Hindi maiwasan ni Madi na hindi tumingin sa relo habang nagsasaulo ng script sa waiting room na iyon malapit sa Studio 17. Studio 17 was one of ABE Network's most notorious auditioning studios. Kapag may bagong project na teleserye o pelikula ay siguradong sa studio 17 iyon gaganapin.
Tumawag si Tito Do Ha kay Madi kagabi pagkatapos ng maraming araw na pagtunganga niya sa kawalan. Nagsisimula na siyang mag-alala lalo at kwentado na lang para sa susunod na tatlong buwan ang pera niya. Sobrang nasa timing lang ang pagtawag ni Tito Do Ha.
"Madeline, tumawag ang casting director ni Direk Joey. Tanda mo ba yung sinasabi kong major project? May approval na sa taas at umpisa na ng audition para sa lead role," ani Tito Do Ha. "I-i-email ni Janice sa'yo ang script. Pumunta ka sa Studio 17 alas-otso bukas."
Alas-sais na ng hapon pero wala pa ring update si Madi tungkol sa audition niya. Dahil ilang oras na siyang naghihintay ay mabilis na siyang na-di-distract at hindi na maka-concentrate sa script na ilang beses na niyang binabasa.
Tumingin siya sa paligid. Apat pa silang babaeng naroon na mago-audition para sa lead role na Roda. Limang oras ang nakakaraan ay labing-pito silang naroon. Sa may kaliwa ni Madi ay naroon pa si Maja Chiu, isang half-Chinese at half-Filipino na galing sa kalaban ng RS Talents na talent agency. Isa din siguro iyon sa dahilan kung bakit hindi mapakali si Madi. Mas matanda siya kay Maja Chiu pero alam niyang sa resume ay dehado siya dahil suki si Maja ng mga indie films bago pa man sa mga teleserye.
Pero ubod ka naman ng swerte, paalala ni Madi sa sarili. Alam ng langit na matindi ang pangangailangan niya kaya baka sa kanya ipagkaloob ang project.
And so she waited patiently for her name to be called.
Twenty minutes passed. Fourty five minutes. Eighty minutes.
Dalawang oras pa ang lumipas bago pumasok ang PA ni Direk Joey at tinawag ang pangalan ni Madi.
"Miss Madeline Puerto?"
Mabilis na inayos ni Madi ang sarili, bago sumunod sa PA. Sa isip niya ay paulit-ulit na sinasambit ang mga linya ng character na si Roda.
Hindi habang buhay ay maghihintay tayo sa pag-asa, Madi recited in her mind the best character-voice she could do. Tayo ang gumagawa ng pag-asa.
Pinigil ni Madi ang panlamigan ng laman dahil bigla siyang kinabahan. Ito kasi ang unang interview niya para isang major project ng isang malaking network. Na-e-excite siya pero natatakot din siya. Gusto niya talagang pagbutihin ang audition na ito.
Papasok na siya sa Studio 17 nang mag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa ng pantalon. She mentally shook her head when she saw 'Labs' registered on the screen. Dahil natatawa siya kapag nakikita niya iyon ay hindi na niya iyon pinalitan.
The text message read: Don't fret. You are amazing.
Classic Pitoy. Isang simpleng linya lang pero naghalong tila mga bula ang mga alalahanin niya.
I'll call you when I'm done, reply niya dito.
"Miss Madeline?"
Mabilis na isinilid ni Madi ang cellphone sa bag nang tawagin ulit siya ng PA. Dumiretso siya sa stage na katapat ng casting panel. Katabi ni Direk Joey ay nakilala ni Madi ang kilalang head writer na si Lino de Castro. Sa tabi pa nito ay si Ingrid Ventura, ang production manager and producer ng mga kilalang teleserye sa ABE. Magpe-perform siya sa harap ng mga tinitingalang mga pangalan na ito.
Tumikhim si Madi, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi siya dapat ma-rattle.
