WARNING: RESTRICTED!---
Chapter 58
Marry Me
Lucas stopped walking a few meters away from me, ngayon ay nakatitig na lang. Reign was watching me too, weighing my reaction. Iniwas ko ang kabadong tingin kay Lucas at puno ng nerbyos na tiningnan si Reign.
Gusto kong itanong kung bakit... at paanong... natagpuan ako rito ni Lucas? Anong kailangan niya sa akin?
Reign sighed when she saw me panicking. "Gusto mong kausapin?" masuyo niyang tanong.
Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Aalis kami ni Briel ngayon. We have a whole day briefing in the station. Kung ayaw mong kausapin, sumama ka sa amin. Mamayang gabi tayo uuwi. Kung gusto mo naman, we'll leave you here so that you two can settle things,"
Mas lalo yata akong niniyerbos, iniisip ko pa lang na mapag-iisa kami ni Lucas. I glanced at him and caught him watching me with longing and pain. He looks very pleading, almost begging his life from me.
My heart clenched painfully.
Alam kong hindi ko siya habang buhay na matatakasan. Hindi ko siya habang buhay na katatakutan. What we need is to settle things. For closure and for the peace of our hearts.
Huminga ako nang malalim at tumango. "I-I'll... I'll talk to him."
"You sure?"
Kinagat ko ang labi ko. "Yes."
She nodded. "Alright. We'll leave you here today. Call me if anything happens, okay?"
Niyakap ko siya. "Thank you,"
Tinanguan niya ako at sinenyasan na si Jeb na umalis. The next thing I know, niyayaya ko na si Lucas na sa kwarto kami mag-usap.
Kabadong-kabado ako habang kumukuha ng pamalit sa closet. Nasa kama ko lang siya, tuwid na nakaupo habang tahimik lang. Namumungay ang mga mata niya habang pinagmasdan ang mga kilos ko. I sighed heavily and talked at him a bit.
"Maliligo lang ako. Dito ka muna. Ayos lang ba?"
Tumango siya na parang tuta, titig na titig pa rin sa akin. Napansin kong namumula ang mga mata niya. Tumango rin ako at pumasok na ng bathroom.
Hindi ko alam kung magtatagal ba ako roon o bibilisan na ang pagligo para makapag-usap na kami at makaalis na siya. Sa huli'y binilisan ko na lang dahil ayaw ko rin naman siyang naghihintay doon.
Napamura ako nang mapagtantong hindi ko nadala ang mga hinandang pamalit kanina. Nasapo ko ang noo ko. Hinanda-handa ko pa, hindi pa rin naman nabitbit.
Lumabas ako ng bathroom na nakabath robe lang. Halos iwasan ko pa ang nag-aabang na tingin sa akin ni Lucas nang dumiretso ako sa closet at kumuha ng mga damit. Kinuha ko ang isang tuwalya at wala 'yon sa closet kaya iniwasan ko ulit na mapatingin kay Lucas nang dumaan ako sa harap niya.
Pinagmamasdan niya ang kilos ko at parang gusto kong manginig sa kaba. Bumalik ako pagkatapos kunin ang towel para sa walk in closet na magbihis nang bigla siyang tumayo at inabot ang kamay ko. Napatalon ako sa sobrang gulat.
"Shaireen..."
Parang gusto kong mahimatay sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Malakas ang kagustuhan kong itulak siya dahil nahihilo yata ako pero nanghina agad ako nang makita ko siyang mangiyak-ngiyak na tumitig sa akin. His looks so teary, pinipigilan lang maiyak kaya ngayon ay grabe ang panunubig ng mga mata. He looks so weak and vulnerable, na pakiramdam ko'y isang tulak ko lang sa kanya, matutumba na siya sa panghihina.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...