Lumina's Point of View
Kumunot ang noo ko nang makita kung nasaan kami ngayon. Sa hospital? Seryoso? Dito nagpunta si Seth? Tinawagan ko si Gelo para tanungin kung tama ba yung binigay niyang location at tama naman daw ito.
Pumasok kami ni Valerie sa loob ng hospital para hanapin si Seth. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga nadadaanan namin dahil siguro sa naka-uniform kami.
Humila ako ng isang babae na nakasalubong namin.
"Miss may nakita ka bang lalaking nakasuot ng uniform na kakulay ng suot namin?" tanong ko sa kanya pero umiling siya. Binitiwan ko naman na siya.
Inilibot ko ang paningin ko sa hospital. Masyado itong malawak. Si Val naman, naghahanap din. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya. Alam kong nalukungkot siya ngayon.
"Excuse me nurse, may nakita ka bang lalaking nakasuot din ng uniform na hawig ng sa amin?" nabuhayan naman ako nang tumango yung nurse.
"Ah oo, nakasalubong ko siya kanina sa third floor ng hos------"
"Salamat!"
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nung nurse at nagpasalamat na agad ako. Tumakbo naman na kami ni Valerie papunta sa elevator at pinindot ang button na may nakalagay na number 3.
Liningon ko naman ang katabi ko at hinawakan ang balikat niya.
"Ayos ka lang?" isang malungkot na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.
"Hindi ko alam Lumina. Mabigat sa pakiramdam" hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong pa doon ang isa ko pang kamay para icomfort siya.
Bumukas na ang elevator at napatigil kami nang makita namin siya. Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita kami.
"Lumina? Panget? Anon-----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang sinuntok ko siya ng malakas sa mukha. Napaupo naman siya sa lapag.
"Lumina ano ba!"
Mabilis na lumapit si Val kay Seth at inalalayan ito.
"B-bakit mo ako sinuntok?" hindi makapaniwalang sabi ni Seth. Halata sa mukha niya ang pagkalito. Napangisi naman ako.
"Magmamaang-maangan ka pa ha" hinila ko palayo si Val sa kanya at itinulak siya.
"L-lumina anong nangyayari sayo?" nainis ako nang makita ko ang mukha niyang akala mo walang alam kaya naman sinuntok ko ulit siya. This time, dumugo na ang labi niya.
"Lumina tama na! Kailangan natin siya ng buhay!" natigilan ako nang makita kong umiyak si Valerie.
"T-teka ako? Kailangan niyo ng buhay? Ano bang nangyayari?"
Humarap naman sa kanya si Val.
"Panget bakit ka umiiyak?" alalang tanong ni Seth kay Val. Hahawakan sana niya ang mukha ni Val nang lumayo si Val sa kanya.
"Sabihin mo sa akin ang totoo Seth, ikaw ba?" mas lalong naguluhan si Seth at mas lalo kong nakita ang pagkalito sa mukha niya na siya namang nagpakunot sa noo ko.
"Anong ako? Sandali lang, ano bang nangyayari?"
"Ikaw ba si Shadow?"
Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Ang nakakuyom na kamao ni Val at ang naguguluhang itsura ni Seth.
"Shadow? Sino si Shadow?" kumunot lalo ang noo ko at lumapit ako sa kanya para kunuwelyuhan siya.
"Hindi mo na kami maloloko Seth. Umamin ka na lang" matimpi kong sabi. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka masuntok ko na naman siya.
"T-teka lang Lumina. W-wala talaga akong alam sa sinasabi niyo. Tsaka si Shadow? Sino yun?"
Nabitiwan ko si Seth dahil sa sinabi niya. Confusion is very evident in his face.
"L-lumina..." tumingin sa akin si Valerie at alam kong parehas kami ng nasa isip ngayon.
"Anong ginagawa mo rito sa hospital? Bakit bigla ka na lang umalis kanina matapos mabugbog ni Hans?"
Tumayo naman siya ng maayos.
"Dito nagtatrabaho si dad. Doctor siya at pinuntahan ko siya rito para kay Hans. Ang sabi niya pupunta siya sa University pagkatapos ng ginagawa niya para magamot ng maayos si Hans"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Nagsasabi ka ba ng totoo Seth?" mabilisan naman siyang tumango.
"Promise Lumina. Hindi ako nagsisinungaling"
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Tangina! Pinaikot niya kami!
Biglang nanumbalik sa akin yung mga mata ni Shadow na nakita ko noong una kaming magkita sa Battle Field. Damn it! Bakit ngayon ko lang napansin!? At yung phone, sa gilid ng refrigerator, sa villa, kaya pamilyar sa akin iyon dahil ganun na ganun yung phone na itinapon ko. Ang phone na ginamit ni Shadow para imessage ako.
"Si Primo" napatingin silang dalawa sa akin.
"Anong nangyari kay Primo, Lumina?" naguguluhang tanong ni Seth.
"Kailangan natin siyang balikan"
Pasakay pa lang kami sa elevator nang biglang magring ang phone ko. Tumatawag si Gelo kaya naman sinagot ko. At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"Lumina! Nawawala si Hans at si Primo!"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.