Third Person's Point of View
Isang oras na ang nakalilipas simula nung maitusok ang syringe na naglalaman ng Lethal Serum kay Lumina. Nakahiga pa rin siya sa kama habang nakatali ang mga paa't kamay at pinipigilan niyang matulog dahil natatakot siya na baka hindi na siya magising pa.
Bumibigat na ang talukap ng mata niya pero nilalabanan niya ito. Hindi tulad ng kanina, naigagalaw na niya ang kamay at paa niya pero dumoble ang sakit na nararamdaman niya. Parang may kung anong kakaibang nangyayari sa loob ng katawan niya. Hindi na rin normal ang kulay niya. Ang mapuputing balat niya ay unti-unting nagiging kulay lila. Ang mga ugat din nito ay mapapansing nagiging kulay pula at ang iba naman ay kulay asul.
Hindi niya akalain na darating araw na makukuha siya ni Gregor. Sa isip niya, ito na siguro ang dahilan kung bakit hindi nawala ang pangamba sa kanya simula nang lisanin nila ang headquarters. Ito amg dahilan kung bakit siya kinakabahan. Dahil magagawa siyang makuha ni Gregor.
Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito. Dumating si Gregor at si Damian na may dalang mga syringe at cylinder.
"Ilang minuto na lang ang kailangan nating hintayin at maisasakatuparan na natin ang Lethal Serum" sabi ni Damian habang nakatingin kay Lumina.
"M-mga gago. H-hindi kayo magtatagumpay" kahit hirap na hirap ay pinilit pa ring ngumisi ni Lumina. Nginisian lang siya ni Gregor at linapitan.
"Wala ka nang magagawa pa Lumina. Walang tutulong sayo rito" saad nito at may kung ano na namang itinurok kay Lumina.
"F-fuck you!"
"I'm just doing you a favor Lumina. Pampagising yan"
Napangiwi na lang siya nang tanggalin na ni Gregor ang needle ng syringe sa kanyang balat. Naniwala naman siyang pampagising ito dahil nagising nga naman ang diwa niya pero mas kumirot ang katawan niya.
"Kuhanan mo na siya ng dugo" utos ni Gregor kay Damian. Tumango naman si Damian at linapitan si Lumina. Napapikit na lang si Lumina nang makaramdam na naman siya ng hapdi sa braso at kuhanan ng dugo.
"Tangina niyo! Anong tinurok niyo sa akin!?" nahihirapang saad ni Lumina. Alam niyang nagising siya roon pero sumibol ang pagtataka sa kanya nang kuhaan siya ng dugo.
"Don't worry it's harmless. May kailangan lang kaming pag-aralan sa dugo mo" ngising sabi ni Damian habang kinukuhaan ng dugo si Lumina.
Wala ng nagawa si Lumina kundi ang hayaan sila sa kung anong gusto nilang gawin. Wala naman siyang lakas para lumaban at nakatali ang mga kamay at paa niya. Pero hindi siya mapakali, ilang minuto na lang ay makukumpleto na ang Lethal Serum.
"H-hindi pwede" saad niya nang makalabas na si Gregor at Damian.
'Hindi sila pwedeng magtagumpay!"
Iniisip niya ang sakripisyong ginawa ng kanyang ama maraming taon na ang nakalipas at hindi niya hahayaang mapunta ang lahat ng iyon sa wala.
Pumasok ang isang armadong lalaki at kinalagan ang kanyang tali sa kamay. May inilapag itong tray sa kama na naglalamang pagkain.
"Tsk. May balak pa pala kayong pakainin ako?" ngising sabi ni Lumina habang nakatingin sa pagkain na nasa gilid niya.
Hindi naman sumagot ang armadong lalaki at lumabas na. Pinilit niyang umupo at napadaing na lang siya nang kumirot ang buong katawan niya nang gumalaw siya. Gayunpaman, nagawa pa rin niyang umupo at inabot ang tubig na nasa tray at ininom ito lahat. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya. Nang makainom, ibinalik na niya ang baso sa tray at napahawak sa dibdib. Naninikip na ang dibdib niya at sa tingin niya, epekto na ito ng serum.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.