Love 9

116 4 0
                                    


Chapter 9

His Surprise

"Nice! Wrapped up na tayo, Shai. Thank you for the productive day everyone!" sabay palakpak ni Ma'am Boron para tapusin ang pag-eensayo.

We've been practicing theater these days for the upcoming League of the Campus. Napapadalas ang ensayo namin kaya napapadalas din ang pagkikita namin ni Jimboy kasama iyong mga kagrupo niya. Jimboy insisted so hard to be the leading man at hindi rin naman makakatanggi si Ma'am Borom because an excellent actor too.

Everytime their group are looking at me and tried to get more closer, I always act like their presence didn't bother me. Kahit ang totoo'y gustong-gusto ko talaga silang kumprontahin at prangkahin.

But of course I just can't. Wala akong mabisang ibedensya laban sa kanila maliban sa masamang pakiramdam ko. And they didn't harass me too kaya wala akong magawa kundi ang umiwas na lang.

"Shaireen! Sama ka naman sa amin. Kakain kami sa labas!"

"Oo nga! Hindi ka pa namin nakasamang kumain. Pagbiyan mo naman kaming makasama ka!"

Kakatapos lang namin sa practice ng play at ito na naman sila ngayon, nagiging creepy na naman sa akin. I sighed and calm myself saka mabilis na sinikop ang mga gamit ko.

"Sige na, Shaireen! I'm sure mag-eenjoy ka sa amin!" sabay ngisi sa akin ni Hulio.

Why do I suddenly have a goosebumps on that?

Isinukbit ko na agad ang bag ko pagkatapos kong ayusin ang mga gamit. Nang akmang tatalikod na ako'y hinarang talaga ako ni Hulio para hindi makadaan. His smiling wide and creepily at me.

Umiling ako sa kanya.

Akala ko, overthinking lang ako noong unang beses na kinorner nila ako. Pero noong sunod-sunod at palagi na lang, hindi ko na maiwasang hindi mag-isip ng masama. They always approached me in any way as long they can get a chance. Hindi naman masama iyon pero iba talaga ang instinct ko.

"Pass muna ako, Hulio. May kailangan pa akong gawin ngayon, e." I said and tried to smile.

Humakbang siya papalapit sa akin. "Mamaya na 'yang gagawin mo. Sama ka na muna sa amin! Makapaghintay naman 'yan."

"Pasyensya na. I really have to do something,"

"Sus! That can be done later, Shaireen. At saka, 'wag kang mag-aalala dahil mapoprektahan ka naman namin sa kahit ano. Ikaw lang ang makakasama naming babae,"

Oh shit!

Histerikal akong umiling. "Thanks, Hulio. But I'm really pass,"

Nilagpasan ko siya dahil determinado na talaga akong umalis. Kinikilabutan na ako. Muntik pa niya akong mahabol kung hindi lang ako nakalabas agad sa pinto at kung hindi lang din siya naharang agad nang mga nagsipasukan pang theaters sa room.

Nakahinga ako nang maluwang nang sa wakas ay makalayo ako. I can't help but overthink even they didn't do anything violent to me. Kinalma ko na lang ang sarili at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Tumunog ang phone ko. I sighed when it was a text message from Roderick.

Roderick:
Shaireen, meet me at the school field right now, please. I really have something to tell you.

Pinaunlakan ko agad iyon. Naisip kong hindi pa rin pala nasasabi ni Rod ang nais niyang sabihin sa akin nitong mga nakaraang araw dahil ang daming delay. Baka isipin niyang hindi ako interesado o baka umiiwas ako.

I went to the meeting place. Nagtaka ako nang makitang wala namang tao roon. The perimeter was so clear. Kahit mga estudyante ay walang dumadaan. I checked his text again thinking I just read the location wrong. Nakita kong tama naman iyon kaya mas lalo akong nagtaka.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon