Chapter 24Good Times
< SHAIREEN >
We successfully hide our relationship for few days now. Maraming nakakahalata at nagdududa lalo na't hindi talaga nahihiya si Lucas na makipaglampungan sa akin kahit maraming tao pero nevertheless, they didn't consult me about it so we're safe.
For now. Alam ko namang malalaman at malalaman din nila 'to pero gusto ko munang dahan-dahanin talaga. Pahuhupain muna ang init ng isyu sa amin ni Rod.
Thankfully, Lucas cooperating naman. May mga pagkakataon lang talagang hindi niya mapigilan ang sariling lumapit sa akin. Minsan, ako na nga lang ang umiiwas.
"You want that?" malambing na tanong sa akin ni Lucas nang madatnan niya akong kanina pa nakatitig sa tsicherya na nandoon.
I looked at him from my back and saw that he's already so close to me. Nakayuko at nakatitig sa akin habang ang hininga'y tumama sa aking noo. I soflty shook my head.
"Ayoko niyan. It's spicy," sabi ko sabay tulak ng cart.
We're in the grocery store right now. Kanina pa ako nagshopping at kanina pa rin sunod ng sunod ang brute na 'to sa likod ko. I don't know if he got bored during my shopping session pero sa kulit niya ngayon, tingin ko'y hindi naman.
"I'll help you push that," aniya at dumikit sa likod ko saka hinawakan ang aking kamay para maitulak niya rin ang maliit lang naman sanang cart.
I smirked. I know this brute easy style. Siniko ko agad siya. He only laughed and kissed my shoulder.
"Where are we going?" He asked.
"Maghiwalay tayo,"
"Ayoko."
Tumawa ako. "Come on. You get some alcohol there and I'll be buying some sanitary hygienes,"
"Sama ako,"
"Para madali tayo. Sige na. Doon ka, sa kabila ako. Pagkatapos mo roon, punta ka agad sa akin,"
Sinimangutan niya ako. "Bakit hindi na lang tayo magsama?"
"Para madali nga,"
"Sasama ako,"
Umiling ako at lumapit sa kanya. I plant a soft kiss on the side of lips before I gently pushed him away.
"Sige na. Balik ka agad sa akin pagkatapos, okay?"
Natahimik siya at napatitig lang sa akin. Gusto tuloy matuwa pero inabot ko na lang ang buhok niya sa noo at inayos-ayos iyon.
"Hurry up, okay? Don't make me miss you so much," I said sweetly.
Nakita ko ng sumusuko na siya. "'kay..."
"That's my brute..." I laughed. "See you, baby."
Itinulak ko na ang cart papalayo sa kanya. Nakita ko pa siyang nakatunganga roon nang ilang sandali bago mabilis na kumilos. Natatawang napailing na lang ako.
I went to the sanitary section. Namimili pa lang ako ng magagandang brand doon, may yumakap na agad sa likod ko. Tumawa ako nang malakas. Ramdam na ramdam ko pang bahagya siyang hiningal.
"Damn! Ang bilis, ah." asar ko.
He breathed hotly at my ears and kissed it softly. "Malapit lang,"
"Kaya pala hiningal."
"I ran..." amin naman niya.
Tumawa na lang ako at hinayaan siyang nakayakap sa likod ko. Nagpatuloy ako sa pamimili. Hindi naman talaga marami ang bibilhin ko rito pero mukhang magtatagalan ako dahil papansin ang Lucas na 'to.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...