Love 20

133 3 0
                                    


Chapter 20

Please, Please

"KC..." tawag ko kay KC nang sagutin niya ang tawag ko. "Nasa'n ka?"

"Nasa library,"

"Pakiusap naman, oh..."

"Sure. Ano ba 'yon?"

Kinagat ko ang labi ko. Hanggang ngayon, di pa rin mawala-wala ang matinding hampas sa aking dibdib.

"Can you... can you please get my things in the kiosk? Nakalimutan ko kasi kamamadali,"

"Huh? Napa'no ka ba? Bakit ka nagmamadali?"

"Masakit ang tiyan ko," palusot ko. "Sige na, please? Ihatid mo na lang sa classroom."

"Okay. Ngayon din ba agad?"

"Oo sana."

"Okay."

Nagpasalamat ako nang malaki sa kanya bago ko ibinaba ang cellphone. I sighed again. The truth is, I'm not in the restroom. Knowing Lucas, alam kong susundan na susundan niya ako roon. Gumala-gala lang talaga ako sa kung saan sa campus. Hindi rin ako nagstay sa classroom dahil doon ko ipinahatid kay KC ang mga gamit ko. Baka magkita sila ni Lucas at masundan pa ako roon.

I don't know. The only thing that I want to do right now is to avoid him. I am not ready to see him. I'm so unready. Kanina noong nakita ko siya, mas lalo lang yata akong nakaramdam ng hiya. Mas lalo akong inuusig ng konsensya.

Hindi ko pa siya kayang harapin. Wala akong mukhang maihaharap.

Bandang ala una na nang magdesisyon akong pumasok sa klase. I made sure I'm a bit late para siguradong sa klase na ako diretso. KC immediately talked to me the moment I settled beside her.

"Thanks, KC." Niyakap ko siya.

Tumango siya sa akin. "Saan ka galing? Akala ko pa naman nandito ka no'ng hinatid ko ang bag mo rito. Nandito na sa school si Lucas! Sa kanya ko nakuha iyang mga gamit mo!"

"Huh?"

"No'ng nagpunta ako sa kiosk, nadatnan ko ng nakaupo roon si Lucas, sinasagutan ang activity sheet mo. Sukbit-sukbit niya na ang bag mo at mukhang patayo na nang kunin ko. Balak pa yata niyang hanapin ka. I was so shock. Paanong nasa kanya ang mga gamit mo, Shai?"

Napapikit ako. Nararamdaman ko na naman ang matinding hiya.

"Ano... Aksidente lang kaming nagkita. E, hindi ko nakayanan ang sakit ng tiyan ko kaya hindi ko na nabalikan."

"Sumama siya sa akin papunta ritong classroom. Nagstay pa nga ng ilang minuto rito. Saka lang siya umalis noong dumating na si Ma'am tapos wala ka pa."

Damn! I knew it!

"Anong meron? Bakit ka hinahanap-hanap no'n?"

"E-Ewan ko... Siguro dahil ako ang may kasalanan kaya siya nahospital?" sinabayan ko pa ng tawa iyon kahit kabadong-kabado na ako.

"Mukha namang hindi siya galit..." aniya.

Hindi na lang ako umimik. Pakiramdam ko ay kinabahan lang ako lalo.

Pagkatapos ng klase ay hindi na rin ako nag-aalinlangang umalis ng classroom. Nagpaalam lang ako kay KC saglit saka dali-dali ng umalis. May pakiramdam akong pupuntahan ako agad ni Lucas doon. I was so nervous as I walked outside the school. Palinga-linga ako at saka lakad-takbo, napapranoid. Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang makasakay ako sa service namin.

Natawa ako sa sarili. Napapraning na yata ko. But I believe it's better that way. Kaysa naman sa mapraning kakausap sa kanya.

I was so determined to avoid him very much. Bahala ng nagmumukhang paranoid. Kaya ko yatang gawin ang lahat, huwag lamang siyang makita. Ang kaso, dahil nagawa ko namang makatakas sa kanya kahapon, akala ko ay maiiwasan ko rin siya ngayon. Sinadya ko ng magpahuli sa klase para hindi kami makapang-abot ulit pero halos mahimatay ako sa kaba nang bigla niya akong hinalbot pagkaapak ko pa lang sa hagdan papuntang second floor.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon