Chapter 11His Irritation
< LUCAS >
"Lucas, naghamon ang taga ibang school ng basketball sa atin. Sama ka sa amin, dude! Para na rin makahanap kami ng chicks! Naglalabasan kasi ang mga babae kapag naroon ka!" kalabit sa akin ni Charles nang nakapagtipon kami sa tambayan namin.
Hindi ko na sinagot iyon. My face struggled a bit while looking at Shaireen's project she gave me yesterday. I don't understand why she still needs me to answer this. Damn, these can't even made me think deeper for answers.
"Lucas, dude!" tawag pa ulit sa akin ni Charles.
"Sandali,"
"Ano ba kasi 'yan?! Bakit ang busy mo?! 'Wag puro aral, dude! Gusto mo yatang ikaw lang ang aasenso sa atin!"
Hindi na ako umimik. Hanggang pang-aasar lang naman sila.
"Nasaan na si Lucas? Ba't ang tagal?" bungad pa ni Micmac nang dumating.
"Ayan oh! Nag-aaral na naman! Punyeta 'yan, break muna, dude. Mangchicks muna!"
"Pass muna ako," I said while still doing the projects.
About paintings and free-standing sculpture lang iyon. Inuna ko ang painting dahil nasa bahay ang mga gamit ng sculptures ko. Iyong summative reviews naman niya, sinagot-sagutan ko na rin. May summarization na akong ginawa. Para mas mapadali ang pag-aaral niya.
"Anong pass? Hindi pwede!"
"Dude, tulungan mo naman kaming mangchicks. Ikaw lang ang nakakapagpalabas ng mga babae roon sa covered court kaya, come on! Don't be selfish!" sabay halakhak ni Charles.
Puro talaga chicks ang pagmumukha nito.
"Oo nga! Tingnan mo 'yong si Jheyk, may napick up ng chicks kahapon. Tapos iyong si Rod naman, isa pa 'yon! Ang ganda-ganda ng nasungkit. Si Shaireen pa. Dimwit!"
Napatigil ako sa paghugit. Ang kaninang abalang tingin ko ay mabilis na nalipat sa kanila.
"Speaking of which, sinagot na raw siya ni Shaireen kahapon? Totoo ba 'yon?"
"Dapat lang naman na sagutin na niya. Ang tagal na kaya nila. They both like each other so why the need on making it longer? Kung ako si Rod, hindi talaga ako papayag na manligaw pa,"
What?!
My eyebrows furrowed. Nasa kanila na ang buong atensyon ko.
"But it's really true? Sinagot na ni Shaireen?" si Micmac.
"Siguro. Busy si Shaireen ngayon dahil doble-doble ang practice nila sa theater kaya hindi ko natanong. Pero nakasalubong ko kanina si Rod, maganda ang ngiti, dude. Parang nakasuntok ng jackpot,"
"Jackpot naman talaga iyong si Shaireen. Jesus, she's so hot for freaking fucking sake!"
Nagtawanan silang dalawa. Nagtagis ang bagang ko at gustuhin ko man silang sugurin, pinigilan ko ang sarili. I totally stop my drawing now. Nakatitig na lang ako roon habang nagtitiim-bagang.
She said yes? Really?
I tsked inwardly. Katatanong pa lang niya sa akin kung dapat ba niyang sagutin si Rod, tapos ngayon, sinagot pala talaga! What an amazing aggressive woman!
Nawala na sa usapan nina Charles at Micmac ang tungkol kina Shaireen at Rod. Niyayaya na nila akong magbasketball at badtrip na badtrip sila nang mas lalo akong tumanggi. Hell... After I heard their conversation, they think I can even come?
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...