Love 26

126 3 0
                                    


Chapter 26

To Beg

Lugmong-lugmo ako sa mga sumunod na araw. Mabuti na lang at napigilan ko ang pag-iyak tuwing gabi kaya walang bakas ng pamamaga ang mga mata ko. My days still go the way how I want it. Sina Vanessa at KC, hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapansin. Ni hindi nga ako halos matingnan.

I was holding the strap of my bag so tight when I entered the cafeteria. Mag-isa lang ako at balak na sanang maghanap ng upuan nang bigla kong mahagilap ng tingin ang upuan nina Vanessa. Silang apat ang naroon, including KC who's laughing with them.

Nanuot muli ang kakaibang kirot sa aking puso. Gayunpaman, tinatagan ko ang sarili at humakbang papalapit sa kanila. I need to settle this fight with them. I already sacrifice Lucas and I'm hoping that maybe, they can accept me again.

Sabay silang napatigil sa pagtawa nang makita nila akong papalapit. The moment I reached them, nilakasan ko ang loob kong umupo sa isang bakanteng upuan kahit nanlalamig ako sa kaba. They all have that judgemental eyes in me. Na para bang ang kapal ng mukha ko para umupo roon.

"Vanessa..." Nilingon ko si KC. "KC..."

"What the fuck are you doing here again?!" Vanessa exclaimed angrily.

Napasinghap ako. Mas lalo yata silang galit sa akin ngayon kaysa kahapon. Kung ganoon, sana pala kinausap ko ulit sila kahapon bago umuwi?

"Magpapaliwanag ako–"

"Girls, tara." ani Vanessa at saka walang pag-alinlangang tumayo. "I lost my appetite here. I don't think I can eat seeing the face of this bitch."

"W-Wala na kami ni Lucas."

Sabay silang natigilan lahat. Nangilid ang mga luha ko.

"I already broke up with him," I said shakingly and looked at them. "Is that what you all want, right? To break up with him?"

Hindi sila nakapagsalita. Mariin kong kinagat ang labi ko.

"We're already done. We already broke up. L-Let's get back together. Let's fix this friendship, Vanessa."

"Huh!" Vanessa laughed in so much sarcastic and gave me a very ridiculous glare. "Do you think it's just that easy? Tingin mo, ganoon-ganoon na lang 'yon, Shaireen? Wala ka ba talagang utak? Akala mo ba kapag nagbreak kayo, maibabalik mo pa ang sinasabing mong 'pagkakaibigan' natin? Shunga ka ba?"

Napayuko ako.

"Baka akala niya, Vane, tatanggapin agad natin siya dahil nagbreak na sila ni Lucas." nakangising angil ni Nicole. "Bakit? Sa tingin mo ba maniniwala kami sa'yo?!"

"I really broke up with him. Kahit tanungin mo pa siya..."

"Tingin mo sasang-ayunan 'yan ni Lucas? Itatanggi niya 'yan! He's head over heels to you! Oh baka nga, sinet-up mo lang. Kukumpirmahin ni Lucas na wala na kayo pero malay ba naming briefing mo lang 'yon at pagpapanggap lang ang lahat?"

"Wala n-na talaga kami, Nicole. I already end up with him the last day–"

"Shut up! Hindi na kami maniniwala sa'yo! At saka, sa tingin mo ba talaga, babalik pa kami sa'yo pagkatapos ng lahat? Wake up! Hindi ka nga namin itinuring na kaibigan, diba? Bakit pa kami makikipagkaibigan ulit sa'yo?"

Natigilan ako. Tears pooled in my eyes as I looked at KC, begging for help. Dahil sabi niya, she didn't fake a friend. Dahil sabi niya, kaibigan ang naging turing niya sa akin. But to my dismay, she looked away as if never wanting to see me again.

Kumalat ang matinding pait sa akin.

"Kung ano man ang kasalanang nagawa mo, pagdusahan mo 'yon. Not all the things in this life will revive just because of a single sorry. At kahit wala na kayo ni Lucas o hindi na kayo magkabalikan, we won't still accept you again! You are the reason why you ruined this. Magdusa ka!" sabi ni Vanessa at ipinagpatuloy and naudlot na pagtayo.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon