Chapter Eight

421 13 0
                                    

Lumina's Point of View

Napaayos naman ako ng upo nang bumukas na yung pinto. Pumasok si Primo na may kasamang isang lalaki na may katandaan na rin. Lumapit si Primo sa akin.

"Natapos mo?" tumango naman ako at binigay sa kanya yung folder. Tumango naman siya at kinuha rin yung mga inayos niya kanina. Binigay na niya ito kay Mr. Ron at may kung ano lang silang pinag-usapan. Hindi ko naman na iyon pinakinggan pa.

Sumenyas naman si Primo na lalabas na kami kaya binalik ko na yung swivel chair at sumunod sa kanya. Nakangisi naman akong lumabas ng dean's office.

Thanks to him.

I got what i want.

**********

Pagkauwi ko sa bahay, binuksan ko kaagad yung phone ko dahil nandito yung list. Pinicturan ko lang naman. Hindi ko pwedeng dalhin yung booklet dahil makakahalata si dean panigurado. At kung magkataon, ako ang unang-una sa listahan niya dahil tinanong ko siya noon about sa list ng transferees.

Binasa ko naman na yung mga nandito sa listahan. Kada isang page kasi, isang student. Pangalan lang naman ang nakalagay then information tungkol sa student pero walang picture. Tsk. Bakit walang pics?

Kada lipat ko ng image sa phone ko, napapamura na lang ako dahil puro babae naman ito. Bukod sa amin ni Val at Gelo, puro babae na ang nakikita ko. Hanggang naiwan ako sa last page.

Lance Reyes.

Napaawang ang bibig ko nang mabasa ko ang pangalan ng taong minamanmanan namin. Siya lang kaisa-isang lalaking transferee sa Dark University bukod kay Gelo. Mas lalo tuloy akong naghinala. Nakalagay dito ang mga information tungkol sa kanya.

Nagfocus lang ako sa address niya. Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko. 9:36 pm. Pwede pa akong lumabas. Nakakatuwa mang isipin pero may curfew din ako no. Eleven o'clock ang curfew ko. Malay ko ba kay Barbara at naisipan niya pang magbigay ng curfew. For goodness sake, i'm already twenty years old and i am trained to be a reaper.

Nagsuot ako ng black denim jeans at kumuha ako ng isang black hoodie. Sinuot ko yung hoodie at nagsuot pa ako ng cap. Iniwan ko yung relo ko dahil may tracker iyon at nagsuot ako ng ibang relo. Kinuha ko rin ang wallet ko. Baka malaman ni Barbara na umalis ako ng bahay. Sangkaterbang sermon na naman ang aabutin ko sa kanya kung sakali. Nagdala ako ng isang baril at nilagyan ko ng silencer. Dumaan ako sa bintana ko para masaya.

May mga bodyguard sa harap kaya sa likod ako dumaan. Umakyat ako sa isang puno atsaka tumalon palabas ng pader. Since hindi ako makakagamit ng sasakyan, magtataxi na lang ako. Sakto at may nakita akong taxi sa daan kaya sumakay na ako. Nagbayad naman ako sa driver nang marating ko na ang destinasyon ko. Nasa harap ako ngayon ng isang two storey na bahay pero sakto lang ito. Hindi kalakihan at hindi rin naman kaliitan.

Nothing strange sa bahay dahil hindi naman ito naiiba. May mga kapatibahay rin naman sila. Wala na ring nakabukas na ikaw bukod sa ilaw dito sa gate. Baka tulog na. Wala silang bodyguard kaya malaya kong binuksan ang gate nila at sinara ito. Ineexpect kong may censor ang gate nila, yung tipong tutunog kapag may nagbukas na ibang tao pero good to say wala naman.

May veranda sa taas. Nag-isip naman ako ng paraan kung papaano ako makaka-akyat doon. Nagpalinga-linga ako sa bakuran nila hanggang sa may nakita akong hose sa may bermuda grass. Kinuha ko ito at inihagis sa may veranda. Unang attempt ko ay nalaglag ito pero nung pangalawa, sumabit na ito sa handle ng veranda. Bali hinila ko ang kabilang dulo ng hose hanggang sa magpantay sila ng kabilang dulo. Nang magpantay na sila, hinawakan ko na ito at nagsimula nang umakyat. Para ako ngayong nangwa-wall-climbing.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon