Third Person's Point of View
Nanginginig ang mga kamay ni Lumina nang makarinig ng pagputok ng baril.
"P-primo!" napaluhod na lamang siya nang bumagsak ang katawan ni Primo sa baba. May tama ito sa may bandang tiyan.
"Sa tingin mo ba ay makakatakas ka na?"
Hindi pinansin ni Lumina ang sinabi ni Gregor. Nakatingin lamang siya kay Primo habang hawak ang tiyan nitong dumudugo.
"T-tangina Primo. Yan ka na naman eh" lumuluhang saad nito. Hinawakan ni Primo ang kamay ni Lumina nang makita niyang papalapit sa kanya si Gregor.
"U-umalis ka na" agad siyang umiling.
"Hindi ako aalis dito!" matigas niyang sabi.
"Mabuti naman kung ganun" hinila ni Gregor ang braso ni Lumina at sapilitan itong pinatayo. Napadaing naman si Lumina dahil sa sakit ng katawan. Hindi binitiwan ni Primo ang kamay ni Lumina kaya naman tinadyakan siya ni Gregor para mabitiwan ito.
"F-fuck you G-gregor!" gigil na pahayag ni Lumina. Itinulak siya ni Gregor kaya natumba ito. Wala siyang ibang magawa kundi ang tingnan lang ito ng masama. Lumuhod si Gregor para magkalevel sila at nanlaki ang mga mata niya nang makitang may nilabas na syringe.
"Tapos na ang dalawang oras Lumina" ngising sabi ni Gregor at itinusok ang syringe kay Lumina.
"N-no!"
"D-damn it! Lumina!"
Gustuhin mang puntahan ni Primo si Lumina ay hindi niya magawa dahil sa kalagayan ng kanyang katawan.
"Isa pa" ngising sabi ni Gregor at may itinurok na namang malaking syringe sa balat ni Lumina. Napadaing na lang si Lumina at lakas loob niyang tinabig ang kamay ni Gregor kaya nabitiwan nito ang pagkakahawak sa syringe.
"Aba't nanlalaban ka pa ha!"
Namilipit sa sakit si Lumina nang sikmuraan siya ni Gregor.
"L-lumina..." wala ng ibang nagawa si Primo kundi banggitin na lamang ang pangalan ng dalaga. Marami na rin ang dugong nawala sa kanya.
Nakahiga na si Lumina sa lupa at naghihingalo. Tila ba ay anumang oras ay kakapusin na siya ng hininga. Mas naging dark pa ang pagiging kulay violet nito at ang mga ugat niyang nagsisilabasan ay animo'y puputok na. Natapos na ang dalawang oras kaya naman ay umepekto na talaga ng lubusan ang Lethal Serum.
Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ni Gregor nang makuha na niya ang gusto niya. Itinago na niya ang mga syringe na may lamang dugo ni Lumina sa isang maliit na case. Ang dugo rin nito ay halos kulay itim na at hindi kulay pula. Tumaho na si Gregor at ikinasa ang baril nito.
"Kailangan mo nang mamamayapa" sabi ni Gregor at itinutok ang baril kay Lumina.
Wala nang nagawa si Lumina kundi ang titigan na lang si Gregor na may hawak ng baril habang nakatutok sa kanya. Nagsisituluan na rin ang mga luha nito.
"L-lumina!"
Mas lalo siyang naiyak nang marinig niya ang garalgal na boses ni Primo nang tawagin siya nito.
'Katapusan ko na ba?'
Napamura na lang siya sa kanyang isipan.
'Hindi. Hindi pa ako pwedeng mamatay'
Huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling makaupo.
"Matibay ka talaga Velarde. Nagmana ka sa ama mo. At ilang sandali na lang, magkikita na kayo"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.