Love 44

138 5 0
                                    


Chapter 44

Spare Me

Parang bulkang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko makalma-kalma at para akong lalagnatin. He remained staring at me without even blinking, making my legs trembled so hard.

I stared at his face and for an instant, I remember him with Daisy yesterday again. Kinalma ko ang naghuhurumentadong dibdib at napamura sa isip nang mas lalo lang yata itong kumabog.

Can't you just rest for a fucking second?

"Shaireen..." He whispered my name.

Nanindig ang mga balahibo ko.

"You really are here..." it was a statement.

Umawang ang bibig ko para magsalita pero hindi ko magawa. Hindi ko na kaya ang panginginig ko kaya nilampasan ko siya, only to be bounced back when he gently pulled my elbow.

"Where... where are you going?" nanantya niyang tanong. "Are you done?"

Grabe ang pagkakatigil ko. Parang kuryenteng dumaloy ang init ng kamay niyang marahang nakahawak sa braso ko.

"Do you want to go elsewhere? To eat and... to maybe take some coffee?"

Nanlaki ang mga mata ko. How can he asked that without even stuttering? Isn't he bothered with my presence? It's our first time seeing each other after many years! Why is he asking like before?

I opened my mouth but before I can talk, biglang tumunog ang cellphone niya. He stopped and looked at it. Hindi siya nag-alinlangan. Sinagot niya agad iyon habang hawak-hawak pa rin ang braso ko.

"What's the problem, Daisy?"

Natigilan ako. Hearing it from him didn't give me any doubt to go. Kinuha ko ang braso kong hawak niya at dali-dali akong naglakad paalis doon.

"Wait... Shaireen!" he called and I don't know why my heart ached so much.

Wala akong sasakyan at mas lalong ayokong magbook dahil matatagalan ako kaya pumasok ako sa taxi na huminto. I looked behind at nakitang nakatayo na lang si Lucas doon, may katawagan pa rin sa cellphone at hindi na nakahabol pa.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sobrang inis. Ang lakas-lakas ng loob niyang yayain ako tapos isang tawag lang ni Daisy, agad niyang sinagot. Nakakairita! Nakakagalit!

I want to get back with him pero kung sila na ni Daisy at magpapakasal na, hindi naman ako magpapakamartir! Basta huwag lang siyang paasa!

Mabuti na lang at rest day ko sa mga sumunod na araw. I somehow forgot thinking about him. Niyaya kong gumala si Reign dahil plano kong magpa-spa kami pero may lakad daw siya, pupunta raw sa subdivision nina Jebriel. Wala na akong ibang matawagan na kaibigan because Tito Justin was busy too kaya mag-isa na lang akong gumala.

Napamura ako nang insaktong pagkalabas ko ng condominium ay umulan nang malakas. I didn't bring umbrella kaya bumalik pa ako sa condo. I decided to take a snack first pero nang makarating sa kainan ay napaatras agad ako nang makita sa isang table sina Lucas at Daisy kasama ang masayang si Tita Lucia.

Kumalat agad ang pait sa akin habang pinagmamasdan sila. They looked like a very perfect family. Daisy and Lucas that both so good together... and Tita Lucia who's very fond of them.

Naninikip ang dibdib ko kaya minabuti ko na lang na tumalikod at umalis doon. Gumala na lang ako kahit umuulan para malibang ang sarili.

I hate that after everything... just one look at them, I feel insecure again. Nakakagalit ang ganitong pakiramdam. Nilalamon ako ng sobrang inis para sa sarili.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon