Nagising si Madi nang umagang iyon nang may maramdamang malamig sa mukha niya. She fell out of bed when she saw Pol looming over her - his face just literally inches from hers - and was blowing on her face.
"Adeng!" sigaw din ni Pol. Napangiwi pa ito nang marinig ang lakas ng tunog ng pagkakahulog niya.
Aww! Hinimas-himas ni Madi ang nasaktang ulo. Tiningnan niya nang masama si Pol na ngayon ay hinihimas-himas din ang likod ng ulo niya.
"Ano bang ginagawa mo?" angil niya dito.
"Ginigising ka," kaswal na sabi nito. "Ang hirap mong gisingin eh. Actually, I wanted to try whether kissing you would wake you up—"
"Don't you dare."
Pol chuckled. "Of course I won't. Gusto ko'ng mulat na mulat ang mga mata mo kapag hinahalikan kita."
Sumasakit pa rin ang likod ng ulo ni Madi pero dahil sa sinabi ni Pol ay bigla ang pag-iinit ng mukha niya. Sanay na siya sa mga banat nito, hindi ba? Kaya bakit ba siya nagsisimulang maapektuhan ng mga pinagsasasabi nito?
"I'll punch your face if you won't shut your mouth," babala ni Madi dito. "Anyway, what's this all about? May trabaho na ba ako kaya mo ako ginigising nang maaga?"
Tumalungko si Pol sa harap niya. Noon lang napansin ni Madi na bihis na bihis ito. Nangingintab pa ang buhok ni Pol dahil bagong paligo.
"Sorry kahapon, Adeng. I didn't mean to lash out on you like that."
Hindi iyon ang inaasahan ni Madi dahil hindi siya humihingi at wala siyang balak humingi ng paumanhin dito. Hindi lang si Pol ang may kasalanan kahapon. But of course, this was Pol here she was talking about. The guy who had a heart bigger than the Pacific Ocean.
At tinawag na siya nitong 'Adeng.' Tumama na ulit lahat ng mali sa mundo niya.
"Where did you come from, Pitoy?" wala sa loob at pabulong niyang tanong dito. Nag-iisa lang si Pol na gano'n sa buhay niya.
"Hmm? Ano'ng sabi mo?"
Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay nagpapaumanhin din ang iginawad niyang ngiti.
"Sorry din. Hindi ko naman sinasadyang hindi masagot ang mga tawag mo. At sorry dahil nag-abala ka pa sa'kin pero inaway lang kita."
Doon ngumisi si Pol. Nanggigigil na pinisil nito ang ilong niya. "Okay lang na palagi mo akong awayin. Basta susuklian mo ng pagmamahal."
"Puro ka kalokohan." Natatawang sinaway niya ang kamay nito. "Bakit nga ang aga-aga mong nang-iistorbo? Hindi pa kumpleto ang beauty rest ko."
Akmang aakyat ulit siya sa kama nang ipalupot ni Pol ang braso nito sa katawan niya. Dahil nabigla si Madi sa contact ay hindi kaagad siya nakapagreact. Not to mention that his warmth sent tingles running down the length of her back.
Just. What. Is. Wrong. With. Me?!
Kahapon pa siya nagpapa-apekto ng sobra kay Pol. No, scratch that. Noon pang gabing 'lumipad' silang dalawa ni Pol, pakiramdam niya ay may kung ano'ng nag-iba sa ikot ng mundo niya at hindi niya iyon matukoy.
"Hep, hep. Huwag ka nang mag-beauty rest dahil magandang maganda ka na sa mga mata ko." Iniharap siya ni Pitoy dito at hinawakan sa magkabilang balikat. "Let's go on a date, Adeng."
What? Hindi pa siya nakaka-recover sa nararamdaman niya ay pinasabugan na naman siya ni Pol.
"Ano na naman 'tong spur-of-the-moment na 'to?"
"Excuse me, hindi ito spur of the moment. I've been thinking this whole time how I haven't been able to take you out on a date. A real one." Yumuko si Pol at seryosong tiningnan siya sa mga mata. "Hindi ba pwedeng hingin ko sa'yo 'to ngayon? Nothing grand or fancy. Gusto ko lang kasama ka buong araw."
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...