Lumina's Point of View
What the fuck is happening?
Nandito ako ngayon sa tapat ng dagat at hindi pa rin ako mapalagay sa sinabi ni Gelo.
"It's the villa where we are staying right now"
Para akong naestatwa sa narinig ko. Hindi ako makagalaw. Pero parang expected na ni Gelo na ganito ang magiging reaction ko.
"I have the same reaction nung nalaman ko ito. I've searched the whole villa pero wala namang ibang tao doon bukod sa atin"
Tangina. Si Shadow? Kasama lang namin sa villa?
"Lumina kasama lang natin siya. All this time malapit lang sa atin si Shadow"
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi pero alam kong dapat. Si Shadow na ang usapan dito.
Napasuklay na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration.
"Gelo bumalik ka sa loob. Bantayan mo ang mga kasama mo sa kwarto. Obserbahan mo ang bawat galaw nila"
"Sige Lumina"
Bago siya umalis, pinat niya muna ang balikat ko. Nagpa-iwan muna ako rito para magpahangin. Kailangan kong makalanghap ng hangin dahil sa nalaman ko.
And until now ang hirap pa ring iproseso sa utak ang katotohanan na si Shadow ay kasama lang namin sa iisang villa. Sino sa kanila? Si Seth? O si Hans? Imposibleng si Primo at si Gelo kaya eliminated na silang dalawa. Damn it! Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip kung sino ba talaga siya.
Shadow.
Hindi ko na muna pinroblema kung sino, ang tumatakbo sa isip ko ngayon ay si Primo.
Paano kapag nalaman niya ang tungkol dito? Paano kapag nalaman niyang isa sa mga kaibigan niya ang gustong ipahamak siya? Na isa sa mga kaibigan niya ang binabalik-balikan siya para sa lintik na bag na yun? Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Kahapon, kanina, masaya naman kaming lahat. Pero bakit ganito? Bakit biglang may dadating na ganitong balita?
"Mag-iingat ka sa mga taong malapit sayo"
Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maalala ko na naman yung sinabi nung matanda sa akin. Fuck. Ang creepy pero tangina, nagkakasense na ngayon yung sinabi niya. I don't care if that's just a wild guess or a mere statement but heck, it's accurate for this situation.
Pero hindi dapat ako sinabihan niya nito, kundi si Primo.
"You are stressing yourself again"
Speaking of.
Iginliid ko ang ulo ko at nakita ko siya na nakatayo na rin sa tabi ko.
"Bakit nandito ka pa sa labas? Akala ko bang gusto mo nang matulog?" tanong niya sa akin. I just sighed.
"Hindi ako makatulog. Biglang nawala ang antok ko"
Dahil sa nalaman ko.
"Ikaw? Bakit gising ka pa?" balik tanong ko naman sa kanya.
"Nakita kasi kita" bahagya naman akong napaismid sa sinabi niya.
Pero nawala rin yun nang pumasok na naman sa utak ko yung sinabi ni Gelo kanina. The fuck. Mukhang hindi ako mapapalagay roon.
"Primo..." tumingin naman siya sa akin at bahagyang ngumiti.
Those smiles. Fuck! Makikita ko pa ba iyon kapag nalaman niya ang totoo?
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.