba ang tawag. Alam niyang mali na si Pol ang pagbuhusan niya ng inis niya, kaya lang ay hindi niya mapigilan ang sarili.

Ang mas nakakainis pa ay tama ang mga tao sa paligid ni Madi: wala siyang magagawa. Binabayaran lang siya ng mga ito para mag-trabaho para sa mga ito. Prerogative na ng mga ito kung gagamitin ang trabahong ginawa niya. Technically, when it came to her, they always had the upper hand. So, technically, Madi hadn't any right to feel cheated because they had already paid her.

Pero pakiramdam ni Madi ay sinampal siya sa magkabilang pisngi. Binayaran na siya ay itinapon pa ang pinaghirapan niya. The fact that this came out after that humiliating ordeal with Direk Joey and Studio 17 made it a lot worse. Surely, even some prostitutes had been treated better.

Tsunami, huh? Gaano ba tatagal ang pagragasa ng tsunami sa buhay niya?

Hindi alam ni Madi kung ilang minuto na siyang nakaupo lang doon at nagpapalipas ng sama ng loob nang tumunog ang doorbell. Muntik pa siyang madapa pagtakbo sa pintuan, inaasahan si Pol na nakatayo sa labas ng unit niya.

Instead, Madi was greeted by an obviously agitated Phil.

"Boss..."

Ngumiti si Phil pero hindi umabot sa mga mata. "Hi, Madi."

Hindi mapigilan ni Madi na suyurin ang kabuuan ni Phil. Mukha itong pagod na pagod at matamlay. Ngayon lang niya nakitang ganito si Phil.

"May problema ba, boss?" nag-aalalang tanong niya.

"Bukas pa ba 'yung offer mo na sasamahan mo akong kumain kahit kailan ko gusto?"

"Of course. Always," mabilis niyang sagot sa hindi inaasahang tanong.

Inilahad ni Phil ang kamay sa kanya. "Tara?"

Naguguluhan man ay kaagad na nag-lock si Madi ng unit at sumunod kay Phil.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon