Lumina's Point of View
"Guys bukas ha. Punta kayo" nakangiting sabi ni Seth sa amin.
Bukas na kasi ang birthday niya. Actually nakapagpaalam naman na kami kay Barbara at napapayag naman namin siya. Nung una ayaw ayaw niya pa kaming payagan dahil nga sa nangyari sa akin.
Sila rin ang nakatagpo sa amin. Nanghingi ako dati ng tracker kay Gelo at inilagay ito sa relo ni Primo. Dahil dakilang magaling sa computer si Gelo, nagawa niyang itrace ang location namin kaya nakita nila kami. Dahil doon, nalaman na nila Val na binabantayan ko nga si Primo. Pinaliwanag naman sa kanila ni Barbara ang tungkol doon.
"Hannah ikaw din sumama ka" tumaas naman ang kilay ni Hannah.
"Bakit ako sasama? Close tayo?" mataray na sabi ni Hannah.
Matibay talaga ang isang to. Hindi mabali ang katarayan sa buto. Sa mga nakalipas na araw, kasama na namin itong si Hannah.
"Girl, huwag ka nang mag-inarte diyan kung ayaw mong mabalian ng buto" sabi naman ni Val.
"Tinatakot mo ba ako!?" pagtataas ng boses ni Hannah.
"Maybe? Nasa sayo naman ang desisyon kung matatakot ka o hindi" ngising sabi ni Valerie. Umikot lang ang mata ni Hannah.
"Sumama ka na Hannah" lahat kami ay napatingin nang magsalita si Gelo. Magkatinginan si Gelo at Hannah ngayon at para bang nag-uusap sila gamit lang yung mga mata.
Okay? May hindi ba ako nalalaman sa dalawang ito?
"Psh. Fine, sasama na ako"
"Yun oh! Kumpleto tayo bukas!" sabi ni Hans.
Napagpasyahan naming hindi na pumasok bukas dahil nga sa birthday na ni Seth.
**********************
"What are you thinking?"
Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko siyang umupo sa tabing upuan ko. Deja vu. Napangiti na lang ako. Nangyari na ito dati. Dito rin sa soccer field. Sa may bleachers.
"I'm thinking of the Black Temple, the Ring of Fire, Shadow, the bag..." diretsa kong sagot sa kanya.
"Don't stress yourself about them" i just sighed.
"I just can't help it"
Gustong-gusto ko nang alamin kung ano ang laman nung bag. I've even contacted Doctor Salazar kung may device siyang pwedeng ibigay sa akin para mabuksan iyon. Ang sabi niya, titingnan niya kapag nakabalik na siya ng bansa. I'll just wait for him.
"Okay na na yung braso mo?" napatingin naman ako sa kanya.
"Seriously? Lagi mo na lang ata akong tinatanong kung okay na yung braso ko" natatawa kong sabi sa kanya.
"Just making sure" casual na sagot niya.
"Hindi pa siya tuluyang magaling pero ayos naman na ako. Sa braso lang naman ito"
"But still it puts you in danger" nagcross-arms lang ako.
"Hindi naman ako mamamatay diyan. Remember? I am a reaper and that's just a bullet" may pagkamahangin kong sabi dahilan para mapangisi siya.
"I've got a message from someone" napakunot naman ang noo ko.
"Anong sabi?" kunot noong tanong ko.
"It's from unregistered number. It warned me to bring back the bag or they will repeat what happened few days ago"
Naiyukom ko na lang ang kamao ko. Paniguradong isa si Shadow sa nasa sasakyan at malamang, pakana ito ng Ring of Fire.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.