Love 8

117 4 0
                                    


Chapter 8

They're Creepy

Nakapaghilamos na ako't lahat sa restroom, hindi pa rin bumaba ang presyon ng dugo ko. I'm still so irritated. Nakailang buntong-hininga na rin ako at kumalkalma naman ng kaunti pero kapag naalala ko na naman ang mga babae ni Lucas, para ulit akong bubuga ng apoy.

Urgh! I really hate playboys. That's a big turn off for me!

Dahil hindi pa rin naman nawala ang iritasyon ko, nag-ayos na lang ako ng mukha. I put some liptints and powder before going out to restroom. At halos umusok na naman ang ilong ko nang makita sa paanan ng restroom si Lucas, nakasandal at nakapamulsang nakatitig sa akin.

It looks like he's watching my door to open because the moment I came out, nakahanda na ang mapupungay na titig niya. I immediately glared at him.

"Anong ginagawa mo rito?"

Umayos siya ng tayo at muling namulsa. Tumitig siya sa akin. "Magrerest room?"

This brute!

"Edi magrest room ka! Huwag kang humarang sa daan, buwesit." Inirapan ko siya at dire-diretso siyang nilampasan pero mabilis siyang humarang sa daraanan ko.

I almost bump on his chest. Lalo na noong humakbang pa siya at halos ibangga ang dibdib niya sa mukha ko. Napaatras ako ng isang hakbang at pinukol siya nang masamang tingin.

"Ano ka ba?!" singhal ko.

Nakatingala ako habang nakadungaw siya sa akin, namumungay ang mga mata.

"Why's my baby having a bad morning, hm?" aniya.

"What?"

"Ba't ka galit?"

"Ha! At bakit naman ako magagalit?!"

He bit his lower lip. "Fine. Why are you irritated? Hindi ba't kasama mo naman si Roderick? Is he giving you hard time?"

"Hindi si Roderick! He's a good man. Hindi kagaya ng isa riyan na kung sino-sino na lang ang mga babae!"

Kumunot ang noo niya at mukhang wala siyang ideya kung sino 'yon! I cannot believe this brute!

"Hindi siya katulad ng iba na nambabae! He's a loyal and a very ideal man!" pagpaparinig ko pa.

He looked at me ridiculously. Nagtagis ng sandali ang bagang niya at tila pinipigilan ang sariling huwag magsalita.

"At mas lalong hindi siya kagaya mong napakagentle man sa iba pero pagdating sa akin, naiba na ang trato!" I can't help but browse it out.

Natigilan siya. Ganoon din ako. I think I just slipped away. Hindi ko na naman nasilyuhan Ang bibig. But anyway, it's true so I won't deny it. Umirap ako sa kanya.

"The last time I remembered, you were with that flirty Charmaine—"

"—baby, you're mouth,"

"—and then yesterday, you were with that tall-I don't know-girl again! Pagkatapos ng kay Charmaine, sa kanya ka ulit? Sino naman ang babaeng 'yon?"

He titled his head. "That's my client,"

"Don't fool me, you brute! Anong kliyente 'yon? Sa school library or sa printing center?" I said sarcastically.

Umangat ang gilid ng labi niya habang titig na titig sa akin. Dumaan ang multo ng ngiti sa kanyang labi pero pilit niyang tinatakpan iyon sa pamamagitan ng pagseseryoso.

"She really is. And Charmaine is just a colleagues. Nagpapaturo lang ng parts sa thesis kaya tinuruan ko."

"Bakit magpapaturo pa? Nag college pa siya? Paano siya nakapasa ng college kung ganoon siya kabobo?"

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon