Chapter 55My Luck
"Punyeta ka ring babae ka talaga. Kaya pala hindi na kita matawagan dahil iba na number mo! Pwerhisyo ka rin, ulol!"
Tinawanan ko ang mukha ni Tito Justin. Badtrip talaga siya sa akin nang kitain ko siya at nalaman niyang nagbago ako ng number.
"My phone's broke kasi. Pinalitan ko na rin ang number ko pero ngayon lang naman. Ibabalik ko rin 'yon. Andami ko kayang contacts doon,"
"Ewan ko sa'yo! Sarap hatakan niyang buhok mo."
"Saang buhok? Sa itaas o sa ibaba?"
Puno ng pandidiri niya akong tiningnan na ikinatawa ko ng sobra. He pulled my hair harshly and cursed me in disgust.
"My god. Lumayo ka nga sa akin!"
"Arte-arte mo! Para namang wala ka ring buhok. Duh, Tito?"
"Tumahimik ka na nga! Ang lakas pa ng loob mong tumawa riyan, suspended na nga ang process ng contract mo sa station!"
Lumiit ang tawa ko roon. Bumuntong-hininga ako.
"Bakit ba raw kasi suspended, Tito? Hinintay ko 'yon, e. Akala ko makakapirma na ako ng kontrata this week."
"Aba't malay ko sa'yo, ha?! Sino bang nagbreach ng contract kay Jace nang hindi sinasabi sa akin? Punyeta ka talaga! Kwinesyon ko pa ang desisyon ng station kung bakit suspended ang papers mo. 'Yon pala dahil nalaman nilang nagbreach ka ulit ng kontrata. Bad record sa station kaya postpone ka muna! Nag-alinlangan na silang kunin ka dahil baka you will did the same with your projects once you can have your contract!"
Napahilot ako sa sentido at minura si Jace sa isipan. Letseng unggoy 'yon, nagsumbong pa talaga!
"Ang arte talaga ng station na 'yan." usal ko.
"Ano pa ba nga ba?! Kung hindi lang talaga mas tinatangkilik ng viewers ang network nila, hindi rin ako magtatrabaho diyan. Bakit mo na naman kasi bri-neach ang contract doon? Maganda naman, ah!"
"Kung hindi lang kasi gago 'yong Jace na 'yon, wala namang problema, Tito. Punyetang manyakis 'yon."
"What?"
"Sinisilipan ako palagi kapag nagbibihis ako,"
"What the fuck?!"
I sighed. "Pero ayos na. Ang importante naman nakalabas ako sa kanya,"
Tumahimik siya at parang gustong magwilga pero hindi alam ang sasabihin kaya hindi na lang nagsalita. I smiled to make him feel that it's okay now.
"Maghihintay na lang ako kung kailan nila ipagpapatuloy ang process kung ganoon?" tanong ko.
"Yeah..." He blew a deep breath. "Ayos ka lang ba kung ganoon?"
"Oo naman."
"Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa ginawa ng hayop na 'yon?"
"Ayoko ng makaabala. At saka, ikaw pa ba? Mag-eeskandalo ka, alam ko na."
"Ano naman? Kaysa naman sa inaabuso ka ng mga king-inang lalaking 'yan! Parang hindi marunong magsalsal ng sarili at nangmamanyak pa talaga!"
Tumawa ako. "Ayos na nga. Tapos na, huwag na nating balikan."
"E, kumusta ka na ba? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"I'm designing." I smiled proudly. "Dress designer, Tito. Nagamit ko ang inaral ko sa Australia,"
He smiled at me. I don't know why I saw his eyes become teary.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...