Love 17

114 4 0
                                    


Chapter 17

Akin Ka

Sa isiping baka puntahan ako ni Rod sa bahay, hindi muna ako diretsong umuwi. Nag-ikot ikot muna ako sa mall at hinintay na maggabi bago nagdesisyong umuwi sa bahay.

Naglakad-lakad muna ako habang hinihintay ang driver namin. Gusto ko pa sanang magliwaliw dahil ang sabi ng driver ay medyo matagal-tagalan pa siya pero insaktong may text message akong natanggap sa phone. It was from Jimboy.

Jimboy:
Shaireen, nasaan ka? Kain tayo? Pambawi muna sa akin.

Kumunot ang noo ko at nagtipa ng reply.

Me:
Ngayon?

Jimboy:
Yep. Okay lang ba? My threat.

Ngumuso ako at bahagyang napaisip. May naitulong din naman sila sa akin kanina kaya ayos lang siguro. Wala namang masamang bumawi. Plinano ko rin talagang bumawi sa susunod pero ayos lang din kung ngayon.

Me:
Okay. Saan ka?

Jimboy:
Nasa may likurang parte pa ako ng mall. Can you please meet me here? Kung ayos lang.

Me:
Sure. Ayos lang. I'm going.

Jimboy:
Yes! Thank you, Shaireen!

Ibinaba ko ang phone at nagsimula ng lakarin ang sinasabi niyang likod ng mall. Nasa mall pa lang din naman ako kaya lalakarin na lang.

Madilim ang buong paligid nang makarating ako roon. Walang katao-tao at sobrang tahimik. Kunot ang noo ko habang hinahanap si Jimboy at nang hindi ko makita roo'y tinawagan ko na lang ang phone niya. Isang ring lang ay sinagot niya agad iyon.

"Nandito na ako, Jimboy. Nasaan ka na?"

I felt something behind me. Ilang sandaling tahimik si Jimboy sa kabilang linya hanggang sa marinig ko siya sa aking likuran.

"I'm here..." he said.

My eyes bulged. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nanlamig ang mga kamay ko nang masinagan ng buwan ang nakangisi niyang mukha.

"Jimboy?"

He smirked more. Napaatras ako nang dahan-dahan siyang humakbang.

"B-Bakit mo ako pinapapunta rito?"

"Bakit? Ano sa tingin mo?"

Unti-unti ng gumagapang ang kaba sa akin. Tinalikuran ko siya sa kagustuhang makatakas pero nang makatalikod ay bumangga agad ako sa dibdib ng kung sino.

"Saan ka pupunta?"

I gulped nervously as I slowly raise my head. "H-Hulio?"

Ngumisi siya sa akin. "Saan ka pupunta?"

Naging sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Parang bombang sumabog pa ang kaba sa aking dibdib. Unti-unti ko ng naiintindihan ang patibong na 'to at gusto kong maiyak dahil ngayon ko pa napagtanto ang lahat. I don't remember feeling so much frustrated because of being brainless.

Sino ba ang matinong taong gustong makipagkita sa likod ng mall? At sino rin ang bobong kumagat doon? Ako lang. I shouldn't have let go of my instinct just because of the only one help I get from them. What kind of brain I have?

"U-Uuwi na ako," sabi ko at sinubukang lumusot sa kanila nang biglang nagsipaglabasa pa ang ibang mga lalaki.

Napaatras ako sa takot nang makitang mga kagrupo iyon nina Jimboy. Hindi ko kilala ang iba kaya may kutob akong nagsama pa sila ng marami. Nanindig ang mga balahibo ko.

"Siya na ba, Jimboy?" anang isang lalaki.

"Oo,"

"Eh, ang ganda nga rin naman, tangina! Titigan mo pa nga lang, ang sarap-sarap na."

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon