Chapter 6Two Birds
"Hindi ba oras mo para mag-assist sa library ngayon?" tanong ko kay Lucas nang hilain ko siya palabas ng school.
It's already lunch time kaya nakakalabas na. He just keep on following me until we reached the restaurant near the school.
"Pwede ka bang lumiban doon?" nakangiwi kong tanong ulit.
I somehow think twice why I grabbed him out from the girls who are obviously drawling for him. Pero ayos na rin 'to. I don't want to give my assignment to him in front of many people. Nakakahiya kaya 'yon!
"It's fine." sabi niya at kalmadong namulsa.
I settled down when I found a vacant table para maupo na rin siya. Kaso, nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakatayo at nakapamulsa pa rin. Nagtaas ako ng kilay.
"What? Umupo ka na,"
"Why did you bring me here?" tanong niya.
"I don't want to give my assignment in front of your fans. At saka ang ingay doon sa library. Ang dami mong manliligaw,"
Kumunot ang noo niya na para bang wala siyang ideya sa mga sinasabi ko.
"Ikaw ang maraming manliligaw," he said.
I raised my eyebrows at that. "Bakit mo alam?"
He looked at me, almost glaring. Para bang mas lalo siyang nairitang hindi ko itinanggi iyon. Mas itinaas ko lalo ang kilay ko dahil totoo naman ang sinabi niya. Nakapagtataka lang kung paano niya nalaman iyon gayong sa tindig at formality niya, hindi ko iisiping tsismoso siya.
"Tss," he said and looked away.
Umirap ako. "Kung ayaw mo rito dahil hindi ka kumportable, pwede ka na namang umalis. Ibibigay ko lang ang assignment ko sa'yo and then you can go,"
Inabot ko sa kanya ang assignment ko. Akala ko ay kukunin niya 'yon at aalis na pero umupo siya sa tapat ko at isang sulyap lang ang iginawad sa notebook bago siya muling tumingin sa akin.
"You're having lunch here?" He asked.
"Oo,"
"Palagi ka ba rito?"
"Oo,"
Hindi siya sumagot. Nang sulyapan ko'y nasa menu na ang tingin niya. Kumunot ang noo ko.
"Akala ko ba ayaw mo rito?" tanong ko.
"Sinabi ko ba?"
"Ang labo mo!"
"Wala akong sinabing ayaw ko. Ikaw ang malabo," aniya, kalmado naman pero naaasar ako.
Inirapan ko na lang siya. It's no use fighting with him. Kalmado siya palagi at ako lang lalo ang naiirita!
"Ayos lang na kasama mo ako rito?" he suddenly asked me, cold.
"Bakit naman hindi?"
"Tss. I hate to fight with a friend. Make sure this wouldn't inflict any fight with Roderick."
"Hindi naman niya malalaman. And I'm sure it's okay with him. It's not as if we're dating," Ngumisi ako.
He gritted his teeth and looked at me icily. Nagkatinginan kami. Even with his uninterested expression, he still looked so handsome. Tingin ko, mas lalo yata siyang gumagwapo kapag nagseseryoso. I rarely see him smile. Well, it's not as if I'm looking at him before. Ngayon ko nga lang siya nakakausap.
Siya ang unang nag-iwas ng tingin at ibinagsak na lang ang atensyon sa notebook ko.
"Saan dito ang assignment mo?" he asked, malamig pa rin.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...