Lumina's Point of View
"Ano? Hindi pa ba na-activate?"
"Chill ka lang Lumina pero wala pa rin"
I just sighed at sumubo ng chips na kinakain ko rito sa cafeteria. Breaktime na kasi at dahil nagugutom na kami, dito na kami dumiretso.
Kailangan ko talagang makuha ang list ng mga transferee para hindi na kami mahirapan pa. Eleven kami lahat so bali kapag nakuha ko ang listahan, kailangan ko lang bantayan ang siyam na transferee. If ever na may babae man, eliminated na sila agad sa list dahil lalaki si Shadow.
"Nag-observe ako kanina sa room Lumina pero wala naman akong nakitang kakaiba sa mga kaklase natin. Sa tingin ko hindi natin siya kaklase"
Napatango naman ako.
"Either me. Wala rin akong napansing kakaiba" saad ko.
Halos buong discussion ata ay nakatuon lang ang pansin ko sa mga kaklase ko. Ni hindi na ako nakikinig sa professor. Eh bakit ba? Napag-aralan ko naman na yung mga sinasabi niya. Ang kinuha kasi naming course ni Gelo ay yung course na kinuha rin namin dati para hindi na kami mahirapan pa.
"Fucking get out of that place!"
Napalingon naman ako sa gitna ng cafeteria nang biglang tumalsik ang isang lalaki. Napa-asshole na lang ako nang makita ko yung seatmate ko na tinulak yung lalaki na nakaupo sa table kanina. May kasama siyang dalawa pang lalaki at nakita ko rin sila kanina sa room. Hindi ko nga lang alam ang pangalan.
Halos manginig-nginig na yung lalaki sa takot habang tumatayo ito. At yung seatmate ko naman, prente lang na umupo sa kung nasaan yung lalaki kanina. Sumunod naman yung dalawa niyang kasama. Yung mga estudyante naman, umaktong parang walang nangyari. Mukhang sanay na sanay na nga sila sa mga ganung scenario.
"You deserve that! You slut!"
Naibaling ko naman ang paningin ko sa isang side ng cafeteria nang makarinig ako ng mga tawanan. And there i saw a group of girls who tries to bully an innocent girl. Binubuhusan nila ng juice yung babae at yung babae naman, umiiyak lang at walang magawa.
"Malala pala ang mga estudyante dito" iiling-iling na sabi ni Gelo habang nanonood.
Well, huwag na siyang magulat. Sinabihan naman na kami kanina ni Dean. Habang kumakain, naging observant pa rin ako. Umaasang may kakaiba sa mga nakikita ko. Pero hindi ako makapagconcentrate dahil may nagbabatuhan ng pagkain sa tabi ng table. Nag-aaway ata sila.
"Gago ka!"
"Mas gago ka!"
Si Gelo naman, tumatawa lang at mukhang natutuwa pa sa mga naririnig niya. Ramdam kong may paparating sa akin kaya naman mabilisan kong kinuha ang tray sa lamesa na pinaglagyan ng mga pagkain namin kanina at agad kong hinarang sa gilid ng ulo ko nang makita ko kung ano yung paparating sakin. Tumama doon ang isang slice ng pizza.
Napatingin naman sa akin yung dalawang nag-aaway. Pasalamat sila at hindi ako nadumihan.
"Pwede bang manahimik kayong dalawa? Kung gusto niyong magbatuhan ng pagkain, lumabas kayo. Hindi yung nangdadamay pa kayo ng tao" iritado kong sabi at inirapan sila.
Pero ilang sandali lang, nakita ko silang nakatayo na sa gilid ng table namin ni Gelo.
"Bastos itong babaeng ito ha!"
Napalakas ang boses nung lalaki kaya naman nakahakot siya ng atensyon. Gago. Maging yung seatmate ko kanina ay nakatingin sa gawi ko.
Biglang kinuha ng isang lalaki ang kwelyo ko at sapilitan akong pinatayo. Tatayo na sana si Gelo para umawat nang senyasan ko siyang huwag na siyang makisali.
