Interlude IV

964 21 0
                                    

Buzz of the Stars, Sunday, 4pm

"Oh-em-gee Tita Babes! Nabalitaan mo na ba ang latest? A-ha-ha!" ani Kris.

Tumingin si Tita Babes muna sa screen, bago sa co-host nito. "Ano ang latest, Kris?"

"Pahabaan ng hair, Tita Babes." Nandidilat ang mga mata ni Kris for effect. "Natatandaan mo ba ang sexy star na pinag-uusapan natin kamakailan lang? Ayon sa ating source ay may bago na naman daw Flavor of the Month ang ating paboritong sexy star. Sa katunayan ay nasa atin pa ang litratong nagpapatunay na may kahalikan si sexy star sa isang kilalang restaurant sa Alabang."

On cue ay lumabas sa TV ang isa sa napakaraming litrato ni Madi at ni Pol na kuha noong engagement ni Phil. Iyong isa sa mga litratong sinamsam ni Madi para hindi na pagnasaan ni Tito Do Ha.

Ang litratong nasa screen ay kuha kung saan ang anggulo ng camera ay bahagyang nasa likod ni Madi. Therefore, halos nasa harap ni Pol. Pero naka-blur man ang mukha ni Pol ay hindi naman ang kay Madi. It was a shot that need not be crystal-clear to create its intended effect - sensual and a little scandalous for most of the conservative masses. Iyon ay dahil kailan lang ay ibang lalaki naman ang kasama ni Madi. The picture said a lot more than it was supposed to. It confirmed Madeline Puerto's social stigma as the atrocious tramp.

"Ay, hot!" bulalas ni Tita Babes.

"Eto pa, Tita Babes. May kumakalat din na balita na nakikipag-live-in na daw ang naturang aktres sa lalaking 'yan na kakikilala pa lang niya."

"Gano'n? Agad-agad?"

"Sayang daw ang oras," sarkastikong ani ni Kris. "Haba ng hair! Inggit ako! Gusto ko na ngang magpa-extension. Pero hindi nga pala ako babae. A-ha-ha!"

"Ano'ng say mo dito, Kris? Dumadami na ang mga eskandalo ni Ate. Pabor ka ba dito?"

Tumaas ang kilay ng bading na co-host. "Pero pinaguusapan naman natin siya, 'di ba, Tita Babes? So effective ang mga pinaggagagawa niya."

"Publicity ba ang ibig mong sabihin?"

"Hanupa nga ba, Tita Babes? Hindi naman si Miss Haba-ng-Hair ang unang gumawa niyan sa showbiz."

"Ingat-ingat lang ang ating maiipayo, Kris. Sana naman, ambunan na ng career ang babaeng ito nang makapagpahinga naman sa mga lalaki. Nakakapagod din siguro, 'no?"

"Kung ganyan naman ka-hot ang kissing scene, why not, Tita Babes? A-ha-ha!"

"O, move-on na tayo. Na-i-stress ako. Para sa mas good news, tingnan naman natin ang contract signing ni Janelle De Guzman na ginanap kahapon sa presscon ng TV9..."

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon