Chapter Thirty Six

244 6 0
                                    

Lumina's Point of View

Maingat kaming lumabas ni Primo sa room. Nakarinig na naman kami ng putok sa ibaba. Nandito kami sa third floor ng bahay nila. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nila pinasok ang bahay nila Primo. Ang tanging nasa utak ko lang ngayon ay dahil sa bag.

"Lumina!" nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Primo palapit sa kanya at nakita ko na lang na nagpakawala siya ng bala mula sa baril na hawak niya. Tinamaan yung lalaki sa noo at bumagsak ito. Napabilog naman ang mga bibig ko dahil sa amusement.

"Nice shot" ngumisi lang siya.

"Mag-ingat ka nga"

"Ako dapat ang magsasabi sayo niyan"

"Really? Paano kung wala ako? Baka nabaril ka na. Damn it Lumina" napaismid ako nang makita kong naiinis siya.

"Nandiyan ka naman. We'll going to protect each other right?" saad ko at ngumiti. Nawala ang inis sa mukha niya. Tumango at panandaliang ngumiti.

Nagpatuloy na kami sa paglakad. Napasandal kami sa isang pader nang makarinig kami ng tunog tumatakbo. Mukhang paakyat sila rito. Sumilip ako at nakita ko ang apat na tauhan ng Ring of Fire. Papunta sila rito sa direksyon namin.

"Nakita niyo na ba siya?"

"Hindi pa"

Siya? Sinong pakay nila? Si Primo?

"Tandaan niyo, kailangan natin siya ng buhay. Yun ang ibinilin ni boss"

Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa katabi ko. Gaya ko ay ganun din ang reaction niya. Idiniin namin ang likod namin sa pader. Nakalagpas sila at mukhang hindi nila kami napansin kaya naman isa-isa na namin silang pinagbababaril. Nang matumba sila, tahimik kaming tumakbo ni Primo pababa sa second floor.

"Shit"

Napayuko ako bigla nang may balang paparating sa akin. Nagawa kong iwasan yun atsaka ko binaril ang nagpakawala nun. Magkatalikuran kaming naglalakad ni Primo ngayon.

Bumaba kami papunta sa first floor at napamura na lang ako nang makita kong duguan na ang mga maid nila. This is bullshit.

"Ayun sila!"

"Fuck!/Damn!"

Sabay kaming napamura ni Primo at tumakbo kami papunta sa kitchen. Nahila ko siya bigla pababa nang paulanan nila kami ng bala.

"Hold your fire! Hindi siya pwedeng mapuruhan!"

Tangina. Sino bang tinutukoy nila?

Natigil ang pagpapaulan nila ng bala sa amin. Naging tahimik ang paligid. Sumenyas ako kay Primo na gumapang kami papunta sa ilalim ng lamesa.

"Are you fine?" agad kong bulong sa kanya nang makarating kami sa ilalim ng lamesa. Tumango naman siya.

"How about you? Are you hurt?" alalang tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

"I'm fine"

Pinakiramdaman namin ang paligid. Alam naming malapit lang sila sa amin. Mula rito sa pinagtataguan namin, nakikita ko ang mga pares ng paa na papalapit sa amin. Lumapit ako kay Primo at ibinulong kung ano ang gagawin namin. Ipinuwesto na namin ang mga kamay namin sa ilalim ng lamesa. Huminga ako ng malalim atsaka kami tumayo para ihagis yung lamesa sa mga lalaki.

May mga natamaan at nadaganan ng lamesa at meron namang mga nakaatras kaya nakipagbarilan na rin kami. Napamura na lang ako nang maubusan na ako ng bala. Napatingin ako kay Primo at ganun din siya. Shit! We have no choice kaya mabilisan akong tumakbo palapit sa mga nagpapaputok ng baril nagslide para sipain sila.

May kinuha si Primo sa kitchen. Inihagis niya ito papunta sa direksyon ko kaya tumayo ako para saluhin ang knife na inihagis niya sabay saksak ko sa dibdib ng lalaki. Napakunot naman ang noo ko nang tumigil sa pagbabaril at nakipagpalitan lang ng suntok sa akin.

Am i their target?

Mas mabuti na rin ito. Mas mapapadali ko silang tumbahin kung walang baril na involve. Mula sa peripheral vision ko, lalapit na sana sa akin si Primo nang may mga humarang din sa kanya.

"Fuck"

Napamura na lang ako atsaka mas binilisan ang paggalaw ko. He's sick! At baka bumigay na naman ang katawan niya kapag nasobrahan siya sa pakikipaglaban. Saksak dito saksak doon. Suntok dito suntok doon. Sipa rito sipa roon. Halos paulit-ulit na lang ang ginagawa ko. Nang mapatumba ko sila, huminga ako ng malalim atsaka nagsimula nang tumakbo papalapit kay Primo. Nakakailang hakbang palang ako nang may maramdaman akong tumama sa may likod ko. Ramdam kong hindi ito bala kaya kinuha ko ito.

A syringe?

Lilingon pa sana ako para tingnan kung sino ang walanghiyang may gawa nito kaya lang biglang nanlambot ang mga tuhod ko at bumagsak ako sa baba. Naramdaman ko ring may humawak sa magkabila kong braso.

"Lumina!"

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. What the fuck is that? A paralyzer?

Nakita ko na sinubukan na lumapit sa akin ni Primo pero may mga nakaharang sa kanya at pilit siyang pinapaulanan ng bala. Gustong-gusto kong manlaban ngayon pero hindi ko magawa. Fuck it!

"Yes boss, nakuha na namin siya"

So it's real. Ako nga ang target nila. But why me? Wala naman sa akin ang bag. Nararamdaman ko ring bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Fuck! No! Sinubukan ko uling igalaw ang katawan ko pero wala talaga. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko at ipikit ang mata ko. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

Hindi pa man kami nakakalayo nang makarinig na naman ako ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Nakalas ang kamay na humahawak sa braso ko kaya bumagsak ako.

"Shit! Lumina!"

Ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko. Naramdaman ko na may mga brasong yumakap sa akin.

"Lumina open your eyes!"

Pinilit kong buksan ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Bumungad sa akin ang mukha niya. Makikita mo ang pawis na tumutulo sa gilid ng ulo niya. Nakikita ko rin ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya.

"P-primo" nakangiti kong saad nang makita siya. I'm glad he's fine. Bigla niya akong niyakap.

"Damn it. Natakot ako kanina Lumina. Akala ko makukuha ka nila" naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo ko kaya napapikit na lang ako at hinayaang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kanina natakot ako para sa sarili ko nang makuha nila ako. But at this moment, when he kissed me in my forehead. It gives me relief. I feel safe in his arms.

"Lumina!"

Naimulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses. And there i saw Valerie and Gelo running towards our direction. So sila ang tumulong sa amin. Akala ko silang dalawa lang ang nandito pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin. Sa amin ni Primo. Hindi ko alam pero parang may nakikita akong lungkot sa mga mata niya.

Iñigo.


A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon