Chapter Twelve

406 11 0
                                    

Lumina's Point of View

"Ang cool mo talaga kanina Lumina! Ang galing!"

Napangiwi na lang ako nang marinig ko na naman si Seth. Pang-ilang beses na ba niyang sinabi yan?

Hindi ko akalain na pinapanood pala nila ako habang nakikipaglaban sa kampon ng mga matitigas ang ulo. Mapupuruhan ko na sana si Hannah kaya lang sumulpot naman itong si Primo at pinigilan ako.

"Oo nga Lumina, galing mong makipaglaban. Expert na expert ang datingan" dagdag pa ni Hans.

"Sus, wala pa yan sa kaya niyang gawin" sinamaan ko naman ng tingin si Valerie dahil sa sinabi niya. Nagpeace sign lang naman siya.

Nagulat naman ako nang biglang hinawakan ni Primo ang braso ko.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" taas kilay kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang sa braso ko. Ano bang problema niya sa bras------

Oh. I have a cut.

Woah. Hindi ko nalamayang may sugat na pala ako. Baka nakalmot ng isa sa mga babae kanina. Hindi naman ito malaki pero mukhang may kalaliman. Bakit hindi ko naramdaman ito kanina? Manhid na ba ako?

"H-hey asshole! Don't drag me!" asik ko nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko at hilahin. Pilit ko namang tinatanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero lintik lang, ayaw niyang bitiwan.

"Hoy! Bingi ka ba!? Sabi ko bitiwan mo-----" napasinghap naman ako nang tumigil siya sa paglakad at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Para na ako ngayong naduduling dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napatitig naman ako sa mga mata niya. It's really enticing. I think anyone who will put an attention to his eyes will be allured.

"Just shut up Lumina"

Natigilan naman ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Tama ba? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Nakita ko naman ang pagngisi niya at tumalikod na. What the fuck? He called me by my name? Did he just said Lumina?

What the hell is this? Why do i feel something when he called my name?

Hindi ko na namalayan na nakarating kami sa infirmary dahil preoccupied masyado ang utak ko sa pagtawag niya ng pangalan ko. Pinaupo niya ako sa isa sa mga kama at nakita ko na lang na may hawak siyang panlinis para sa sugat ko.

"Ako na ang gagawa niyan" aagawin ko na sana yung hawak niya nang ilayo niya yung kamay niya at sinamaan ako ng tingin. Napaawang naman ang bibig ko.

Tsk. Bahala siya diyan!

Tiningnan ko lang siya habang ginagamot ang sugat ko. Hindi naman kasi malala yung sugat. Cut lang yun na medyo may kalaliman.

"Bakit ka ba napunta sa lugar na yun?" kunot noong tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yung sa message.

"Eh kasi naman, hinabol ako nung grupo ng lintik na.... Ano nga bang pangalan nun?" tanong ko sa kanya.

"Hannah"

"Ah. Hannah pala ang pangalan ng matigas na ulong yun" tatango-tango kong saad. Ngayon ko lang kasi nalaman ang pangalan niya. Well, hindi naman ako interested.

"You should have called me" nagsalubong naman ang kilay ko.

"Hoy asshole, bakit kita tatawagan? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Hindi mo ba nakita kanina? Napatumba ko sila? Baka nakakalimutan mong reaper ako" medyo hininaan ko lang yung dulong part.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon