Chapter 51Ruined Picture
I thought I would forever be guilty to what I did to Daisy pero nang makita ko siyang dikit ng dikit kay Lucas kahapon sa opisina, nabuhay ulit ang galit at inis ko sa kanya.
She seems very okay naman yesterday after what I did to her specification the last day. Nakakainis lang na mukhang tini-take advantage niya ang araw na hindi ako pinapansin ni Lucas para manlandi.
I understand why Lucas doesn't want to talk to me this time maybe because he doesn't want additional stress anymore. O baka rin, ayaw lang niyang sa akin maibuhos ang galit at frustration niya. I've known him for years. Ang paraan niya para huwag magalit sa akin ay ang hindi muna ako pansinin at magpalipas muna ng galit bago ako kausapin ulit.
The only thing that I didn't understand is Daisy taking advantage to it. Dahil alam niyang hindi ako pinapansin ni Lucas ngayon, landi siya ng landi. Dikit ng dikit. Nakakainis at nakakainit talaga ng ulo!
Paano ko masusuyo si Lucas kung umaaligid ang bwesit na 'yon?
"I haven't seen you in the set for these past days although wala rin namang bagong accessories and clothings si Daniella. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong sa akin ni Reign nang yayain ko siyang gumala.
I'm still so broke at wala pa akong kinikita dahil sa kabaliwan ko sa kompanya ni Lucas kaya laking pasalamat ko na nag volunteer siyang ililibre ako ngayon. Nakakahiya na ako ang nagyaya pero siya ang nanlilibre pero I'm really so broke right now.
"Well," Ngumisi ako sa kanya. "Nagtatrabaho ako sa isang kompanya ngayon. May sinusuyo."
Kumunot ang noo niya kaya humalakhak ako.
"O bakit? Porket nagkabalikan na kayo ni Jebriel, bawal na rin akong manuyo ng lalaki ngayon para sumaya?"
"Tss. Wala naman akong sinasabi. Pero sino ang maswerteng lalaking sinusuyo mo kung ganoon? Si Engineer Lucas ba?"
Hindi ko sinagot pero tinawanan ko 'yon. She laughed too and shook her head.
"Sa kompanya ka niya nagtatrabaho? Kailan pa? 'Buti tinanggap ka niya roon?"
"Well... Let's just say, I have my twin and her name is lucky,"
Twin and her name is lucky, my ass. Sa una lang naman ako swinerte. Pero sa trabaho? Letse lang. Ang duga-duga ko na!
"Sira. Pero seryoso talagang tinanggap ka roon? Si Lucas ang tumanggap sa'yo?"
"Well..." I smirked.
"Paano mo nagawa 'yon? Inakit mo 'no?"
Humalakhak ako. "Gosh, of course not! Dinadaan lang niyan sa lambing na salitaan, Reign."
"Walanghiya! Kumagat si Lucas sa'yo?"
"What are you implying by that, huh?"
Siya naman ang tumawa ngayon. "Tapos? Kumusta naman? Ayos lang ba roon?"
"Ayos lang naman. Wala nga akong trabaho. Parang nagpunta lang ako roon para rumampa at manggulo."
Tumawa siya. Ngumisi ulit ako.
"You know, since I didn't know how to work there, wala akong ginawa roon kundi manggulo lang talaga, Reign. Hindi ko naman sinadyang pumalpak pero wala eh. Daming galit sa akin na empleyado roon, alam mo ba? Napaka useless ko raw at walang alam. E, ano namang magagawa ko? Sa tinanggap ako ng boss nila, e!"
Tumawa ulit siya at hinampas ang kamay ko. "Baliw! Mabuti't hindi nagalit sa'yo si Lucas?"
"Hindi! Hindi naman nagagalit 'yon! Ganoon naman talaga siya. Ang haba talaga ng pasyensya. Nga lang, mukhang napikon ko siya lately dahil sa mga kapalpakan ko. Araw-araw nalang kasi yata may report sa kanya ang mga empleyado tungkol sa akin. I was just so glad na kahit ganoon, sobrang kalmado niya pa rin. Hanggang ngayon kahit wala na kami, hindi niya pa rin magawang magalit sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/109349976-288-k130771.jpg)
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...