Love 18

112 3 1
                                    


Chapter 18

So Embarrassed

Nanatili ako sa hospital habang ginagamot si Lucas. I am perfectly fine so I don't need any treatment. I played with my nails in so much worry while looking at him peacefully lying in the bed. Nasa kwarto na niya ako ngayon at binabantayan siyang magpahinga.

Ang sabi ng doktor ay nasa maayos na naman daw siyang lagay. Wala naman daw naapektuhan na kung ano sa internals niya but he's exhausted so he needs a lot of rest. Malakas daw ang katawan niya at matibay ang resistensya kaya ganoon. May sinabi pa ang doktor but I wasn't attentive to it earlier anymore. I'm so worried and so fucking guilty. I don't know if I still have the guts to face his mother again.

Ikalawang beses na siyang napahamak nang dahil sa akin. Ako pa yata ang makakapatay sa buhay niya. Guilty na guilty ako. I want to run in embarrassment but I rather face this than doing it. Pagkatapos nito, iiwas na rin lang muna ako.

"Lucas? Nasaan ang alaga ko?"

Napabaling ako sa pinto nang pumasok ang nanay ni Lucas. Mabilis siyang dumalo sa walang malay na anak. Tumayo ako at bahagyang gumilid. Kinagat ko ang labi ko.

"Jusko... Ano na naman ba ito, Lucas? Hindi pa nga tuluyang gumaling iyang sugat mo sa paa, may ganito na naman?! Bakit mo ba palaging ipinapahamak ang sarili mo?!"

Napayuko ako. Walang ibang sisihin dito kundi ang sarili ko lang talaga.

Napansin kong napatingin sa akin ang nanay ni Lucas. Sa paraan ng titig niya'y sigurado akong namukhaan niya ulit ako. I bit my lower lip harder and bowed down my head.

"Good evening, p-po." I greeted.

"Ikaw 'yong..." Hindi niya masabi-sabi.

Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Tumango ako.

"Pasyensya na po ulit, Ma'am..." I said with almost in the tip of crying again. "Ikalawang beses ko na po s-siyang pinahamak..."

"Nasabi sa akin no'ng mga pulis na dumampot doon sa mga lalaki. Ikaw ba ang iniligtas niya?"

Nagbara ang lalamunan ko. "Yes, Ma'am. I'm so sorry again. Sinabi ko ng hindi ko uulitin pero..."

Hindi ko maipagpatuloy. Nanlalamig ako sa matinding konsensya.

"Patawarin niyo sana ako kung ikalawang beses ko ng inilagay sa alanganin ang buhay ng anak ninyo. I'm so sorry po. Sabihin niyo po sa akin kung ano pong gusto ninyong gawin ko, gagawin ko po..."

"Ikalawang beses? Ibig sabihin, ikaw din ang may gawa no'ng sugat sa paa ng anak ko noong nakaraan?"

Napatingin ako sa babaeng pumasok ng pinto. She's wearing a simple silvery dress habang hawak-hawak ang isang mamahaling bag. She looked so social, elegant and wealthy. Diretso ang tingin niya sa akin habang nilalapitan ang kama ni Lucas.

"Good evening, Ma'am Lucia." anang nanay ni Lucas na nagpatigil sa akin.

"Ito ba ang sinasabi mong babaeng dahilan kaya nadisgrasya ang anak ko nitong huli, Nay?"

Anak ko?

"Opo, Ma'am."

"At siya rin ang dahilan kaya nasa hospital ulit ang anak ko ngayon?"

Oh my gosh!

"Sabi po niya, Ma'am."

Hindi ko alam kung paano ako biglang nagkautak agad at naunawaan ang sinabi niya. This pretty and sophisticated woman... is Lucas' mother! Kung ganoon sino itong Nanay ni Lucas? She adresses Lucas' mother as "Ma'am". Is that mean, she's their housekeeper or mayordoma? What?

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon