Love 40

123 4 0
                                    


Chapter 40

Doesn't Deserve

"Ang dapat na lang sana nating pag-usapan ngayon ay ang renewal mo ng contract sa station dahil magtatapos na iyong two years contract mo! Hindi na dapat kasali ang punyetang offer na 'to!" sigaw ni Tito na napahampas pa sa lamesa.

Pumikit ako at hinalikan ang magkasalikop kong mga kamay. Nahihilo pa ako sa hang-over but I'm quite sober now. Namomoblema lang talaga sa contract.

"Ayoko sa mga 'yan, Tito."

"Mas lalo naman ako, Shaireen! Kaya nga tinanggihan ko, hindi ba? Noong nakaraang araw ko pa sana sasabihin sa'yo pero no'ng makalabas ako ng tower ay wala ka na. I call you many damn times sa phone mo pero hindi kita makontak! Tapos ngayon, bigla mo na lang akong ginulat sa pagpirma mo sa mga 'to!"

I closed my eyes tightly at pinagsisisihan agad ang ginawa kong pag-off sa phone ko buong araw kahapon. Eh di sana, na-briefing agad ako ni Tito.

I just really don't want any possibility that Lucas can contact me after I'd heard from his mother. Hindi ko naman alam na magiging ganito 'to!

"Ayoko sa mga 'yan. Please, Tito. Ayoko talaga," halos magmakaawa ako.

Napahilot siya sa kanyang sentido. I know I am giving him so much frustration pero frustrated din naman ako. I just made a very stupid decision last night!

"Bakit mo kasi pinirmahan nang hindi mo pa nababasa, garapata ka?!"

"I was so drunk last night,"

"Garapata ka talaga kahit kailan!"

"Sorry na." Nagsusumamo ko siyang tiningnan. "I was just blinded when she said it has a higher price!"

"Kailan ka pa naging gahaman sa pera, Shaireen?"

"It's not about the money. It's about the possibility of high- profile work. Syempre dahil higher price, inaasahan kong mahirap. That thought of it excites me. I want to be damn busy again!"

"Oh e, anong nangyari ngayon diyan sa excitement mo? Nganga ka? Kasi ngayon na nabasa mo na kung anong laman ng contract, hindi mo inaasahang ganyan kalaswa?"

"I just don't know that these contract are so bold, okay? Ayokong maghubad habang kinukunan, Tito! I don't want to wear such a very tiny cloth for that goddamn beauty products. Ang term pa naman dito ay maghubad talaga! Kamay at tela lang sa set ang magiging panakip. Who the hell would accept this fucking shit?!"

"Alam ko! Kaya nga tinanggihan ko, hindi ba?!"

Mas lalo akong kinain ng konsumisyon. "Paano na 'to? I don't want this offer, Tito. Ayoko talaga!"

"Wala tayong choice. It's either gagawin mo 'yan, or magkaka breach of contract ka."

"But this is one hell of an expensive contract! Dalawa pa kaya ang laki ng mababayaran ko kapag nagkataon, Tito!"

"Pero wala nga tayong choice! Kaysa naman sa magborles ka roon at pagpapantasiyahan ka ng mga tanginang lalaki riyan sa kalye lalo pa't gagawin 'yang billboard sa EDSA!"

Mariin akong napahilot sa sentido at mas lalong nafrustrate. Pakiramdam ko'y maiiyak na ako sa sakit ng ulo tapos dumagdag pa 'to. Ngayon lang ako nagkaka leak sa ilang taon ko rito sa show business.

"Tatawagan ko 'yong kinginang Stella na 'yon. Hayop na 'yon, kinunsulta pa pala talaga sa'yo, e, tinanggihan ko na nga! Hindi na lang makapaghanap ng ibang willing maghubad diyan!"

Tinawagan ni Tito ang babaeng nag-offer sa akin no'n at nang puntahan kami nito sa condo, kaagad itong nagpaliwanag ng depensa sa amin.

"Sinubukan ko lang naman siyang kausapin dahil syempre, nagbabakasali akong kunin niya. Justin, wala namang masama sa ginawa ko. Hindi ko naman alam na basta-basta na lang niya 'tong pipirmahan nang hindi binabasa ang terms. I clearly told her to read the terms and then we can have a final deal. Pero kinuha niya ang ballpen ko at dire-diretsong nagpirma roon. Kasalanan ko ba 'yon?!"

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon