Hindi na mapakali si Pol. Pumasok na siya sa unit sa GT kanina, inaasahang madadatnan si Madi, pero wala ito doon. Nagpunta siya as studio ng RS pero wala din si Madi o kahit si Tito Do Ha. Kahit sa Lounge ay wala si Madi. Sinusubukan niyang tawagan si Madi pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Wala ring sagot mula kay Tito Do Ha. Wala na siyang maisip na pwedeng puntahan ni Madi kaya bumalik siya sa GT.
"Saang lupalop ka ba nagtago, Adeng?" bulalas niya sa pinaghalong inis at pag-aalala.
Ngayon ay bumalik siya sa GT, sumakay ng elevator paakyat ng unit, nakahandang maghintay na lang doon at baka magkasalisihan pa sila ni Madi. Kakalabas pa lang niya ng elevator at paliko sa pasilyo nang bigla siyang napatigil sa nakitang eksena.
Si Madi at si Phil, magkahawak-kamay sa tapat ng condo unit at nakangiti sa isa't-isa.
Pol almost came back from where he came from... against his wishes. Nang wala sa loob lang na lumiko siya sa unang kanto para magtago ay saka lang niya pinagalitan ang sarili.
"What the heck, Antipolo," he hissed under his breath.
Hindi alam ni Pol kung bakit pakiramdam niya ay tila siya nanghihimasok sa isang sagradong bagay. Pero hindi na siya makalabas sa lungga niya. And he hated the feeling. Bakit hindi siya sumingit na lang sa pagitan ng dalawa? Iparamdam sa mga ito ang presensiya niya? Hindi naman siya masokista, for Pete's sake.
Okay, Antipolo. In three... two... one—
"You know that you can always call on me, right?"
Wala na lalong choice si Pol kundi isiksik pa ang sarili sa pader kahit labag sa loob niya.
"Thank you, Phil," ani Madi. "Buti na lang talaga, dumating ka."
"Do you think you'll be okay?"
"Yeah. Thanks to you. Ikaw? Okay ka lang ba?"
"Don't worry about me and Ilea. Maybe it's better this way. I mean, I still have you, right?"
A short silence followed. Pagkatapos, "Of course. You never once lost me, Phil."
"Then all is better now. I'll see you sometime soon?"
"Definitely. Nandito lang naman ako para sa'yo, alam mo 'yan."
Hindi alam ni Pol kung bakit hindi pa niya pinigilan ang sariling lumingon kila Madi at Phil. So now, he had to suffer the pains of seeing Phil kiss Madi on the cheeks, and Madi not turning away.
Kahit nang makaalis na si Phil at makapasok si Madi sa unit ay hindi pa rin makakilos si Pol. Hindi naman iyon ang unang beses na masuyo ang kapatid at si Madi sa isa't-isa. Pero hindi niya alam kung bakit masakit iyong panoorin sa pagkakataong ito.
At bago pa niya namalayan, bago pa niya napansin, naramdaman na lang niya ang mga maiinit na likidong dumadaloy sa pisngi.
"Oh, shit, Antipolo."
Sumandal si Pol sa pader at ipinikit ang mga mata. Naririnig niya ang mga yabag ng paa ni Madi sa loob ng unit bago tuluyang nagsara ang pinto.
Bakit kaya gano'n? Kahit hindi niya nakikita si Madi ay ramdam na ramdam niya ang ikinikilos nito. Sometimes, he wanted to numb himself from her. Just find himself in a space where he wouldn't be mindful of everything Madi was doing.
Sometimes... sometimes, he wished that he didn't love her as much.
Tahimik na bumaba si Pol sa lobby ng GT, nanlalambot ang mga tuhod at naninikip pa rin ang paghinga. Ni wala na siyang sapat na lakas para makalayas sa lugar na iyon nang mabilis. Sa edad niya, hindi na dapat niya nararamdaman ito. But shame on him for acting like a little schoolboy who had been jilted by his Valentine date.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...