"Wala kang pake kung gusto naming magbatuhan ng pagkain miss. Maganda ka pa naman kaya lang pakialamera ka" ang dami niyang dada kaya dinuraan ko siya sa mukha.
"Aba gago ka ah!" itinulak niya ako sa table namin kaya nakagawa yun ng malakas na ingay dahil natumba yung table at nagsibagsakan yung mga pagkain namin ni Gelo.
Nakita ko na galit na galit niyang pinunasan yung mukha niyang dinuraan ko.
"Malakas ang loob ng isang yan ha. Maturuan nga ng leksyon" sabat pa nung isa. Napangisi na lang ako nang tumayo sila sa harapan ko. Kwinelyuhan na naman ako nung dinuraan ko.
Damn him! Bakit ba ang hilig niyang hawakan ang kuwelyo ng uniform ko? Lukot na kaya ito!
"Pagbaba------" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang mapwersa kong inilagay ang palad ko sa dibdib niya at tinulak siya. Bigla niyang nabitiwan ang kuwelyo ko at napaatras siya sa table nila at natumba rin ito.
Now, sigurado akong nasa amin na ang lahat ng atensyon nila.
"Aba't loko ka ha!" umaktong lalapit sa akin yung isa pa niyang kasama nang ako na ang naglakad papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at buong pwersa ko itong pinaikot dahilan para pumaikot rin siya at bumalibag sa lapag.
Napahawak naman siya sa likod niya dahil sa sakit. Nakarinig din ako ng mga ohh at aww sa mga estudyante rito. Nilapitan ko naman yung dinuraan kong lalaki kanina at pinulot yung tray sa tabi niya. Nakahawak pa rin siya sa dibdib niya. Tatayo pa sana siya nang malakas kong ihampas ang tray sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay. Tumayo naman na ako at ipinagpag ang kamay ko.
Makalat ang table namin at ang table nila. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa ko. Ramdam ko ang maraming matang nakatingin sa akin kaya naman linapitan ko na si Gelo.
"Let's go" tipid na sabi ko sa kanya.
"Yun lang yun? Wala na bang more?" binalingan ko naman siya ng tingin at nagpoker face.
"Gusto mo pa ng more?" umiling naman na siya at nginitian ako.
"Ito naman biro lang. Nabitin lang ako. Tara na nga!" hinawakan na niya ako sa magkabilang braso ko at tinulak-tulak palayo sa table namin.
"Bitch"
Napatigil naman ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Nilingon ko ang nagsabi nun at napapoker face na lang ako nang makita ko na naman ang magaling kong seatmate.
Ano bang problema niya ha!?
"Hi Lumina! Ang astig mo!" nawala ang atensyon ko kay asshole nang magsalita ang katabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinatawa niya.
"Hindi mo pa nga pala ako kilala no? Seth Francisco ang pangalan ko. Crush mo na ako niyan no?" sabi niya nang may malawak na ngiti. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Gago ka Seth. Tantanan mo nga si Lumina. Mukhang hindi naman yan tatablan ng charms mo" sabi naman nung isa pang katabi ni asshole. Tatlo lang naman kasi sila.
"Hi Lumina. I'm Hans Lamprea. Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko ha. Minsan talaga may saltik sila" natatawang sabi ni Kiko kaya naman sinamaan siya ng tingin nung dalawa. Well, mukhang siya lang ang mukhang matino sa kanilang tatlo.
"Gago! Anong may saltik? At bakit kami lang? Damay mo na rin sarili mo no!" sabi naman ni Seth.
"Will the both of you fucking shut up?" natahimik naman sila nang magsalita na si Zuckery. Yun ang surname niya right?
"Oh-oh, galit na si leader"
Leader? Are they a group or something?
"Ikaw kasi ang ingay mo. Mamaya patalsikin ka niyan sa gang natin"
Gang? Napatango naman ako. So they are a gangsters.
"Hey Lumina, tara na?" napatingin naman ako kay Gelo.
Tumango na lang ako atsaka naglakad kami papalabas ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.