Chapter 53You're Rejected
Reign welcomed me in their house with open arms. Nahihiya ako dahil sobrang ganda pala talaga ng bahay nila. Sobrang laki rin. I suddenly felt so proud that the person behind this is my baby Lucas.
Inabala ko ang sarili kong magtingin-tingin sa mga gamit nila sa bahay. Kanina pa kasi ako tinitingnan ni Reign kaya nahihiya ako. I know she has many questions to me and I'm so glad that she didn't ask a thing. Nakatitig lang talaga siya sa akin.
"Uh, mahilig pala si Jebriel sa mga painting?" I asked her.
Nasa guestroom na ang mga maleta ko. Sobrang nahiya ako kanina noong imbis na ako ay pinautos niya pa sa katulong iyon para iayos doon sa kwarto na tutulugan ko. Sinabi ko na ngang pwede naman akong sa sala matulog dahil malawak naman siya pero hindi ako pinakinggan ni Reign.
"Yes. He's a fan of Elvira's masterpieces."
"Oh? I don't know anything about visual art but I learn something because of Lucas. He loves Elvira's paintings too." sabi ko.
She didn't answer. Nilingon ko siya at nahuling nakatitig pa rin sa akin. I smiled embrassingly to her.
"Pasensya ka na sa abala, ah?" I said. "Natatakot kasi akong maghanap ng malilipatan ngayon dahil gabi na. Pero aalis din agad ako rito, Reign. Promise. Bukas na bukas din, maghahanap na talaga ako. Kukunin ko na 'yong mura. Basta may tutulugan lang."
"Pwede ka naman dito. Bakit ka pa maghahanap? The guestroom is unused. Lulumutin lang 'yon doon kapag walang gumagamit."
Hindi ako makapagsalita.
"Bakit? Ayaw mo na do'n sa condo mo?" tanong niya.
I sitted in the sofa beside her and smiled.
"Uh, pinaalis kasi ako roon. Hindi na kasi ako nakabayad. Kasalanan ko rin kasi may mura naman pero doon talaga ako sa mahal. Sosyal-sosyal pa, namumulubi na tuloy." I chuckled.
Kumunot ang noo niya. "Ilan daw ba ang babayaran mo?"
I have the feeling that she will do something about it kaya umiling agad ako.
"Nabayaran ko na naman ang isang buwan. Iyong sunod lang ang hindi ko na kayang bayaran kaya hindi na rin ako nagpatuloy doon. Don't worry,"
Tumango siya. "How about in Lucas' company? Doon ka pa rin ba nagtatrabaho?"
Shit... Nanlamig yata bigla ako.
"Uh..." I swallowed hard.
Nakita niyang nagbago agad ang reaksyon ko kaya mabilis kong pinabalik ang aking ngiti.
"Uhm, actually... umalis na ako roon. Ano kasi, uh..."
I stopped. Hindi siya umimik at may pakiramdam akong hindi niya ako pipiliting magsalita pero nagkusa na ako.
"Kasi ano... uh, may nagawa akong malaking kasalanan doon, e."
She remained silent. I gave her a small smile.
"Napagalitan ako ni Lucas, Reign. Hehehe," I chuckled. "Galit na galit sa akin. Nahihiya tuloy akong magpakita."
"Galit na galit sa'yo?"
"Oo, e."
"Paanong nagalit? Sabi ni Jeb, hindi nagagalit 'yon sa'yo?"
My heart somehow hurt at that. Iyon din ang akala ko noon. Pero simula noong nangyari 'yon, doon ko lang napagtantong kayang-kaya niya naman talagang magalit. Lalo na sa mga taong kagalit-galit din kagaya ko.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...