Chapter 45

1.3K 37 11
                                    

And the ultimate surprise in Madi's life came to her that same night.

Totoo nga ang kasabihan na kapag may pinakawalan ka, may dadating na mas maganda pa.

Kagagaling lang niya noon sa cafeteria sa first floor ng hospital nang sa pagbalik niya sa silid ni Becca ay may lalaking nakatayo doon sa tabi ng kama at kausap ang ina niya. Hindi talaga nakilala ni Madi kung sino ang lalaking naka-pormal na damit at kahit nakatalikod ay mukhang kagalang-galang.

So, imagine her shock when the man turned to her with a totally stoic expression, and it turned out to be someone she should know but didn't recognize.

"You... You're..."

Alam ni Madi na dapat ay kilala niya ang lalaki. Pero ayaw magrehistro sa utak niya ng pangalan dahil hindi niya lubos-maisip na nangyayari iyon sa kanya ngayon.

Ang lalaki naman ay patuyang ngumiti. Ngiting nakasanayan na ni Madi at wala naman talagang ibig sabihin kaya hindi na siya na-o-offend.

"You're really not good for my ego, Madeline," ani Jonson, nakabusangot as usual.

Hindi alam ni Madi kung dahil iyon sa ayos ni Jonson na malinis at bagong gupit. O sa suot nitong leather shoes na animo ay gagawa ng talumpati sa isang graduation ceremony. O dahil sa postura ng tayo nito habang nasa gitna ng kwarto. Kaya lang ay nang makita ni Madi na ganoon ang histura ni Jonson, tila may nagsindi ng bumbilya sa utak niya, at bigla siyang may naalalang importanteng detalye. Isang video ng awards night sa Berlin International Film Festival kung saan pinaparangalan ang mga international up-and-coming filmmakers galing sa iba't-ibang panig ng mundo.

Muntik pang i-umpog ni Madi ang ulo sa dingding ng hospital. Ang tanga lang talaga niya!

"Ikaw si Jonson Filemon." Hindi alam ni Madi kung maiinis o mamamangha sa sariling katangahan. "You won two Golden Bear at the Berlinale."

Isa noong 2010. At isa noong 2013. Isang achievement na naging dahilan kung bakit nakilala ang Pilipinas sa larangan ng sining at pelikula. At ang may kagagawan niyon ay walang iba kundi si Jonson Filemon.

"Now, the lady finally recognized me." Umikot pa ang mata ni Jonson.

Matagal na sandali pa ang lumipas bago tuluyang nakabawi si Madi sa pagkabigla. Pagkatapos ay saka bumulalas, "Paano kita makikilala noon, eh, ang dungis-dungis mo?!"

Aside from that, Jonson Filemon was notorious for being really eccentric. Ang speech nito sa pagtanggap ng awards ay umaabot lang ng sampung segundo. Suplado din si Jonson sa harap ng camera, na siyang dahilan kung bakit wala masiyadong amor ang international press dito. At kung bakit panay profile lang ang mga nakukuhang litrato ng mga ito para sa mga film magazines at mga artikulo gaya ng Indiewire.

Pero sa Pilipinas, lalo na sa komunidad ng mga direktors at filmmakers, si Jonson Filemon ay isang alamat. Isang independent film director na sikat sa paggawa ng "experimental" na mga pelikula. Hindi naiipalabas bilang komersyal ang mga pelikula nito dahil hindi para sa masa. But he was famous and well-critiqued among the intellectual circle.

"At syempre, nauna na naman ang pagiging isnabera mo," pagsusungit ulit ni Jonson, balik sa dating-gawi. Gusto na tuloy magduda ni Madi kung ito nga ba ang award-winning director na pinag-uusapan ng lahat. "That's the reason why the viewing public doesn't like you that much."

Umingos lang si Madi. Na para bang may karapatan si Jonson Filemon na sabihin iyon matapos ang napabalitang pagwo-walk-out nito sa isang party kasama ng mga iba pang batikang international directors.

Ipinagkurus niya ang mga braso sa dibdib. "Ano ngang ginagawa mo dito? Bukod sa laitin at awayin ako?"

Sa pagkakataong iyon ay sumilip si Becca mula sa likuran ni Jonson.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon