If it's too good to be true, then it probably is.
Damang-dama ni Madi ang katotohanan ng kasabihan na iyon habang nakatayo sa labas ng Mela's. Iba kasi sa inaasahan niya na private at intimate moment, puno ng mga magagarang sasakyan ang parking area ng Mela's. Maririnig din ang upbeat na musika na nanggagaling sa loob ng restobar.
"So obviously, hindi magpo-propose si Phil sa'kin."
Pwede na siyang maging scriptwriter sa sarili niyang pelikula sa galing ng pagpapantasya niya. Pero kung hindi pala magtatapat ng pag-ibig si Phil sa kanya, ano ang 'future' na sinasabi nito sa kanya?
Better find out then.
Bago pumasok ay sinipat pa rin ni Madi ang sarili sa glass door ng Mela's. Alam niyang higit pa sa maganda ang ayos niya - gumastos ba naman siya ng mahal para sa pagpapa-make-up - pero kailangan pa rin niyang makasiguro na walang maiipintas ang kahit na sino sa ayos niya. Lalo ngayon na marami palang tao sa loob ng Mela's. Ibig sabihin, marami ding cellphone na may camera. Ang stress sa buhay niya.
Nang makapasok si Madi ay kaagad niyang namukhaan ang ilan sa mga batang executive ng Inland Steel na kaibigan din ni Phil. Nakita rin niya si Felix, ang sekretaryo ni Phil. Hindi naman maraming-marami ang mga tao, pero pakiramdam pa rin ni Madi ay ang sikip-sikip ng lugar sa sandaling iyon. Sa tatlong beses kasi ata na sapilitan siyang isinama ni Phil sa mga company events ay hindi na niya matandaan kung ilang beses siyang naka-tanggap ng indecent proposals mula sa mga kaibigan nito. Wala ng mas masahol pa sa mga edukado at mayayamang lalaki na bumibili ng babae. Hindi naman iyon maiiwasan lalo pa sa imahe na pinili niya. Still, hangga't kaya niya ay umiiwas siya.
"Huwag na huwag mong iwawala ang kumpyansya mo, Madeline," matinding bilin ng trainer niya sa posture. "Pekein mo kung kinakailangan. Walang makakaalam ng diperensya."
Kaya nagpatuloy lang sa paglalakad si Madi, batid ang mga tingin na iginagawad sa kanya ng mga lalaki at maging mga babae sa loob ng silid. Kung ang mga lalaki ay panay 'come-on' looks ang ibinibigay sa kanya, ang ilan sa mga babae naman ay tinitingnan siya na parang pinaglumaang sapatos na dapat nang palitan. It didn't bother her that much, though, for she was used to being treated as disposable. Pero binilisan pa rin niya ang paglalakad para hindi siya ma-obligang batiin lahat ng mga nakakasalubong niya.
"Nasaan ka na ba, Phil?" Madi muttered impatiently.
Nang makakita ulit siya ng kumpulan ng mga lalaki ay mataktika siyang lumihis ng daan. And that was when she saw a stranger approaching from several feet away.
Kung ang ibang mga lalaki ay patago ang tingin na ginagawa sa kanya, ang isang ito naman ay tila sila lang dalawa ang tao sa lugar na iyon kung tingnan siya. Hindi dahil nakikita ni Madi nang malinaw ang mga mata nito. In fact, the colorful blinking lights started to hurt her eyes. Mas dahil iyon sa nararamdaman ni Madi ang mga titig ng estranghero. Deep and penetrating that she felt goosebumps on her arms and the length of her spine.
The guy was walking towards her to the beat of the music. Na para bang ang kilos nito at ang musika ay iisa. He was walking like a dream with the disco lights trailing behind him. Kahit hindi niya gusto ay napatigil si Madi sa paglalakad. Pamilyar sa kanya ang lalaki - lalo ang mga mata nito - kaya lang ay hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Napansin niyang bumagal din ang paglalakad ng lalaki. Pero hindi nito inalis ang mga mata sa kanya kahit na lumiliit ang distansya nilang dalawa. Sa mas malapit ay doble ang epekto kay Madi ng tingin ng lalaki. She felt fragile and vulnerable under his gaze. Jarred. Kaibang-kaiba sa tingin ni Phil na lagi nang nagpapakalma ng pakiramdam niya, ang tingin ng estranghero ay nanunuot sa kalamnan. Alam lang ni Madi na ilang oras mula ngayon, mapapanaginipan niya ang mga mata ng estranghero.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...