Love 15

101 4 0
                                    


Chapter 15

I'm Sorry

After wearing another shirt and cleaning myself, pumunta ako ng stock room kung saan sinigurado kong nag-iisa lang ako. Holding the script, sinubukan kong tawagan si Lucas. Hindi na nakapatay ang phone niya. Nagri-ring na lang iyon pero hindi niya sinasagot kaya nagtext na lang ako.

Me:
Please, answer my call. Hear me out, please. I need your help.

I blew a deep breath and stared at the script. I'm sure it's nice to practice the lines with him. Tumunog ang cellphone ko sa isang text at halos mapatalon sa saya.

Lucas:
Where are you?

Hindi na ako nagreply. Tinawagan ko na siya at lumaki ang ngiti ko nang mabilis siyang sumagot. I cleared my throat and start reading the sensitive lines with voice full of emotions and terrifics. Sinigurado ko talagang makatutuhanan ang mga lines. I really give my very best push in acting.

"Nasaan ka–"

"No, h-huwag, please. Pakiusap... Bitawan mo ako,"

Natahimik ang kabilang linya.

Pumikit ako nang mariin. "Nagmamakaawa ako... Please, please. Pakawalan mo na ako. A-Andami ng nag-alala sa akin. Ang mga magulang ko... ang mga kaibigan, maawa ka sa akin."

"Where that fuck are you?"

Humikbi at umiyak ako nang totohanan. It's just easy. Maybe because I want to cry out my frustrations these past days too.

"M-Maawa ka sa akin, Jimboy, please... Pakawalan mo na ako!"

"Who the fuck is Jimboy?! Shaireen!" I heard his so much frustration.

"Saklolo! Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! Aaaaahh!" I screamed terrifyingly.

"Fuck! Fuck! Where are you?! Hang in there, please. Hang in, baby..."

Humikbi lang ako ng humikbi, nagsisisigaw ng nagsisisigaw. I heard an engine roaring loudly and then a loud crash from Lucas' line. Seconds after, I heard Lucas painful groan. Humina ang iyak ko pero nang marinig ko ang nag-aalalang boses niya para sa akin ay muli akong napaiyak.

"Shh... Hang in, there. I'm gonna get you. Please, give me clue where are you, baby..." he said and groaned again, parang hirap na hirap.

Hindi ko alam kung bakit nahehele ako nang sobra sa napakalambing niyang boses. Naiyak lalo ako. Acting lang dapat 'to pero bakit mas lalo kong gustong maiyak na lang para lambingin niya?

Hindi ko na magawang magsalita. Iyak na lang ako ng iyak. Para talagang tanga. Masyado akong nadala. Pinanindigan ko na yata sa pagkakataong ito ang pagiging mahusay na artista.

Puro mga kaluskos ng kung ano ang naririnig ko sa kabilang linya. Lucas didn't hang up. I didn't too. I wanted to feel him even if I didn't hear his voice. Basta ang naririnig ko lang ay iilang grunts niya at ang malalakas na kalabog ng pinto na parang isa-isang pinagbubuksan.

"Fuck... where are you, baby..." it was a whispered.

Ilang sandali pa'y bigla ko ng narinig ang mga yapak. Seconds after, malakas na bumukas ang pinto at iniluwal no'n ang hingal na hingal at punong-puno na pag-aalalang si Lucas. Nagdiwang agad ang kung ano sa kalooban-looban ko.

I wiped my tears and stood up happily. Nakangiti akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Shaireen..." He looked at me with full of worry at agad na niyakap ang beywang ko. "What happened? Are you okay? Nasaan iyong Jimboy?"

Sumilip pa siya sa pinanggalingan ko. I shook my head and smiled more. Tumahan na ako sa pag-iyak at ngayo'y ngiting-ngiti na sa kanya.

"How was my acting? Okay ba? Bagay ba sa akin? I vo-voice over lang 'yon mamayang gabi at ako rin ang gagawa kaya sinubukan ko. Kumusta? Bumagay ba ang boses ko?" maligaya kong tanong.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon