Noong nakaupo na lang sa lounge area at umiinom pareho ng coke in can - ang forbidden drink nila Madi at Ilea - ay saka lang nalaman ni Madi ang relasyon ni Ilea kay Jim. Jim was Ilea's surrogate dad. Nakilala ng ulilang lubos na si Ilea si Jim noong mga panahong nagsisimula pa lang ito bilang talent ng RS. Si Jim ang landlord ng apartment na tinitirhan noon ni Ilea. Isang retired principal sa isang eskwelahan. Balo na ito at ang dalawang mga anak nito ay nasa abroad na at may mga sariling pamilya. Sa kwento ni Ilea ay utang nito ang buhay nito kay Jim.
"What do you mean, utang?" Talagang naku-curious si Madi sa talambuhay ni Ilea bago pa man ito naging in-demand na leading lady.
Tumungga muna ulit si Ilea sa lata. Bahagyang lumamlam ang mata nito.
"You probably wanted to ask me why I left Phil," anito, imbes na sagutin ang tanong niya.
Balak sana ni Madi na maya-maya pa ungkatin iyon. Pero as usual, mukhang hindi talaga uso kay Ilea ang nagpapaligoy-ligoy.
"Matagal na," walang kiyemeng sagot tuloy niya.
"Aren't we the same on that aspect?" Bahagyang tumingin si Ilea sa kanya. Hindi maikakaila ang pait ng ngiti nito. "We both think that we don't deserve Phil."
Hindi nagawang itago ni Madi ang tawa. It came out like a snort.
"Ikaw? Ma-i-insecure? C'mon."
"I was once married, Madi. Actually, I still am."
For the first time since meeting her, Ilea managed to shut her up. Humugot naman si Ilea ng pagkalalim-lalim na paghinga.
"Bata pa ako no'n. Tanga. I got involved with a guy almost twice my age. Si Glen. It was a very abusive relationship." Nagkukwento si Ilea sa tono na parang nagbabasa lang ito ng isang horror book. "Sa una pa lang ay marami ng red flags. He was addicted to gambling. He was also an alcoholic. But what can a girl do when a guy promises love? Lalo na sa katulad ko na ulila nang lubos. To make this boring story short, I married him. It was the start of my downfall."
Tumungga ulit si Ilea mula sa coke in can. Pangatlo na iyon ni Ilea sa isang upuan pa lang. Doon napaisip si Madi. Umiinom lang siya ng coke kapag stressed-out na siya. Mukhang mas malala pa si Ilea sa kanya. Kaya naman tahimik na lang siya na nakinig, hindi alam kung ano ang iisipin. Ang naalala niya ay ang lalaking nakita niyang kayakap ni Ilea sa ABE kaya naisip niyang niloloko ni Ilea si Phil.
"Inisip ko noong una na magbabago si Glen kung mananatili ako sa tabi niya. You know, the way a woman fancies that a man will change for her. Pero sa libro at pelikula lang pala nangyayari ang mga 'yon. Real life is much crueler. I became that man's punching bag, so to speak. Lalo na kapag marami siyang problema at nagkakapatong-patong ang mga utang. You figured I should have left immediately when he started treating me like crap. Pero hindi, eh. Tanga nga, 'di ba? Ang tanga, umaasa pa rin kahit wala namang dapat asahan. And then it led to the worst fight we ever had. Na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng malay sa gitna ng kalsada." Doon tumawa si Ilea. Pagak. "Nagising ako sa hospital, maraming pasa at sugat na halos hindi na ako makahinga. May tumulong pala sa'kin, si Jim. Kung hindi pa ako nag-agaw buhay, hindi ako matatauhan."
Tumikhim si Madi. Subukan man niyang intindihin ay nahihirapan siya. Paano ba kasi maiintindihan ang sakit na nararanasan ng mga babaeng inaabuso ang pagmamahal?
"Ano'ng nangyari sa lalaking 'yon?"
"Tinulungan ako ni Jim na magsampa ng kaso. Glen, unfortunately, had already went into hiding by that time. Sinamahan ako ni Jim from one therapist to the other. Pero 'yung ganoong klaseng sakit? Nakakamove-on ka lang pero hindi naiibaon sa limot. It breaks your soul from the inside each and every day. Malas ko, hindi tumitigil ang ikot ng mundo."
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...