Chapter Thirty Seven

238 6 0
                                    

Lumina's Point of View

Right after ng pangyayari, dumiretso kami sa headquarters. Okay na rin ang pakiramdam ko though may panghihina pa rin pero nakakagalaw na ako ng maayos. Si Primo naman ay nasa private unit para magpahinga dahil may sakit pa rin siya. Nandito kami ngayon sa meeting room.

Katabi ko ngayon si Iñigo at sa kabilang side naman ay si Valerie.

"How's the mission?" tanong ko sa kanila. Tumingin sa akin si Barbara at umiling.

"Nakatunog na naman sila kaya wala kaming inabutan" saad ni Barbara.

What? Again?

"How come? Paano nila nalalaman ang posibleng pag-atake natin?" naguguluhan kong tanong.

"It's because of Carlos Ruego" kunot noo naman akong napatingin kay Iñigo nang magsalita siya.

"What?" hindi makapaniwala kong saad. Inilipat ko naman ang tingin ko kay Barbara at ngayon ay nakikita ko na ang galit sa mga mata niya.

"That scumbag. He betrayed us"

What the hell?

"Nalaman naming hindi Carlos Ruego ang pangalan niya. It's Damian Fernando. Parte siya ng Ring of Fire at pumasok siya rito bilang spy and it's my biggest mistake na tinanggap ko siya. Kaya everytime na nagbabalak tayong atakihin ang hideout nila, wala tayong nadadatnan dahil siya ang nagbibigay ng information sa mga ito"

What a sleazebag. All this time may spy na pala ang Ring of Fire dito sa Phoenix. Impressive.

"Siya rin ang nagbigay ng tip sa amin kung nasaan ang bagong hideout ng Ring of Fire. But then it was only a bait. Pero totoo ang hideout kaya lang wala na kaming naabutan. Nang wala kaming nadatnan, bumalik kami agad dito. Wala na si Carlos pati ang laman ng bag"

"Pwede bang sabihin mo sa amin kung ano ba talaga ang laman ng bag?" saad ko kay Barbara.

"Oo nga Barbara, ano bang laman nun at bakit gustong-gusto nilang makuha?" dagdag pa ni Val. Nakita ko naman ang pagbuntong hininga ni Barbara.

"Fine. I will tell you all now. It's an antiserum"

Antiserum?

"Anong antiserum?" tanong naman ni Gelo. Umupo si Barbara at seryosong tumingin sa akin.

"It was your father's creation" saad niya habang nakatingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"M-my father's creation?" nagtataka kong tanong. Tumango naman siya.

"Ano ba siya Barbara? Akala ko bang patay na siya?" naguguluhan kong sabi. Yumuko naman si Barbara.

"I'm sorry Lumina for hiding the truth" kumunot ang noo ko at napatayo.

"What is the truth?" nag-angat ng tingin si Barbara at nakita ko ang maluha-luha niyang mata. Oh shit. Is she about to cry? Mabilis akong umalis sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Barbara what is happening?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Your father was a scientist in Black Temple back then Lumina" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Maging ang mga nandito sa loob ng meeting room ay nabigla rin.

"But you told he's just a normal guy. That you just met him somewhere" humigpit ang hawak sa akin ni Barbara.

"That was a lie. Yes, accidentally ko lang siyang nakilala. Hindi ko pa alam noon na parte siya ng Black Temple. Nagpakasal kami at nabuo ka nga. Noong una wala lang naman sa akin kung parte siya ng Black Temple o ano pa man, hanggang sa pinilit ang daddy mo na gumawa ng deadly weapon by using chemicals"

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon