Lumina's Point of View
Lagpas tanghali na rin nang makarating kami sa resort nila Seth. Malayo-layo talaga ito.
"Akala ko bang pinareserve mo ito? Bakit may ibang tao pa rin?" tanong sa kanya ni Hans nang makababa kami sa van. Napakamot naman si Seth sa batok niya.
"Sorry guys, hindi na-approve na tayo lang dito eh. Pero nakapagpareserve naman ako ng villa para sa atin" sabi ni Seth.
"It's okay. As long as may tutuluyan naman tayo" sabi ni Gelo.
Kinuha na namin yung gamit namin sa compartment ng van. Hindi naman madami ang dala namin dahil three days and two nights lang naman kami. Uuwi din kami sa Linggo.
Nang makuha namin yung mga gamit namin, may nag-assist sa amin papunta sa villa. Two storey ang villa at may dalawang kwarto. So syempre, nakahiwalay kaming mga babae sa lalaki. Nagpunta muna kami sa kanya-kanyang kwarto para mag-ayos at magpahinga sandali.
"Hoy ano Hannah, gusto mo sayo lahat ang kama!?" napangiwi ako nang marinig ang mataas na boses ni Val.
"Pagod ako Valerie. Huwag kang makatak diyan" sabi ni Hannah habang nakahiga.
"Umayos ka kasi ng higa! Hindi lang ikaw ang pagod dito!"
May dalawa kasing kama rito. Ang isa ay king size tapos yung isa naman ay single bed lang at iyon ang kinuha ko. Ayokong may katabi lalo na kung si Val at si Hannah ang kasama ko. Malikot matulog si Val at maarte naman itong si Hannah. No hate, just stating.
Umikot ang mga mata ni Hannah at umayos naman siya ng higa. Hindi ko talaga akalain na kasama namin siya ngayon. Parang kailan lang ay gusto akong ipabugbog ng isang ito. Pero ni minsan naman ay hindi ako nagalit sa kanya and seeing her now, mukhang maayos naman siya kasama kahit mataray siya. And makikita mo ring hindi siya fake at yun ang nagustuhan ko sa kanya.
**************
"My ghad! Nakalimutan ko yung swimwear ko!" napatingin naman ako kay Valerie.
"Seriously? Alam mo namang sa beach tayo pupunta tapos iniwan mo?" nakacross-arms at nakataas kilay na sabi ni Hannah.
"Correction. Hindi ko iniwan, nakalimutan. NAKAlimutan!"
Nagpunta si Hannah sa dala niyang travel bag at may kinalkal doon. Nang makita niya yung hinahanap niya, ibinato niya ito kay Valerie. Nasalo naman ito ni Val at ibinulatlat ito. It's a onepiece swimsuit na kulay pastel blue.
"Ayan. Gamitin mo na yan. May dala pa naman ako"
Woah. First time ko atang narinig na hindi nagtaray si Hannah.
"Himala! Pero salamat ha!" nakangiting sabi ni Valerie. Magkakatawan lang naman sila halos ni Hannah at sigurado akong magkakasya naman sa kanya yun.
"Hindi yan libre no!" ngumisi lang si Valerie at tumalon sa tabi ni Hannah at inakbayan siya.
"Aish! Bitiwan mo nga ako!"
"May tinatago ka pa lang bait ha. Ipagpatuloy mo yan" umikot naman ang mata ni Hannah.
"Manahimik ka nga diyan"
"Sorry" natigilan naman ako maging si Hannah nang magsorry si Val.
"Sorry saan?" tanong ni Hannah.
"Noong una nating pagkikita. Nasabihan kitang mukhang paa atsaka retokada. Ginawa ko lang yun para inisin ka kasi naman inaaway mo si Lumina. Pero alam mo, maganda ka naman at alam kong hindi ka retokada. We are naturally-born beautiful bitches! Right Lumina?" natatawa na lang akong tumango sa sinabi ni Valerie.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AcciónI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.