Chapter 13Should Go
< SHAIREEN >
Third day na League of the Campus. Araw-araw kaming may presentation sa theater at araw-araw paiba-iba rin iyon kaya abala talaga ako. Mabuti na lang at wala na akong problema pa sa mga projects ko dahil ginawa na lahat ni Lucas.
Speaking of that brute... Pagkatapos noong araw na ibinigay niya sa akin ang pinapagawa kong project, hindi ko na siya nakikita. Baka dahil wala namang dahilan para magkita kami? Wala na naman akong ibinigay na tasks sa kanya, diba?
"Hey, honey," Roderick gets my attention when I'm spacing out while reading my next script.
Napakurap ako at napalingon sa kanya. "Yes?"
"It's already your line..."
"Oh," I nodded. "I'm sorry,"
Tumango siya at ngumiti. Nandito kami sa paborito naming tambayan kapag snack time. Nag-eensayo ako ng aking script at tinutulungan ako ni Rod na basahin iyong lines ng leading man. Lines naman ng leading lady ang binabasa ko.
"Gutom ka na ba? I'll buy snack for us," aniya.
Tumango ako at ngumiti. "Yes, please. Thank you."
"Of course," Pumila na siya agad papuntang counter.
Ipinapatuloy ko ang pagbabasa. Napatingin ako sa labas ng gusali para sana memoryahin ang lines na binasa ko nang bigla kong mahagip ng tingin si Lucas... kasama ang isang panibagong babae ulit!
Napaayos ako ng upo at pinagmasdan sila. Masinsinan silang nag-usap dalawa at kalauna'y naunang ngumiti si Lucas, napailing-iling pa. Natawa rin iyong babae na kausap niya at saka itinuro ang isang restaurant. Tingin ko ay nag-offer itong kumain sila roon. Ngumiti si Lucas at tumango saka sila sabay na naglakad papalayo.
My teeth are gritting harshly. Napamura ako. Bullshit! Ganito ba talaga siya karaming babae? Ito ba ang pinagkakaabalahan niya habang wala ako?
And I remember that I said, he will just call me if he wants to see me, right? Bakit hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako tinatawagan? It's been three days! He wants to see me in exchange to my projects, right? Ayaw na ba niya akong makita dahil may ibang babae na naman siya?
Fuck! I can't believe it!
Kinuha ko ang aking bag at akma na silang susundan pero insaktong nakabalik na si Rod. Taka siyang napatitig sa akin nang makita niya akong nakatayo at akma ng aalis. I swallowed.
"Saan ka pupunta? Aalis ka?" tanong niya.
Napalunok ako ulit. Gusto ko na lang sana sabihing magrestroom muna ako pero wala rin naman akong gagawin doon. Napabalik na lang ako sa upuan.
"What's wrong?"
Umiling ako at puno ng panghihinayang na napatingin sa labas nang makitang hindi ko na nakita sina Lucas doon.
Who's that girl again? Sino ba talaga ang girlfriend ng bwesit na 'yon? Ang sabi ni KC, marami ang nalilink sa kanya. Palibhasa kasi, kung sinong babae ang nakakasama! Ito namang mga itsusero, bumubuo agad ng kwento. Ang dami tuloy nagpapaniwala! Nakakairita!
"Shaireen? Is everything okay?" Rod asked.
Umiling ulit ako. Awtomatiko akong nawalan ng ganang kumain. "Umuwi na tayo,"
"Huh?"
"Halika na. Marami pa akong gagawin,"
"Pero paano 'to?"
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...