• Prologue •

4.1K 158 64
                                    


Inilibot ko ang paningin sa napakagandang paligid.

"Nasa'n ba 'ko," Napakamot ako sa ulo. Umikot ako para mas mapagmasdan ang paligid.

Napapalibutan ng matataas na puno na kulay dark at light green na mga dahon. Malalago at sumisilip ang sinag ng araw sa mga ito. Sa gilid ko ay isang malinis na kulay asul na ilog at sa gilid nito ay mga bato bato at maliliit na makukulay na bulaklak.

"Tek---WAHH!!" magsasalita pa sana ako ng biglang may tumulak sa akin sa ilog!

Mabuti nalang at hanggang tiyan ko lang ang tubig at buti nalang talaga sobrang linis! Kaya ngayon basa na ang kalahati ng katawan ko!

Hinarap ko ang taong tumulak sa akin at nakitang tumatawa pa ito.

Tinuro ko sya. "Hoy! Bwisit ka! Ba't ang lakas ng trip mo, Inaano ba kita?! Bakit mo ako tinulak?! Adik ka ba?!" Gigil na gigil na sabi ko don sa lalaki.

Hindi siya nagsalita. Tumigil siya sa pagtawa. Kumunot ang noo at seryosong tumingin sakin.

Nagtaas ako ng kilay at nilagay ang kamay sa baywang habang pinagmamasdan ang lalaki. Maputi siya at matangkad. Kulay brown ang buhok niya ganun na din ang mga mata niya. Matangos ang ilong at manipis ang labi na mamula-mula.

Napatingin ako sa suot niya. Nakasuot siya ng loose white na long sleeve, sa ibabaw nito ay may brown vest. Nakusuot din siya ng white pants at black boots na mahaba hanggang ilalim ng tuhod niya. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang nakalagay sa baywang niya. Ano 'yon...esapada?

Maya maya ay tinuro na niya din ako.

"Hoy, Ikaw.."

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang basa kong mga kamay. Basang basa na talaga ako at ang lamig pa ng tubig!

Lumapit siya ng kaonti malapit sa ilog kung nasaan ako at lumuhod siya gamit ang isang paa niya sa damuhan para makapantay ako. Nakapatong ang braso niya sa isang tuhod niya. Mariin siyang nakatitig sa mga mata ko.

Napatitig din ako doon. Napakurap kurap. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Bakit mo ako sinigawan? Hindi mo ba ako kilala?" Seryosong tanong niya sakin dahilan kung bakit bumalik ako sa realidad. Nagsalubong ang kilay ko.

Nagreklamo siya dahil sinigawan ko siya, eh kung sampalin ko kaya siya dahil tinulak niya lang ako ng walang dahilan?

"Eh, gago ka pala, eh! Tinulak mo akong siraulo ka tapos magtataka ka dahil sinigawan kita? Anong gusto mo magflying kiss pa 'ko sayo? Ulul!"

Kumunot ang noo niya. "Lapastangan ka! Wala kang karapatang sabihan ako ng mga ganyang salita! Hindi mo ba ako kilala?!" Mukhang inis na din na sabi niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Pwede ba?! Wala akong pakielam kung sino ka! Wala akong pakielam kung sayo pa 'tong gubat na ito o kung ikaw man ang hari ng gubat na 'to! basta WALA AKONG PAKEEEE!!"

Nag-echo sa buong gubat ang huling sinabi ko dahilan para magliparan ang mga ibon na nasa puno.

Napatingala ako sa mga nagliparang ibon.

Umihip ang malamig na hangin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Nakaramdam ng takot.

At kasabay ng takot na iyon ay ang pag tayo ko mula sa kama. Butil ng mga pawis ang lumabas sa gilid ng noo ko. Habang habol ang hininga ay may nag bukas sa pintuan.

Hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa pag alala ng napanaginipan ko kani-kanina lang. Ang mukha ng lalaking nasa panaginip ko ay unti unti ko nang nakakalimutan. Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mia, Ayos ka lang ba? May napanaginipan ka na naman?" nag aalalang tanong ng kaibigan kong si Cindy ng makalapit siya sa kama kung nasaan ako. May dala dala siyang baso ng tubig at agad iyong binigay sa akin.

Tumango ako bago iyon tinanggap at diretsong ininom.

"'Yung lalaki pa rin ba?" muling tanong niya. Tinitigan ko siya.

Napalunok ako at muling tumango. "Oo, pero sa pagkakataong ito... Mukhang unang pagkikita namin iyon." napasinghap siya sa sinabi ko.

"Nakita mo na yung mukha o blurred pa rin?"

"Nakita ko yung mukha niya, pero nakalimutan ko na," sagot ko. Nakita ko ang panghihinayang niya.

"Pero teka, anong nangyari sa panaginip mo?"

Pilit kong inalala ang napanaginipan ko. "Tinulak niya ako sa ilog tapos nag away kami."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung naniniwala siya o hindi.

Hindi na lang ako nagsalita.

Nag iwas ako ng tingin at napakurap. Yung mukha niya nakalimutan ko.. Pero ang kaniyang malalim na boses at 'di pamilyar na damit ay nanatiling naaalala ko pa sa ngayon.. Pati ang ginawa niyang pagtulak sa akin sa ilog. Ang pag lapit niya sa akin. At kung paanong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaniya.

Nitong mga nakaraang buwan ay palagi akong may napapanaginipan. Mga eksenang hindi ko na matandaan sa ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako..

Isa lamang ang taong nasa panaginip ko.

Pero, sino siya?.. Totoo bang nangyari ang mga nasa panaginip ko? Nasaan siya? Totoo ba siya?..

______

When I Enter His World

Written by: Mizzy Kim

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon