Chapter One

1.7K 24 0
                                    

Lumina's Point of View

"Lumina! Come here!"

Agad naman akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Gelo. Nakaharap siya sa isang monitor.

"What's the matter?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

"It's turning red. Look" tiningnan ko yung tinuturo niya at nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong bilog na kulay pula na umiilaw sa monitor. Binasa ko ang lokasyon nito.

"Dark University"

Yan ang basa ko sa address na nakita ko. Dark University? What the hell is that? A school? Dark? Really?

"Nag-aaral pa ba ang gagong yun?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Posible pero maaari ring may target siya sa paaralang yan" napaayos naman ako ng tayo dahil sa sinabi ni Gelo.

Target. Another?

Naiyukom ko na lang ang kamao ko at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

"I fucking need to capture him Gelo" kalmado pang saad ko. Nakita ko siyang tumango.

"Pero paano?"

Tumingin naman ako sa kanya at ngumisi.

"Be a student there"

********

Sinamahan ako ni Gelo kay Barbara. Barbara is my mother. At siya ang namamahala ng Phoenix. Ang Phoenix ay isang organisasyon.

"Barbara" tawag sa kanya ni Gelo. Tanging Barbara lang ang tawag namin sa kanya because that what she wants. Casual thing. Ewan ko ba anong pumasok sa utak ng ina ko.

"Oh Gelo, Lumina, anong kailangan niyo?" nakangiti niyang sabi nang makapasok kami.

"Barbara we need your help. Kailangan naming pumasok ni Lumina sa Dark University" nagsalubong naman ang kilay ni Barbara.

"Papasok? Hindi ba't graduate na kayo ng college? Masyado na ba kayong bored sa buhay at gusto niyong mag-aral ulit?" napapoker face na lang ako sa sinabi ni Barbara.

Yes graduate na kami ng college. We're just twenty years old pero graduated na kami agad dahil accelerated kami. Pero kung hindi naman, siguro ay nasa third year pa lang kami.

"Shadow is in there" saad ko dahilan ng pagkaseryoso ng mukha niya.

"Are you sure?" tumango naman kami ni Gelo.

"Kanina lang, na-activate ang locator at nasa Dark University ang location niya. Mabuti na lang at nagawang i-install ni Iñigo ang tracker kay Shadow"

Napayuko naman ako nang marinig ko ang pangalan niya. Iñigo.

"We know Shadow, imposible namang mag-aral siya" saad ni Barbara.

Shadow is an assassin of Ring of Fire. Ring of Fire is an organization. A cruel organization. They are the ones who targeted gangs and mafia's and kill them for their own benefits. Pumapatay sila bilang kapalit ng pera at kayamanan. Bukod sa Ring of Fire, meron pang Black Temple at sila ang nag-uutos kung sino ang magiging target ng Ring of Fire. At sila rin ang nagbibigay ng pera at kayamanan sa Ring of Fire.

That's why we are formed. The Phoenix. Si Barbara noon ay minsan nang naging biktima ng Ring of Fire dahil isa siyang reaper dati. Pero nabuwag na ang organisasyon nila. Pumunta siya sa nakatataas at inilakad ang petisyon niya na bumuo ng organisasyon na kakalaban sa Ring of Fire at Black Temple. Pinayagan siya ng nakatataas dahil gusto na rin nilang mahuli ang nagpapalakad sa Black Temple.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon