Valerie's Point of View
Nagsalubong ang kilay ko pagpasok ko ng room dahil nakita kong bakante ang upuan ni Lumina. Si Primo lang ang nandun at nakabusangot ang mukha nito. May bago pa ba doon? Pero teka nga, absent si Lumina?
Oras na rin oh. Hindi ba siya papasok ngayon? Wala naman siyang sinabi na hindi siya papasok ah. Nagpunta naman na ako sa upuan ko which is sa tabi lang naman ng pinsan ko.
"Psst pinsan, nasaan si Lumina?" itinaas naman niya ang mga balikat niya.
"Hindi ko rin alam. Akala ko nga magkasabay kayo"
Hmm. Ang daya naman nun! Dapat sinabi niya kung mag-aabsent siya para nag-absent din kami! Nakakatamad kayang pumasok.
**************
"Oh panget, napano ka? Bakit parang hirap kang maglakad?" natatawang tanong ko kay Seth. Naglalakad kasi kami papunta sa cafeteria. Si Gelo naman nakikipag-usap kay Hans at ito namang si Primo nananahimik lang at para bang ang lalim ng iniisip.
"Masakit ang katawan ko panget" saad niya at humawak pa sa may bandang tagiliran niya.
"Ano na naman bang ginawa mo?"
"Wala ka na dun" sagot niya at nauna na sa paglalakad. Psh.
Naghanap naman na kami ng table at nang makahanap kami. Umupo na kami sa upuan. I am one of the boys ngayon dahil wala si Lumina. Madaya talaga ang isang iyon. Hindi ko nga expect na magiging close namin itong Nightmares. Well hindi pa naman talaga sobrang close. Tama lang.
Nakita ko naman si Hannah na mag-isang nakaupo sa isang table. Aba himala? Mag-isa lang siya ngayon ah. Nasaan ang mga kasama niya? Napangisi na lang ako. Serves her right. Tigas kasi ng ulo eh.
"Nasaan nga pala si Lumina? Bakit wala siya?" tanong ni Hans.
"Ikaw ha, lagi mo na lang hinahanap si Lumina. May gusto ka sa kanya no?" asar ni Gelo sa kanya.
"Gago wala. Nagtataka lang ako kung bakit wala siya ngayon" Gelo's shrugged and so do i.
"We don't know too. Hindi naman siya nagpasabing hindi siya papasok ngayon" sagot ko kay Hans.
"A-aray ko"
Lumingon naman ako sa gilid ko nang marinig kong dumaing si Seth. Napano ba ang isang ito at parang sobrang sakit naman ata ng katawan niya? Nakipagbugbugan ba ito? Mukhang sakit na sakit siya dahil hindi siya nakikipag-away ngayon eh.
Dumating na ang mga pagkain namin at akmang kukuha na kami ng pagkain nang biglang tumayo si Primo.
"Saan ang punta natin dude?" tanong sa kanya ni Hans.
"Somewhere" yan lang ang isinagot niya at naglakad na palayo. Nagkatinginan naman kaming apat.
At muli, nagkibit balikat na lang ako at kumain na.
Lumina's Point of View
"Lumina ayaw mong magpahinga? Kanina ka pa nasa training room" binalingan ko naman ng tingin si Carlos na pumasok ss training room. May dala siyang tray na may lamang tubig at pagkain.
"Pinapadala ito ni Barbara. Kumain ka muna raw" saad niya at inilapag ang tray na dala niya sa isa sa mga bench dito sa training room. Tumango lang ako at itinigil ang pagsuntok ko sa punching bag. Wala akong pake kung may sugat pa ako ngayon sa kamao ko, basta ang unang pumasok sa utak ko paggising ay ang magtraining.
Lumabas naman na siya ng training room at ako naman, umupo muna ako at uminom ng tubig.
Hindi ako pumasok ngayon dahil wala akong ganang pumasok at isa pa, naiinis pa rin ako sa nangyari kagabi. Naiinis ako dahil nakawala ang gagong yun. Hindi rin nawala ang mga mata niya sa isip ko. I swear na nakita ko na ang mga iyon. Hindi ko lang lubos na maisip kung saan.