"Good afternoon. I'm Madeline Puerto and—"
"Miss Puerto?" ani Lino De Castro, pagkatapos ay may inabot sa kanyang papel. Nagtataka man ay inabot iyon ni Madi. Hindi pa man niya nabubuklat iyon ay nagsalita na ulit ang direktor. "I'm sorry. Pero hindi ka pumasa para sa lead role. Lyn, paki-tawag nga ng kasunod."
Tumango lang ang PA na sumundo kay Madi bago nawala ulit. Ang mga nasa panel naman ay nag-umpisa na ulit mag-usap-usap ng sarilinan. Si Madi naman ay literal na nakanganga sa daloy ng pangyayari.
Ano talagang nangyari? Naghintay lang siya nang matagal para ma-reject?
"S-sir?"
Nag-angat ng ulo si Direk Joey. Nakakunot na ang noo nito. Mukhang hindi ina-asahan na naroon pa siya.
"Yes, Miss Puerto?"
Pinilit ni Madi na magpakahinahon. "Hindi ko ho maintindihan. Bakit ako na-reject? I haven't even said my part for the audition."
"Pinag-aralan namin ang resume mo, Miss Puerto," si Ingrid Ventura ang sumagot. "You probably have potential. But we're looking for someone fresh for the role of Roda, Miss Puerto. Simply put, you're too old for the character. Not to mention that your image is..." Sandaling sinilip ni Ingrid ang papel na hawak. "Not in the least favorable to the show."
"Pero..." Pinaglipat-lipat ni Madi ang tingin sa dalawa pang tao na nakaupo sa table. Nahuli niya ang tingin ni Direk Joey. Shock and bewilderment were probably apparent in her eyes. "Akala ko ho, pumasa ako sa initial screening? Hindi ho ba kaya ako nandito ngayon?"
"Personally ay okay ka sa'kin, Madi," ani Direk Joey. "I've seen some of your film commercials and I think that they are okay. Kaya tinanggap ko ang recommendation ni Do Ha. But my colleagues here upon reviewing your resume do not share the same sentiments with me. There's nothing I can do about it."
Hindi nagpa-paumanhin ang boses ni Direk Joey kaya wala nang nasabi si Madi. Plus, she could see the finality in the faces of the panel. Huwag nang isama pa na sa mga mata ng mga ito ay nakikita niya na tila isa siyang abala.
"So... naghintay ho ako sa wala?" Sinisikap ni Madi na paging kaswal ang boses kahit na pakiramdam niya ay namumuti na ang kamay niya sa matinding pagkuyom niyon.
Tumaas lang ang kilay ni Ingrid Ventura. Notorious kasi ang temper nito. "Bakit? Marami ka bang nakalinyang trabaho at kaabalahan sa iyo ang maghintay, Miss Puerto?"
Madi could swear that the comment was said maliciously. Kinagat niya nang madiin ang labi niya para pigilan ang sariling magsalita ng hindi maganda. Kahit kailan ay hindi siya nagreklamo sa trabaho niya.
Pero sobrang pang-iinsulto lang ang nangyari. These people didn't seem to value her time - as if her time was of lesser importance than theirs. Ipinamumukha ng mga ito na siya ang dehado at may kailangan kaya marapat lang na tiisin niya lahat kahit ang hagarang pang-iinsulto ng mga ito sa propesyon niya.
Kaya naman sana talagang palampasin ni Madi iyon dahil hindi na iyon bago sa kanya. Pero hindi niya maiwasang maisip: Would they still treat her like this if she was anyone but the country's favourite scandal maker?
I doubt it, mapait na naisip niya.
Madi bowed her head gracefully so these people wouldn't see just how much they had defeated her.
"Thank you for your time, though," pormal at propesyonal niyang sabi sa mga ito. "It was a pleasure meeting 'you, Sir, Ma'am. I hope in the future to work with you."
Taas-noo pa rin si Madi na naglakad palabas ng Studio 17. Hinding-hindi niya ipapakita sa lahat kung gaano niya gustong lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...