Lumina's Point of View
One week have passed simula nung pumasok kami rito sa Dark University at wala pa ring progress tungkol kay Shadow. At sa nakalipas na isang linggo, sumakit ang ulo ko sa seatmate ko. Paano ba naman, wala siyang katapusan sa pagtawag sa akin ng bitch! May pangalan naman ako pero bakit yun ang tawag niya?
Kaya bilang ganti, tinatawag ko rin siyang asshole. Gago siya. Naku, kapag nalaman ni Barbara na may tumatawag na bitch sa anak niya, baka bigla yung sumugod dito at saksakin si Zuckery. Primo Zuckery ang buo niyang pangalan. At isa siyang malaking gago.
Nandito ako ngayon sa soccer field. Sa may bleachers dahil nag-iisip ako ng pwede kong gawin kung paano makukuha ang listahan ng mga transferee rito.
"What are you thinking?"
Napalingon ako sa gilid ko. Automatic akong napapoker-face nang makita ko siya. May hawak pa siyang cucumber juice at sumisipsip siya sa straw.
"Pake mo ba? Kung nandito ka na naman para tawagin akong bitch, parang awa mo na lumayo ka na lang at baka masuntok kita ng wala sa oras" matimpi ko pang saad.
"You're really interesting"
"Anong sabi mo?" hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-inom ng juice.
Napatitig naman ako sa adam's apple niyang taas-baba dahil sa pag-inom niya. Tsk. Sarap suntukin para mabulunan siya.
"Why did you transfer here? Didn't you know that this school is chaotic? Chaos are everywhere" binalingan ko naman siya ng tingin at ngumisi.
"Oh i love chaos" ngising saad ko.
Napa-tsk na lang siya. Hindi ko alam bakit nandito ang isang ito. Nawala tuloy ang focus ko sa pag-iisip kung anong gagawin kong plano para makuha yung list.
"Balita ko may gang ka? Anong pangalan ng gang mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Gusto mong sumali?" napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ni minsan hindi ko binalak na maging gangster no.
"No thanks. I just want to know. Kasi ang sabi ni Principal maraming gang dito at halos lahat ng estudyante rito at basagulero. Then accidentally, narinig ko dati kay Hans na may gang kayo"
Binitiwan naman niya yung iniinom niya at nilagay ito sa upuan na nasa tabi niya lang.
"Nightmares ang pangalan ng gang ko"
Hinawakan ko naman ang bibig ko para pigilan ang tawa ko. Nightmares talaga!?
"Are you laughing?" kunot noo niyang tanong. Huminga naman ako ng malalim para pigilan ang tawa ko pero hindi ko na napigilan kaya natawa na ako.
"Pfftt...."
"Hey stop laughing"
Mas lalo akong natawa nung makita kong namumula yung tenga niya. Para bang nahihiya siya. Oh talaga ba? Really? Itong lalaking to mahihiya? Hindi siguro.
"Bitch i said stop laughing"
Oh ayan na naman. Tinawag na naman niya akong bitch. Bakas na rin ang inis sa boses at sa mukha niya.
"Eh kasi naman-----pfftt...."
Letse! Bakit hindi ko mapigilang matawa?
"Fine. Tumawa ka lang diyan" poker face na niyang sabi.
Tawa lang ako ng tawa. Napatigil na lang ako nang makita kong nakatitig na siya sa akin. Naconscious tuloy ako bigla. Hindi naman ako malakas tumawa.
"Are you done?" bored na tanong niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tumango.
"Bakit naman kasi Nightmares ang pangalan? Nambabangungot ba kayo?"
And for the nth time, natawa na naman ako.
"Hindi ako ang nag-isip nun. It's Seth"
Oh i see. Si Seth pala. Loko-loko talaga ang isang yun.
"Ikaw leader?" tanong ko at tumango siya.
Ang totoo niyan, kaya gusto kong alamin dahil magsasagawa ako ng research tungkol sa kanila. Sa loob kasi ng isang linggong pananatili ko rito sa D.U., lagi ko silang naririnig na binabanggit ng mga estudyante rito. Kesyo natatakot daw sila or what.
Himala na nga lang at nakakausap ko siya ng matino kahit papaano. Though bitch and asshole ang tawagan namin.
Naningkit naman ang mata ko nang makita akong bola ng soccer na papalapit sa akin. Mukhang napalakas yung sipa. Tumayo na ako at akmang sasalubungin yung bola nang may mauna sa akin. Napatingin naman ako sa katabi ko na hawak na yung bola gamit yung dalawa niyang kamay.
Nakatingin siya doon sa sumipa. Hinagis niya yung bola pabalik sa soccer field at napabilog ang bibig ko nang tumama ang bola sa ulo nung sumipa at bigla itong nawalan ng malay.
"What the?" hindi makapaniwalang saad ko. Wala namang ginawang masama yung lalaki ha.
"Asshole ka talaga" iiling iling na saad ko.
"Primo!"
Napatingin naman ako kay Seth na tumatakbo papalapit sa amin.
"What the hell is your problem?" kunot noong tanong ni Primo kay Seth nang makalapit na siya.
"Ang init naman agad ng ulo mo! Naistorbo ko ba kayo?" may pilyong ngiting sabi ni Seth.
"Gago" komento ko sa sinabi niya.
"Pinapatawag ka ng ate mo sa office niya"
Napakunot naman ang noo ko. Ate niya?
"Bakit na naman daw?" tanong ni Primo.
"Ewan ko rin. Basta puntahan mo na at baka magwala si dean hahaha"
Napaayos naman ako ng tayo. Tama ba ang rinig ko? Dean?
"Tsk"
At umalis na nga si Primo. Kaya naiwan ako kasama itong si Seth.
"Hi Lumina!" masiglang sabi niya.
"Kapatid ni Primo ang dean dito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, magpinsan lang"
Okay. Pinsan. Kinuha ko na ang bag ko at tumalikod na.
"Teka aalis ka na?" rinig kong sabi ni Seth. Tumango lang ako at isinukbit ang bag ko sa balikat ko.
"Ang daya! Favoritism ka kay Primo ha!"
Aish. Anong favoritism? May kailangan lang akong alamin. Pangalan lang naman ng gang ang gusto kong alamin pero kita mo nga naman, may isa pa akong nalaman. Pinsan niya pala ang dean. So it means magkadugo sila.
Napangisi na lang ako habang naglalakad dahil sa naiisip ko. Mukhang alam ko na kung paano ko makukuha ang list.
I need to use him.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.