Matapos kong uminom, nagpalit na ako ng damit at nagpunta sa Private Unit. Napangiti naman ako nang makita ko siya kahit wala pa siyang malay. Lumapit ako at tumabi sa kanya.
"Iñigo, alam mo bang muntik ko nang mahuli ang may gawa sayo nito? Sayang lang at nakawala siya"
Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya na nasa harapan ko at kinuha ito at dahan-dahang pinaglaruan.
"But i promise you, hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahuhuli"
Gusto kong paggising ni Iñigo, nahuli na si Shadow. Dahil alam kong sa oras na magising siya, hahanapin at hahanapin niya si Shadow. At ako na ang gagawa nun para sa kanya.
Hindi naman ako nahuli ni Barbara kagabi dahil nag-overtime siya rito sa Headquarters. May inaasikaso daw sila. Saktong pagpasok ko sa kwarto ay siya namang pagdating niya sa bahaya kaya nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at humiga sa kama at magkunwaring tulog.
Bumukas ang pinto ng private unit at nakita ko ang pagpasok ni Barbara. Ngumiti naman siya.
"Namimiss mo na siya ano?" isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya at tumango.
"Huwag kang mag-alala Lumina. Gigising din yang si Iñigo. Kilala ko yan, hindi yan basta-basta mamamatay" gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Barbara.
"Lumabas ka muna dahil may naghahanap sayo" kumunot naman ang noo ko.
"Sino?" takang tanong ko sa kanya.
"Lumabas ka na lang. Kanina pa ako tinatawagan nun kung nasaan ka. Labasin mo na lang"
May naghahanap sa akin? Sino naman? Tumayo naman na ako at bago ako lumabas, hinalikan ko muna ang noo ni Iñigo. Lumabas na ako ng headquarters at nakita ko ang isang kulay gray na mustang sa harap. Nakatayo doon ang isang lalaking prenteng nakasandal sa sasakyan at nakakunot ang noo.
Anong ginagawa nito rito?
Nawala ang pagkakunot ng noo niya nang makita ako at napaayos ito ng tayo. Naglakad naman na ako palapit sa kanya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Why are you absent today?" tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ako ang nagtatanong sayo asshole. Bakit nandito ka?" bumuntong hininga naman siya.
"To clear things" nagsalubong naman ang kilay ko. Clear things?
"Are you mad at me?" natigilan naman ako sa itinanong niya.
Agad na pumasok sa utak ko yung kagabi dahil sa tanong niya. Yes oo galit talaga ako kagabi dahil kay Shadow pero hindi naman ako nagalit sa kanya. Nacarried away lang ako ng emosyon ko kagabi.
"I'm sorry Lumina" muntik na akong mapasipol nang marinig ko ang sinabi niya.
He said sorry and just called my name? Minsan talaga hindi ko na maintindihan itong si Primo.
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo na pupunta ako sa Battle Field. Pangako, sasabihin ko na sayo kung sakali mang pupunta ako ulit doon" napangisi naman ako.
"Why say sorry? Hindi naman ako galit" kumunot naman agad ang noo niya na mas lalong nakapagpangisi sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Linunok ko pa man din ang pride ko para magsorry sayo"
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Nakita niya yun at nakita ko na naman na natigilan siya.
"Well, dapat lang naman talaga na magsorry ka. Basta simula ngayon, dapat alam ko kung saan ka man pupunta. Understand?" parang bata naman siyang tumango.
"Okay ka na ba?" bakas sa boses niya ang pag-alala kaya bahagya akong natigilan. Nag-aalala ba siya sa akin?
Tumango na lang ako.
"Yeah. I'm fine"
Nakita kong parang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. Naging tahimik naman sa pagitan naming dalawa hanggang sa siya na ang bumasag.
"Can i ask you something Lumina?"
And for the fucking nth time, natigilan na naman ako. Bakit ba nabibigla pa rin ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko? It's just that, hindi ako sanay.
"Ano?"
Tumingin naman siya ng diretso sa akin.
"Who is Shadow?"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AksiI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.