Chapter 33

1K 22 0
                                    

Panay ang buntong-hininga ni Madi habang nakatayo ilang metro sa labas ng pinto ng GT. Iniisip pa lang niyang umakyat sa unit niya ay tinatamad na siya. Matagal na bang malaki ang GT? At matagal na bang malaki ang mundo, for that matter?

Bahagya siyang lumingon sa paligid, iniisip kung isa sa mga sandaling iyon ay makikita niya si Pol. Gaano ba nito katagal balak matulog sa studio nito? Ikamamatay ba nito kung dadaan ito saglit sa GT?

Being alone had never bothered her for a long time. Pero iniisip pa lang niyang umuwi sa bakanteng unit ay gusto na naman niyang bumalik sa apartment ni Janice.

"Look at the kind of state you put me in, kid," ani Madi sa kawalan.

Nagsisimula na sana siyang maglakad papasok sa GT nang hindi sinasadyang mamataan niya ang dalawang taong nakatalungko ilang dipa mula sa pinto. Wala naman siya dapat na pakialam. Kaya lang ay may stereotype na hitsura ang mga reporters sa showbiz. Sigurado siyang miyembro ng media ang dalawa base na rin sa hawak na camera ng isang matabang lalaki. Dahil siguro nakatago ang kalahati ng mukha niya ay hindi kaagad siya napansin ng mga ito.

"Sigurado ka bang nandiyan si Madeline Puerto?" Humithit ang matabang lalaki ng sigarilyo. "Kanina pa tayo dito. Marami pa namang balitang iba."

"Scope din 'to, 'tol," ani naman ng katabi ng lalaki na may dalang notebook. "Sabi ng source natin, nakikipag-live-in na daw 'yang si Madeline. Sayang ang bonus."

Oh shoot!

Sabay talikod kaagad ni Madi habang nagda-dial sa Speed 1. Hindi niya alam kung saan affiliated ang dalawa. O kung saan napulot ng mga ito ang balitang may ka-live-in siya. Kapag nakaabot iyon ay Tito Do Ha ay lalo nang patay siya. Sigurado siyang sasamantalahin iyon ni Tito Do Ha na hindi iindahin kung may inosenteng madadamay.

"C'mon, Pitoy. Pick up!" Pero paulit-ulit lang na nagri-ring at hindi sinasagot ni Pol ang cellphone. "Antipolo Gallego, you idiot!"

Mabilis siyang nag-compose ng text message para kay Pol na huwag na huwag uuwi kahit na anong mangyari.

Dahil busy si Madi sa pagtipa ay napahiyaw pa siya nang may biglang humila sa kanya sa kung saan at isinandig siya sa dibdib nito. Pasigaw na siyang talaga. Kaya lang ay naipit ang tili niya dahil natakpan ang bibig niya ng isang pamilyar na kamay.

"Pssh. It's just me, Madi."

Nanlaki ang mga mata ni Madi nang makilala si Phil. Nang pakawalan naman siya nito ay mabilis siyang hinapit. Dahil sa ginawa ni Phil ay natakpan si Madi mula sa view ng mga reporters at ng iba pang mga taong posibleng dumaan sa lugar.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Phil?" takang tanong ni Madi.

"I was waiting for you. Nalingat lang ako sandali at naghanap ng iinumin kaya hindi kita napansin kaagad."

Waiting for me? "Bakit hindi ka na lang nagtext? Nakipagkita na lang sana ako sa'yo."

"I wanted to surprise you..." Nalukot ang ilong ni Phil. "Well, actually, that wasn't right. Up until a moment ago, nagdadalawang-isip ako kung dapat kitang puntahan."

"Bakit naman?"

"I wasn't sure Pol would like it, you know. Me coming to you all the time." Phil bit his lip slightly, gesture nito kapag nag-aalinlangan. "Kaya palalampasin ko na lang sana ang araw na 'to. Kaya lang ay nag-aalala ako sa inyo ni Pol."

Hindi na pinansin ni Madi ang sinabi ni Phil tungkol kay Pol dahil mas tumanim sa kanya ang huling sinabi nito. "Bakit ka nag-aalala sa'min?"

Napansin nga siguro ni Phil na litong-lito si Madi. Kumunot na din ang noo nito. "Ibig mong sabihin, wala ka talagang alam?"

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon