Valerie's Point of View
"Lumina. Kumain ka na muna. Dalawang araw ka ng hindi kumakain"
Halos bawat thirty minutes ata ay pumapasok ako dito sa kwarto ni Lumina para yayain siyang kumain pero ito naman siya at nakatalukbong lang ng kumot. Wala na naman ata siyang balak kumain.
Ako ang nasesermonan kay Barbara dahil sa ginagawa niya eh.
Simula kasi nung mabaril si Primo, matapos naming makaalis sa headquarters, nagmukmok na siya dito sa kwarto niya. Ni hindi pa siya kumain ng maayos. Kung kakain naman siya ay isang kutsara lang o kaya naman ay dalawa.
After kasi naming makaalis sa building, dinala si Primo sa Phoenix Headquarters. Doon siya inoperahan at ngayon, nasa Private Unit na siya. Halos ang tagal ding umiiyak ni Lumina noon. Nung gabing yun ko lang siya nakitang ganon. Hindi naman siya ganon kalala kay Iñigo. Hindi rin siya tumigil sa pagsosorry kay Sir Theodore. Ang ama ni Primo. Ang tanging isinasagot lang ni Sir Theodore ay...
"Lumina. Wala kang kasalanan. Alam kong ginusto ni Primo na gawin iyon para sa iyo"
Pero si Lumina. Matigas. Nagpupumilit na kasalanan niya ang nangyari kay Primo. Dahil nga siya dapat ang nagbubuwis ng buhay para kay Primo dahil mission niyang bantayan ito pero kabaligtaran ang nangyari. Ang sarap na nga niyang batukan pero syempre hindi ko magawa sa ngayon.
Sa ngayon ay nasa headquarters pa rin si Sir Theodore dahil may inaasikaso sila ni Barbara. Naghahanap na sila ng paraan kung paano matunton ang Ring of Fire at para mapagbayaran ang ginawa nila kay Primo.
Ang totoo kasi niyan, pinalitan nila ang laman ng bag bago ito ibinigay kay Shadow. Dumating kasi si Doctor Salazar bago ang pagkikita kaya nagawa nila itong buksan dahil sa device na ginamit niya. Hindi pa muna ipinaalam sa amin ni Barbara kung anong laman nun. Masyado raw delikado.
Kaya panigurado, may posibilidad na balikan kami ng Ring of Fire dahil sa ginawa naming panloloko sa kanila.
"Lumina naman! Kumain ka na nga! Gusto mo rin bang mapunta sa Private Unit at maconfine?"
Wala akong balak mainis pero kahit sino ay maiinis kung ayaw kumain ng alaga niyo. Dalawang araw na akong sitter nitong si Lumina. Si Gelo naman ay nasa Dark University para kahit papaano ay may bantay si panget at si Hannah. Alam na rin nila ang nangyari kay Primo at bumisita sila kahapon.
"I will surely do fucking kill all of them"
Natigilan ako sa paghila sa kumot ni Lumina nang marinig ko ang malamig niyang boses.
"Sinong papatayin mo?" tanong ko sa kanya.
"Black Temple. Ring of Fire. And especially Shadow"
Oh ghad. Ang seryoso ng boses niya. Nakakatakot. Mahirap galitin ang isang Lumina Velarde dahil hinding-hindi mo siya mapipigilan sa mga gagawin niya.
"Hindi ka naman siguro nagbabalak na sumugod mag-isa ano?" tinanggal niya ang kumot na bumabalot sa kanya at nakita ko na ang malalaking eyebags niya. Jusko! Ano nang nangyayari sa babaeng ito? Mukha na siyang living dead.
"I am not that stupid Val"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman at nasa tamang kaisipan pa siya. Inilagay ko ang wooden tray na may lamang pagkain sa kama niya.
"Kumain ka na please. Malilintikan na naman ako kay Barbara kapag nagreport akong wala kang kinain" tinitigan niya lang yung pagkain.
"Si Primo? Kumusta na siya?" lumungkot ang boses niya.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.