Chapter 22Tayo Na
"What the fuck is wrong with you?! Ano 'tong naririnig kong palagi na raw kayong nagkakasama ngayon ni Lucas, Shaireen? Siya ang ipinagpalit mo sa akin? You rejected me because of him, huh? Is that it?!"
Niyugyog niya ako. Mahigpit ang hawak niya sa akin kaya kahit anong pumiglas ko'y hindi ako makawala.
"You're a flirt! Kaya mo ako nireject dahil sa kanya. Paano ka niya sinulot sa akin, huh? Did he satisfy you? Did he kissed better?"
"What?!" napupuyos sa galit kong sigaw sa kanya. How did he judge me and Lucas like that? "Bitawan mo ako!"
"Nagpapadala ka rin kasi, e! Niligtas ka lang at siguro'y pinormahan kahit alam niyang tayo dalawa, kumakagat ka agad!"
"Walang tayong dalawa, Roderick! Pinayagan kitang manligaw pero hinding-hindi kita sinagot–"
"That's because you are so bullshit! Paasa ka! Paasa! Iniiwan mo sa ere ang mga kagaya kong umaasa sa'yo. And I'm sure ganyan din ang gagawin mo kay Lucas! Palibhasa, madali kang magsawa!"
"Sinabi ng bitawan mo ako!" galit na galit kong sigaw at buong lakas siyang itinulak.
Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya sa akin ang mga ito ngayon! Nireject ko man siya't iniwan sa ere pero hindi ko siya pinaasa kailanman! My feelings for him are all true!
At ako madaling magsawa? I've been loyal for him for almost a year now! Kung madali akong magsawa, sana isang linggo pa lang, tumatalon na ako sa kung sinumang lalaki ngayon! I hate chickboys and playgirls kaya hindi ko inaapply 'yon sa sarili ko! I'm a loyal kind of woman. Nagkataon lang talagang nagbago ang lahat bigla!
How can he fucking say that?
"Paano ka pinormahan ng gagong Lucas na 'yon, huh? Paano ka niya pinaikot sa patibong niya? He has a lot of women, Shaireen! Sa tingin mo, seseryusuhin ka rin ng gagong 'yon?"
"Shut up!" I screamed annoyingly.
I wiggled on his grip again but he wouldn't let me go. Galit na galit siya at wala akong pag-asang makawala sa higpit ng hawak niya.
"All you did is to insult and hurt me! Ang bilis-bilis mong magpalit! O baka kayo na ni Lucas noong tayo pa? Pagkatapos mo akong tanggihan, may pamalit ka na agad? Tangina naman, Shaireen!"
"Don't curse her in front of me, you asshole."
Windang akong napatingin kay Lucas nang makitang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Without effort, he pulled me away from Rod's hold and hid me behind him. Silang dalawa ni Rod ang seryosong naghaharap ngayon.
Rod smirked devilishly. "Nandito na pala ang mang-aagaw,"
"Try to curse her again. You can always try me and regret afterwards, Roderick."
"Tangina mo!" galit na galit na sigaw ni Rod at umamba ng suntok kay Lucas pero sinangga nito iyon. "Dati ko ng nahalatang may pagnanasa ka kay Shaireen noon, e! Hindi ko lang mapuna dahil ang dami-dami mo namang fans na babae! But now, I cursed you so hard for being my friend. Mang-aagaw ka!"
Hindi sumagot si Lucas. Kalmado at walang kakaba-kaba lang niyang hinarap ang nangangalati na sa galit na si Rod. Umangat ang kamao ni Rod at napatili ako nang hayaan ito ni Lucas na dumapo sa mukha niya.
"Lucas!"
"Mang-aagaw ka! Manunulot! Anong klase kang kaibigan!"
Muling tumama ang kamao niya sa mukha ni Lucas. Nagtitili na ako lalo na't ilang beses pang sinuntok muli si Rod at hinahayaan lang ni Lucas iyon. Nag-igting lang ang panga ni Lucas, nakakuyom ang kamao na tila pinipigilan ang sariling makasuntok pabalik.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...